Chapter 1

114K 1.7K 93
                                    

Chapter 1

Mafalle's POV

"Mafalle hija, mag-iingat ka sa Manila. Maraming masasamang loob doon at hindi mo sisigurado na ligtas dahil bago ka lang doon" sabi sakin ng kapatid ni Nanay. Si Tita Shane, sya ang tumayong nanay ko dahil namatay ang nanay ko. Kapatid ni Tita Shane

"Opo Tita, kayo rin po dito ni Annie. Pasabi na lang po na ma mimiss ko sya. Kailangan ko na pong umalis dahil baka abutin ako ng traffic sa manila mahirap na po at baka gabihin din po ako" sabi ko kay tita at niyakap sya. Alas dos na kasi ng hapon.

Nalulungkot man ako at ayaw kong umalis dito sa probinsya namin pero kailangan kung mag trabaho lalo na't wala na si nanay at wala ng tu tulong kay Tita dito. Mababa lamang ang sahod dito dahil provincial rate. Makikipag sapalaran na lang ako sa manila para makapag ipon ipon.

"Mag-iingat ka" sabi ni Tita Shane at kumalas sa pagkakayap sakin.

Nginitian ko sya at sumakay na sa tricycle papunta sa terminal kung saan ako sasakay ng bus. Nakita ko pa syang nagpunas ng luha nya. Habang nasa byahe hindi ko mapigilan ang alalahanin ang mga masasayang ala-ala namin nila Nanay, Tita Shane, Armira at Annie. Mamimiss ko talaga ang mga matalik kong kaibigan. Lumipas pa ang mga oras at nakarating na din ang bus na sinasakyan ko. Bumaba na ako ng bus at hinanap ang taong susundo sakin na sinabi ni Tita Shane.

"Ikaw ba si Mafalle Senedrine Santos??" Tanong ng isang babae. Ka edadan ni Tita Shane marahil ito nga ang kaibigan ni Tita na taga manila

"Magandang hapon po. Opo, ako po si Mafalle" magalang kong sagot.

"Ikaw siguro yung sinasabi sakin ni Shane. Bilisan na natin baka abutin pa tayo ng dilim at ng makapag pahinga ka na din" sabi nya at hinila na ako.

"Sige po, Tita" sagot ko at sumunod sa kanya.

"Nakalimutan kong magpakilala. Ako nga pala si Lorna Alcazar. Tawagin mo akong Tiya Lorna. Kaibigan ko ang Tiya Shane mo" sabi nya sakin at ngumiti.

"Sige po, Tiya Lorna. Maraming salamat po sa pag papatuloy nyo sa akin" sabi ko at ngumiti.

Nakakamangha ang paligid dito dahil kung noong nasa bukid pa ako ay puro puno at halaman ang makikita dito naman ay matataas na gusali. Ang ganda nilang pag masdan.

Nagpunta na kami sa paradahan ng tricycle at sumakay papunta sa tirahan ni Tiya Lorna.

"Hija, ilang taon ka na ng pala?" tanong sakin ni Tiya Lorna.

"24 na po ako" sabi ko at ngumiti.

"Hmmm, masyado ka pang bata para maki pagsapalaran dito sa maynila?" takhang tanong nya.

"Oo nga po e, pero kailangan po" sagot ko at nginitian sya.

Ilang minuto pa ang lumipas at huminto na kami sa isang kanto at pumasok sa isang eskinita. Tumigil kami sa isang bahay. Ayos lang naman sya. Katamtaman lang ang laki.

"Hija, mag-iinit lang ako ng tubig para sa kape, magpahinga ka muna dyan" sabi ni Tiya Lorna at nagderetso sa kusina.

Inikot ko ang paningin ko at umupo na. Si Annie kaya kumusta?? Si tita Shane-

*beep beep beep*

Tunog ng cellphone ko, agad ko naman itong kinuha at sinagot.

" Hoy! Babae!! Nasan ka na?! Nakarating ka ba ng maayos?!" sigaw ni Annie sa kabilang linya.

Natawa naman ako sa sinabi nya.

"Ito nandito na sa bahay ni Tiya Lorna" sabi ko

"Babae ang daya mo! Iniwan mo na ako dito!" sabi nya. Sigurado ako nakanguso na to.

PROBINSYANA GIRL MARRIED THE MAFIA BOSS [Completed]Where stories live. Discover now