•••
Kei's POV
~*riiiiiiiiing* *riiiiiiiiing* *riiiiiiiing*
6:30am.
Napaupo ako bigla nang makita ko sa phone ko ang oras. 6:30am. Shocks! Dapat 5:30am ako magigising kasi 7:00am ang pasok ko. Shemay. Mali nanaman ako siguro ng pag ayos ng alarm clock ko.
Dali dali akong tumayo at pumunta sa CR para maligo at mag ayos. Mabilisang ligo at toothbrush ang ginawa ko. Hindi na ako sumabay kila Daddy sa breakfast kasi late na late na ako. Tinignan ko ang relo ko. 6:50am. Hala! Pagkalabas na pagkalabas ko ng gate namin, kumalipas na ako ng takbo. Sa labas lang ng subdivision namin amg school ko. Tatlong street lang naman tatakbuhin ko kaya eto mas binilisan ko pa. Haggard na ako for sure. Kasi naman! Yung kotse namin na isa, gamit ni Mommy, yung isa naman sira. Orayt!
Eto na malapit na! Tumigil ako ng makarating na ako sa gate. Patakbo ang lakad ko kasi I know na any minute, nakasara na ang pinto ng classroom namin.
I have a past on being bullied so my parents decided to transfer me in Redeeming University. Sana hindi tulad ng mga students sa dating kong school ang mga students dito.
As I enter my room, napabuntong hininga ako kasi wala pa yung teacher. May nakabangaan akong lalaki. Matangkad, naka salamin at halatang may lahi.
"Ay! I'm sorry.Next time, tumingin ka kasi sa dinadaanan mo." Pabiro niyang sabi sakin habang inaalalayan niya ako tumayo sa pagkakatumba ko.
"Haha. Pasensya na."
Nag simula na ang klase. As usual pag first day of school, you must introduce yourself in front of the class.
"Good morning to all of you. I am Ms. Jiscelle Santiago, your homeroom adviser and English teacher. I strictly don't allow using any gadget during my time and I don't accept late comers. Understood?"
"Yes Ma'am." Ang sagot ng buong klase. Hala! Terror ang homeroom adviser at English teacher namin. Magandang bungad sakin 'to ah.
"Now it's your turn to introduce yourself in front. Tell your full name and age."
Nag simula na mag turo ng istudyante si Ms. Jiscelle at ngayon yung lalaking naka bangga ko kanina ang susunod na mag sasalita sa harapan.
"Good morning. I am Cian Miles Garcia Floyd,18 years old ."
BINABASA MO ANG
Whom To Choose
Teen Fiction••• Sa pag mamahal, hindi pwedeng dalawa. Dapat sa buhay, alamamin mo kung sino ang tunay na mag mamahal sayo ng walang hanggan at hindi ka basta basta nalang iiwan. •••