Kinagabihan,pinag isipan ko kung sasakyan ko ba yung sinabi nung labrador na yun. I mean ako?sasali sa quiz bee? E ang alam ko lang naman sa science ay yung, teka, may alam ba ko? Basta meron! Nakalimutan ko lang.tsk.
Nagbukas muna ako ng fb habang bukas pa yung wifi ng kapitbahay namin. Pano ako naka connect? Simple lang. Sinanla ko sa kanila yung cp ko.Tapos syempre gagamitin nila yun.After 1 week tinubos kona and then tada! Naka connect nako.Hays galing ko talaga.So ayun na nga pagbukas ko ng fb ko, may nakita akong nag message sakin.
Kurt L : The science quiz bee is tomorrow.You should be there in 7am. Flideo University. Room 16. Please be on time.
Sino tong Kurt L na to? Ah! Naalala kona! Si Labrador. HAHAHA! Bat kase ayaw kumpletuhin yung pangalan eh.Nahiya siguro.Teka! Bukas na yung quiz bee? FTW.
Magbibigti nako! Biro lang. Anak ng! Pano to?!Nag log out nako.Hay! Bahala na bukas. Magdadasal na lang ako sa diyos.Sana talaga pang grade 1 lang yung mga tanong.Charot! Nako! Mababaliw nako!
*Flideo University
Nasa harap na ako ng room 16 netong Flideo University.Naririnig ko lang to dati, sabi sobrang laki daw tsaka pang mayaman.And totoo nga! Triple nung school namin tong school nato. Di aircon pa lahat.
Naputol ang pagmumuni-muni ko ng may teacher na nagtanong sa akin.
'Excuse me? Kasali ka ba sa Science Quiz Bee?'
'Opo' sabi ko
'From what school?'
'Catalina National High School ho'
'Okay, come in.and please fill up this form. Just wait. The quiz bee will start in 30 minutes'
Nilagay ko na yung pangalan at school ko dun sa form na binigay ng teacher.Walangya yung labrador na yun.7:30 pa pala umpisa.Mag aantay pa tuloy ako.Ayoko pa naman sa lahat yung pinag aantay.
After 20 minutes, nagsipasukan na yung mga contestants. Palihim ko silang binilang,tingin ko mga nasa 15 kami.Lahat sila galing sa ibang school. May nakita din akong kapareha ng uniform ko.Namumukhaan ko siya! Siya yung palaging sinasali sa mga contest sa school.Di ko nga lang alam pangalan.Malapitan nga
'Hello! Ako si viel! Kasali ka din pala sa quiz bee?'
Sinara muna niya yung folder niyang hawak bago niya ko lingunin.
'Oo kasali ako.Wait dont tell me kasali ka din. Ang alam ko kase isa lang ang representative per school'
Nagulat ako.Akala ko voluntary lang yung pagsali ko dito.Magsasalita pa sana ako kaso biglang may nagsalita na sa harapan.
'Please remove your reviewer in the desk because the science quiz bee will start after the opening prayer and national anthem'
Wadapak.Ngayon ko lang nahalata lahat sila may binabasang reviewer,ako lang wala.Yun pala yung hawak ng school mate ko kanina na folder. Dyusmiyo! Bahala na si ant man.
Pagkatapos ng lupang hinirang may pinamigay na silang white board. Pero sing laki lang siya ng 1/8 illustration board tsaka white board marker at eraser.Dun yata ilalagay yung sagot
'Goodluck contestants! Heres question number 1' lalaki naman yung nagsalita.
'A ______ is a transparent material made of plastic and glass."
Pag kasabing pagkasabi niya nun, halos sabay sabay nag siyukuan yung mga contestants at nag sulat ng sagot.Ako? Nganga. Hindi ko talaga alam kong anong isasagot ko. Unang nagtaas ng white board yung lalaking nasa harapan.Kokopya na dapat ako sakanya kaso patalikod yung hawak niya ng white board.Teka si labrador yun ah! Nginisian niya ko ng mahuli akong nakatingin sakanya, lalong lumaki yung ngisi niya ng mapansing wala pang kalaman laman yung white board na hawak ko.
'TIME IS UP!'
Nagulat ako.Tsaka ko lang napansin na lahat sila nakataas na ang hawak na white board.Sa sobrang pagmamadali ko nanghula na lang ako ng sagot.
Patapos nakong magsulat ng magsalita uli yung lalaki sa harap.
'Miss! I said time is up! Please raise your whiteboard.'
Pinagtinginan nila akong lahat.Grabe! Simula pa lang napahiya na ako kaya kahit nag aalinlangan ako,tinaas ko na lang yung hawak kong whiteboard.
Pagka taas na pagka taas ko pa lang nagtawanan na silang lahat.Kasabay ng pagtawa nila ang pag litaw ng tamang sagot sa malaking screen.Isang malaking LENS ang nakalagay doon.Yun pala ang sagot.
Hiyang hiya ako sarili ko. Unang tanong palang taob nako.May narinig pa akong nagbulungan
'ROCK ang sagot niya? Seriously?! May utak ba siya? Pano naging transparent ang bato?
Humalakhak siya sabay iling.Gustong gusto ko siya tarayan kaso nawalan nako ng lakas.Feeling ko ako na ang pinaka bobo sa balat ng lupa.Feeling ko din lahat ng tao sa room binigyan ako ng "nag iisip ka ba?" look.
Nilapitan ako nung lalaki na nagsasalita kanina sa harapan.
'Miss Rigor, Im sorry , you can't proceed to the next round. Your answer is wrong'
Tumango na lang ako.Lalabas na dapat ako pero pinigilan ako nung isang babaeng teacher.
'Wait! Ms. Rigor! Do you also came from Catalina Nat. High School?' Tanong niya
'Yes ma'am.' Sagot ko
'But Jane Lopez is only the representative of your school, how come you are also here?'
Nagtatakang tanong nung teacher.Hindi ko din alam ang isasagot ko sa tanong niya.Parang na mental block na ko sa sobrang kaba. After 2 minutes ng di ko pagsasalita, napag desisyonan na nilang ituloy ang contest.
Lumabas na ko ng room.Diko namalayan sunod sunod na palang tumulo yung luha ko. Ngayon lang ako napahiya ng ganon sa buong buhay ko.Umiyak lang ako ng umiyak hindi ko na namalayan kung gano ako katagal dun sa corridor. Nabigla na lang ako nung bumukas yung pinto.Lumabas dun si Labrador na may suot suot na medal.Siya siguro yung nanalo sa quiz bee.Sigurado ipagyayabang nanaman niya yan.
'Hey! How are you? Are you okay? Napahiya ka kanina na ah' sabi niya with malungkot na mukha. Nagawa pang mang asar ng bwisit na to. Dahil sa sobrang sama ng loob ko, hindi ko na lang siya pinansin.
Hanggang sa nagsalita siya ulit
'Rank 1 pala ah, baka rank 1 sa pinaka bobo. Hahahahahaha!
Hindi na ko nakatiis, binulyawan ko na siya
'OO NA! BOBO NA KUNG BOBO! ANO? MASAYA KANA? AYAN PO! NAKAGANTI KANA! NAPAHIYA MO NA AKO! PALIBHASA ALAM MONG TATANGA TANGA AKO KAYA SINAMANTALA MO NA.SANA MAKATULOG KA NG MAHIMBING MAMAYA KASE GUMAAN YANG LOOB MO DAHIL NAPAHIYA MO YUNG BABAENG AKSIDENTENG NAKABUNGGO SAYO. Sabi ko habang umiiyak.Pagkatapos kong magpahid ng luha, umalis na ko