"IN JUST three weeks, we hit our monthly sales target, Ma'am," natutuwang report kay Vera Mae ng supervisor ng Angel's Café. It was a cozy Parisian-theme bakeshop located at the main street of their subdivision's commercial area. Tatlong buwan pa lamang ang negosyo niyang iyon subalit nagpapakita na ng maliwanag na hinaharap. Kabi-kabilaan ang media mention para sa café. At bukod pa roon ang mga positive online reviews sa iba't ibang blogsites, dahilan para kahit ang iba ay dumadayo pang talaga para sa bagong dining experience na tatak Angel's.
"That's great, Diana!" enthusiastic na sabi niya. "Mukhang hindi magtatagal ay kakailanganin na nating magdagdag ng tao. Mukhang madalas na ang overtime nyo dito."
"Lagi tayong puno, Ma'am. Willing to wait nga po ang ibang diners."
"Hindi naman sila nagrereklamo kapag naghihintay sila?" concerned na tanong niya.
"Of course not, Ma'am. Busy po sila mag-picture taking. Gandang-ganda po sila dito, eh."
Lumapad ang ngiti niya. Aware siya doon. Salamat na nauso ang "check-in" status at pagkuha ng litrato sa pagkain sa halos lahat ng pagkakataon, nagkaroon ng libreng advertisement ang café sa pamamagitan ng iba't ibang social networking sites.
"Kumusta ang products natin? Meron bang hindi gumagalaw?"
"Consistent pa rin pong bestseller ang red velvet cupcake. Sa drinks naman po, they like our green tea frappe. Pero lahat naman po, nao-order everyday. Kadalasan po, hindi na umaabot sa thirty-minutes closing time, ubos na po ang baked goodies. Hindi na po natin kailangang mag-sale."
Napatango-tango siya. Bahagi ng promo nila ang reduced price ng mga produkto kapag malapit na ang closing time. Importante sa kanya na sold-out lagi ang pastries at tinapay para sa kinabukasan ay bagong gawa uli ang lahat ng iaalok nila sa customers. "I'm thinking if we feature a certain combo every week. Let's say a ham and cheese croissant and cappuccino this week, then an apple-walnut cupcake and an espresso for the next week. We can also offer a cold drink sub if they don't want hot."
"May discount, Ma'am?"
"Certainly. That way, maiha-highlight natin ang ibang breads and cupcakes."
"Maganda nga po iyon, Ma'am." Inilapag nito sa harap niya ang bank passbook ng benta ng café at ang ledger. "Saka nga po madami na din ang nagtatanong kung magkakaroon din daw ba tayo ng branch? Meron din pong nagtanong kung io-open po for franchise itong café?"
Tumunog ang cellphone niya. "Hello, love." It was Dick, her boyfriend for almost a year. "Nakaparada itong pick-up mo sa harap ng café so I assume nasa loob ka?"
"Yes, kausap ko lang si Diana." Sinenyasan niya ang babae na uunahin niya ang nasa telepono.
"Not baking?" nadagdagan ng tuwa ang boses nito. "I hope you're not baking."
Natawa siya. "Hindi." Kung sa ibang pagkakataon ay malamang nga na nasa kusina siya. Sa kabila na meron na siyang trusted baker, hindi siya tumitigil sa experiment at development ng mga pagkain na pwede nilang ihain sa mga kliyente nila.
"Good," he said. "Then, we can have dinner later."
"Oh, nakapangako na ako kay Angel. Nagre-request siya na ipagluto ko siya ng menudo na madaming hotdog. Sa bahay na lang tayo mag-dinner. Wala si Mommy. Baka daw gabihin na siya ng uwi." Deep inside her, mas gusto niya iyong paminsan-minsang umaalis ang mommy niya. Gustong-gusto niyang naiiwan si Angel sa kanya.
"Sige, kung ganyan pala na hindi tayo puwedeng lumabas." Nahimigan niya ang dismaya sa tinig nito.
"You should be happy. Makakatipid ka," nagbibirong sabi niya. Medyo maluho si Dick kapag kumakain sila sa labas. Hindi na ito naghihintay ng espesyal na okasyon para lang kumain sila sa mamahaling restaurant.
BINABASA MO ANG
Barely Heiresses - VERA MAE
RomanceVERA MAE is a part of PHR's Barely Heiresses Collaboration Series Released on February 28, 2015 Available in leading bookstores. ebook is also available at http://preciouspagesebookstore.com.ph/Book/1938