Kei's POV
Isang buwan na ang nakalipas. Nakalabas narin si Dad sa ospital sa kadahilanang nag pumilit siya. Wala naman kaming nagawa kahit na hindi pa nila Kuya at Mommy alam kung ano ba talaga nangyayari kay Dad.
Madalas na ako napapa absent sa school kasi mas gusto ko na ako ang nag babantay at nag aalaga kay Daddy kaysa sa mga katulong namin. Ayoko kasi na iba ang mag aalaga at tutulong sa magulang ko. Mas gusto ko na ako ang gagawa ng iyon sakanila kasi gusto ko ibalik ang mga ginawa nilang pag aaruga at pag mamahal samin ni Kuya noong mga bata pa kami.
Habang nag aayos ako papunta sa school, napahinto ako nang biglang kumatok si Manang Celly kaya naman tumigil muna ako sa pag aayos at binukasan ang pinto ng kwarto ko.
" Manang? Bakit po?"
"Ah, Ma'am, may nag hahanap po sainyo sa gate. Cian daw po ang pangalan. Classmate niyo daw ho."
"Aah. Osige po Manang. Papasukin niyo po muna sa sala at paki sabi po na saglit lang at bababa na ako. "
"Yes po Ma'am."
Andito si Cian? Bakit naman kaya? Sa isang buwan, naging close ko rin si Cian. Siya lang lagi kong kasama sa school dahil mabait siya, palatawa at masayang kasama. Napaka komportable ng pakiramdam ko pag siya kasama ko.
Nag madali na ako sa pag aayos at bumaba na ako ng kwarto. Nadatnan ko naman si Cian na nakaupo sa sofa at bigla rin napatayo nang makita ako na bumababa sa hagdan.
"Hi Kei! Good morning." Bati niya habang nakangiti at papalapit sakin.
"Good morning din." Sagot ko habang nakangiti rin sakanya.
"Bakit ka pala naparito? Paano mo nalaman bahay namin?"
"Ah, eh, Kasi madalas kang absent kaya naman medyo nag alala ako. Naisip ko na baka kasi may sakit ka o problema kaya naisipan ko rin na pumunta dito para sunduin ka. Tsaka kaya ko nalaman bahay niyo kasi tinanong ko sa guard ng subdivision na ito kung saan bahay ng mga Castroverde."
"Ganun ba? Haha. Ang concern mo naman masyado. Buhay pa naman ako." Sagot ko sakanya at sabay naman kami napatawa.
"Masama ba maging concern?" Pangiti niyang sabi sakin kaya naman na pangiti narin ako.
"Hindi naman sa ganon." Sagot ko. "Maiba ng usapan, kumain ka na ba? May hinanda kasi si Manang na agahan, tara kain muna tayo?" Pag yayaya ko sakanya.
"Ah, eh, hindi pa ee. Balak sana kita yayain sa gotohan. Malapit lapit sa school natin. Okay lang ba?" isang mahiyaing ngiti naman ang nakita ko sakanya ngayon.
"Gotohan? May gotohan pala malapit sa school. Hindi ko napansin ee. Okay sige. Tara."
Sinabihan ko si Manang na hindi na kami sa bahay mag aagahan at tuluyan na kami ni Cian umalis. Pasakay na sana ako ng kotse nang bigla naman ako hatakin ni Cian at sinabihan na mag lakad nalang kami. Pumayag naman ako kasi medyo maaga pa naman at hindi naman kalayuan ang gate ng subdivision at school namin.
"Cian? Bakit mo naman naisipang mag lakad?" Tanong ko sakanya.
"Para exercise diba? At iwas pollution pa, kasi ang kotse nag lalabas ng usok na nakakasira kay mother nature." Ngiti niya sabi sakin without looking at me. Medyo na wi-weirdohan ako sa lalaking 'to kasi hindi naman kami lubos mag kakilala, pero sinundo ako sa bahay at isa pa, pala ngiti siya. Okay na rin na pala ngiti siya kasi bagay naman sakanya iyon. But there's something weird ee. Hindi ko talaga alam kung ano.
BINABASA MO ANG
Whom To Choose
Подростковая литература••• Sa pag mamahal, hindi pwedeng dalawa. Dapat sa buhay, alamamin mo kung sino ang tunay na mag mamahal sayo ng walang hanggan at hindi ka basta basta nalang iiwan. •••