Prologue

23 4 0
                                    


Kei's 

Hindi ko alam kung sino. Hindi ko rin alam kung bakit, bakit kailangan ko pang pumili? Pipili ako kung sino ba ang karapat dapat. Pero hindi ko alam ee. Hindi ko talaga alam.  Wala akong ka ide-ideya kung bakit nangyayari ito sakin. Bakit ako pa? Dalawang tao ang nag lalaban para sa puso ko. Ngunit kailangan isa lang. Isang tao lang ang dapat para sa akin. Pero sino sakanila? Sino ba talaga? Whom will I choose. 


Cian's

Sa buong buhay ko, isang babae lang ang minahal ko. Pero pilit siyang kinukuha ng iba. Pilit kami pinaglalayo pero nauuwi parin kami sa isa't isa. Alam ko na mahal niya rin ako at alam ko na ramdam niya rin ang wagas na pag mamahal ko sakanya. Alam niya na kahit anong mangyari, kayang kaya ko siya ipag laban. Kayang kaya ko siya ipag tanggol. Ngunit may problemang dumating sakanyang buhay na pati ang pag mamahalan namin, nadadamay. Dumating sa punto na pinapapili na siya. Hindi ko alam kung sino ang pipiliin niya at alam kong maging siya, naguguluhan na rin. Kung ano man ang desisyon niya, rerespituhin ko. Hahayaan ko siya sa bagay na ikabubuti niya, ng pamilya nila, at ang negosyo nila. Kung ano man ang mangyari sa aming dalawa, tatanggapin ko at ipapangako ko sakanya sa sa sarili ko na habang buhay, andito lang ako sa tabi niya. 


Ranzel's 


Mahal ko siya, subalit may mahal siyang iba. Hindi siya naniniwala sakin na totoo ang nararamdaman ko sakanya dahil sa ugali na napapakita ko. Kaya ko naman mag bago para sakanya kaso nasasaktan ako at nanggagalaiti sa galit tuwing kasama niya yung lalaki na yun. Yung lalaking mahal niya. Yung lalaki na kahit gaanong kalaking halaga ng pera at bagay hindi niya kaya ipagpalit. Paano ko nasabi? Halatado naman sakanila. Pero gagawin ko lahat. Gagawin ko kahit ano. Mapunta lang saakin ang kaisa-isang babaeng minamahal ko.

Whom To ChooseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon