CHAPTER ONE(LOVE ME LIKE YOU DO)

15 0 0
                                    



"GRABE. Ang kapal talaga ng babaeng ito, parang ahas kung makakapit sa Angelo ko,kainis talaga !! di hamak na mas maganda naman ako sa kanya noh! Grabe.."

inis na inis si MJ habang tumitingin sa mga pictures ni Angelo sa instagram. Halos lahat kasi ng pictures nito ay kasama ang isang sikat na modelo sa bansa. Hinala niya estudyante ng Angelo niya ito sa pagsasayaw. oo.. Angelo niya. Pag aari niya daw si Angelo kaya walang sinuman ang makakaagaw nito sa kanya..

"Arghh! bwisit ! " sigaw niya.

"Maam.." sita ni Romalyn sa kanya. isa ito sa mga waitress ng restaurant niya.

"bakit?" nakataas na kilay na tanong niya dito.

"huwag ho kayong maingay.. pinag titignan na po kayo ng mga customers oh!" sabay turo nito sa mga taong kumakain sa restaurant niya.

"the hell i care.." sagot na lamang niya.badtrip talaga siya kaya dapat sumang ayon na lamang ang mundo sa kanya.

" Ano po ba kasi ang problema niyo?"

" this! " ipinakita niya ang cellphone na may larawan ng Angelo at ng ahas na iyon.

"Aahhh.. gets ko na. iniistalk mo na naman siya.. belib rin talaga ako saiyo Maam.. wala kang palya sa pag iistalk sa kanya. ikaw na talaga ang dakilang stalker! " wika nito sabay tawa.

Inirapan na lamang niya ito.

"naku maam.. huwag ho kayong ma offend.."

"hindi ako na oofend.. sanay na ako saiyo.."

Tinignan muli nito ang pictures.

"Maam, mas maganda po kayo sa kanya.. ang layo layo ng itsura nito saiyo noh.. ngunit ang sa akin lang po.. baka mag ka sakit po kayo nyan. palagi nalang kasi sakit ang binibigay ng Angelo na iyan saiyo. Hindi ho ba kayo napapagod? nahihirapan? baka mamaya niyan hindi niyo na makayanang mabuhay at baka.. naku.. huwag naman sana." wika nito sabay nag sign of the cross..

"sira. hindi ako mag papakamatay noh. Si Angelo? hindi siya kawalan sa buhay ko..kung ayaw niya sa akin.. AYOKO din sa kanya." matapang na sabi niya.

"wow, ganyan nga.. kasi ang mga lalakeng iyan? mga walang kwenta.. dapat hindi pinag tutuunan ng pansin.. lililigawan ka tapos.. paiiyakin ka.. diyan.. diyan sila magaling! lahat ng lalake ganyan!" natawa siya sa sinabi ni Romalyn.

"but not me.." napatingin siya sa lalakeng nasa likuran ni Roma. Nagulat din si roma ng makita ang taong nasa likuran nito.

"Mr. Mendez, what are you doing here?" mataray na tanong niya dito. Ngunit hindi siya nito pinansin, nakatingin lamang ito kay romalyn.

" Rome.. i'm not like them. " ulit nito. Muntik na siyang matawa sa reaksyon ni romalyn.

"Excuse me!! i'm talking to you Mr. Jason Mendez.. "

sa wakas ay nilingon siya nito.

"oh.. i'm sorry MJ. What did you say?" bumalik ulit ang tingin nito kay Roma.

"nevermind. Hoy Mendez!! nakakahalata na ako saiyo ha! araw-araw ka nalang pumupunta dito. nag papapansin ka ba sa akin? ha-ha-ha.. i'm sorry to tell this pero kailangan talaga eh.. hanggat maaga pa. WALA KANG PAG ASA SA AKIN. period." hiningal pa siya pagkatapos magsalita.

"No. i'm not here for you.. I'm here for Rome." diritsong wika nito.

bigla siyang napatawa.

"ahhh.. ganon ba? he-he.."

Faces of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon