CHAPTER THREE("Stop Showing me your neck")

14 0 0
                                    




KANINA pa umalis si Janne at nakatulog na rin ang kapatid niyang si Damon. Nagiisa na naman nanood si Nea ng paborito niyang pelikula. She is watching One more chance the nth time, and she still can't help not to cry. Pinunasan niya ang mga mata at tuluyan na niyang pinatay ang flat screen TV nila. Akala ng lahat hook na hook siya sa mga horror movies. But deep inside She also loves to watch this kind of movie. Hindi na rin niya maiwasang maalala ang nakaraan. When She was hopelessly inlove with Aivan, ang TOTGA niya, The One That Got Away. Iniwan siya nito sa di inaasahang pagkakataon, umalis ito bigla ng wala man lang paalam. But She can't blame him,nasaktan niya rin ito. Ngunit hindi man lang siya nito binigyan ng pagkakataon na humingi ng tawad. Palagi nalang niyang nararamdaman na parang may kulang sa pagkatao niya. There is an unexplainable ache deep inside and it's hurting every now and then. Aivan left her with a hole in her heart. At sana mawala na iyon.Sana nga. Gusto na niyang makalimutan ito ngunit badtrip talaga ang isip niya dahil kusa nalang niya itong naaalala. Lalo na ngayong nabalitaan niya kay Nina na uuwi na ito galing states. Natuwa siya ng marinig iyon ngunit kinakabahan din siya sa pwedeng mangyari sa oras na mag tagpo ulit ang mga landas nila.

---------

PAULIT-ULIT na tinignan ni Nina ang kanyang cellphone. Hindi na nga niya natandaan kung ilang ulit niya na itong tinignan, Naghihintay kasi siya ng tawag o kahit text man lang sa isang taong nangako sa kanya na sasamahan siya sa oras na ito. Pero alas syete na at hindi man lang niya nakita kahit anino nito.

She's hating herself right now because she's acting as if Mon was her boyfriend and it's his responsibility to check on her every now and then. Dahil sa pag ka badtrip ay ini off na lamang niya ang kanyang cellphone.

"Asa ka pa.. makaalis na nga . " She's talking to herself like crazy. Nagpasya na lamang siya magligpit ng gamit sa shop ng sa ganon masara na niya ito at nang makauwi ng mapayapa.

Nasa labas na siya ng shop at kinandato na ito. Akmang aalis na siya nang mayroon siyang nakitang pamilyar na sasakyan na na ka park mismo sa harap ng shop niya. Agad na tumibok ng malakas ang puso niya. At kapag ganyan na kabilis ang tibok nito, alam na niya kung sino ang taong nakasakay nito. Because there is only one person who can make her feel that way, Animoy naka program na kung ano ang dapat niyang maramdaman kapag nakikita ito o makita man lang ang kahit ano mang bagay na pag aari nito.

Nagtaka naman siya kung bakit hindi man lang ito bumaba at pumasok sa shop niya. Lumapit siya sa sasakyan , Hindi niya nakita ito mula sa loob dahil tinted ito kaya kinatok na lamang niya ang salamin nito. Agad namang bumaba iyon at nabungaran niya ang seryosong mukha nito, Which is so strange to see.

"Hi" bati nito, matipid na ngumiti ito pero alam niyang may mali dito dahil hindi man lang umabot ang ngiti nito sa mga mata.

"Ba't hindi ka pumasok sa loob? Kanina ka pa ba diyan?" tanong niya.

"hop in.." wika nito.

Binuksan na lamang niya ang pinto at agad na pumasok.

It was dark but it didn't stop him to see his face. Nag tagpo ang kanilang mga mata ngunit hindi niya binawi ang tingin dito. May napansin lang siya sa mga mata nito. It seems like he's sad and it really bothers her.

"Why?" naka kunot noong tanong nito.

"What why?" tanong naman niya.

"Iyang tingin mo, para mo akong hinuhubaran.." wika nito na naka tingin na sa manibela.

He's really weird. She knows there's something wrong..

kaya hinawakan niya ang pisngi nito at iginaya ito sa kanya para makita niya ulit ang malungkot nitong mga mata.

Faces of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon