Kurt's POV
For the first time, may babaeng nagwalk out saken at nagdrama pa! Kung pakiramdam niya makokonsensya ako sa pagpapahiyang ginawa ko sakanya pwes its her BIG mistake.
She deserved it, no one dares to mess with me.Naglalakad nako papuntang room ng may narinig akong naka microphone na tumawag sa pangalan ko.
"Kurt! This song is for you! I'll never stop till I get your precious YES!
sigaw nung manliligaw ko na nakalimutan ko na ang pangalan. O? wag na kayong magtaka! sa pogi ko ba namang ito sino ang di mababaliwAnnnnnd iiiiiif, forever's not enough for me to love youuuuuu, I'll spend another lifetime baby if you ask me too, there's nothi-
Napatakip ako ng tenga
"Miss, I appreciate your effort tsaka alam kong tirik na tirik ang araw ngayon , okay lang sanang umulan kaso wala akong dalang payong.Kaya please itigil mo na yan."
pagpipigil ko sakanya.Lintik na boses kase, masahol pa sa boses ni Anne Curtis."Talaga? you appreciate it?! SHOCKS! IM GONNA DIE! IM GONNA DIE! "
Parang napoposses na sigaw nung babae dun. Natatawang naglakad na lang ako palayo, well pogi eh.Vhiel's POV
Nakatanaw ako ngayon sa bintana namin, iniisip ko kung may kaluluwa ba yung labrador na yun. Hindi man lang ako pinigilan nung nag-walk out ako! Akala ko tatalab yung drama kong yun, hindi pala.Pero, kahit naman tatanga tanga ako, nasasaktan din ako.Hindi man ako tinawanan nung mga tao sa ginanapan ng quiz bee, sigurado ako isang malaking bobo ang tingin nila sakin. Kasalanan ko din naman eh, dapat nag isip muna ko bago magpadalos dalos.
"Beka!" sigaw ng nanay ko.Nagtataka kayo? Vhiel ang pangalan ko pero beka tawag ng nanay ko sakin, kahit ako diko alam kung saan niya nakuha yan.
"oh? ma?"
"magdilig kana ng halaman"
"bukas na lang ma! walang tubig!"
"anong walang tubig?! baka gusto mong ipalunok ko sayo yung isang drum nating tubig dyan!"
Okay.Talo nanaman ako.Kahit kelan talaga ang hirap malusutan ng nanay ko.
Pinuno ko na yung timba na paglalagyan ko ng pandilig.Pag-punta ko ng likod bahay, nakita ko nanaman yung nanunungkit ng bayabas namin na si Kwerpak.