CHAPTER FOUR(ATTRACTION)

17 1 0
                                    



Naka tingin sa kisame si Nina.. Binibilang ang mga bituing nakikita dito. It was a glow in the dark stars. Idinikit niya iyon last week dahil masyado siyang namangha dito. Madilim na ang kwarto niya kaya mas nag liwanag ang bituin sa kisame. Tuluyan na siyang napangiti nang ma realize niyang binibilang niya na pala ito. Hindi kasi siya makatulog. Maraming gumugulo sa isipan niya, at kabilang na doon si Mon. First time niya itong nakitang malungkot ng ganoon katindi. Parang kunti nalang ay iiyak na ito. At ewan ba niya kung bakit nalulungkot din siya nang nakita itong nalulungkot. Kaya imbes na pumunta pa sila kung saan tulad ng ipinangako nito, nagpasya na lamang siyang iuwi na lamang siya nito. Sinabi niya dito na kailangan na nitong mag pahinga dahil kararating pa lamang nito galing laro doon sa Cebu at sumang ayon naman ito.

Papikit na siya ng may narinig siyang kaluskos mula sa terrace.

"Sino iyan?." Tanong niya. Ngunit walang sumagot

Maya maya't may nakita siyang bulto ng katawan at palapit na ito sa kanya.

Agad siyang kinabahan dahil baka isa itong mag nanakaw.

"Sino ka!! Hindi ako natatakot saiyo! anong nananakawin mo! Wala kang mananakaw dito.. Sheet. Lumayo ka please.. Ayoko pang mamatay." Napapikit na siya nang mas lumapit pa ito sa kanya. Hindi niya magawang ikilos ang katawan dahil nanginginig na siya sa takot..

Diyos ko po.. tanging panalangin niya.

Handa na sana siya sa posibleng kamatayan nang narinig niya ang halakhak ng estrangherong ito.

Teka.. pamilyar ang tawa niya!

"Sheet. Mon!!!" sigaw niya, sabay sunod sunod na bato niya ng unan dito.

Patuloy pa rin ito sa paghalakhak sabay iwas sa mga unan na binabato niya dito.

"Papatayin mo ba ako sa nerbiyos? Grabe ka. Ayos din ng trip mo ha!!" tumigil na siya sa pag bato dito habang ito naman ay pinulot ang mga unan at sumampa narin sa kanyang kama.

"sorry na..." wika nito.

"Ano bang ginagawa mo dito? dis oras na ng gabi.. nag lalakwatsa ka pa. at diba sinabihan na kita noon na huwag ka nang dumaan sa terrace? Mamaya mapahamak ka pa diyan.."

Sumilay ang ngiti sa labi nito. Inirapan na lamang niya ito.

"uyy.. concern.. si taba.."

Hindi na nag si sink in sa isip niya ang sinabi nito dahil nakatuon na ang pansin niya sa mukha nito. He is just an inch away, and having him this close is too much..

Nag re react na naman ang puso niya kaya napahiga na siya ng tuwid, mas pipiliin pa niyang humarap sa kisame kaysa dito.

"Hindi ako concern noh. Ayoko lang maging kargo ko pa ano man ang mangyari saiyo."

Gumalaw ang kama dahil tumuwid na rin ito sa pagkakahiga.

"Hindi ako makatulog sa bahay eh.. can i sleep here?" sabi nito sabay lingon sa kanya.

Nagulat siya sa sinabi nito. Seryoso ba ang mokong na ito? Sinuri niya ito, baka kasi pinag tri tripan na naman siya nito. Hinihintay niya ang halakhak nito, ngunit hindi niya iyon narinig.

"What are you staring at?" tanong nito

"Baka kasi.. pinag tritripan mo na naman ako.."

"i'm serious.."

Nang mapansin niyang seryoso naman ang mukha nito. Naniwala na rin siya.

"Hmm.. pwede naman, walang gumagamit doon sa guest room." aniya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Faces of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon