Chapter 2

60.9K 1.4K 285
                                    

Mafalle's POV

Maaga akong nagising dahil sanay na ako at dahil wala naman akong gagawin ay nilinis ko na ang buong bahay. Bukas pa naman ako mag a apply kailangan ko pa din ayusin ang mga gamit ko ngayong araw.

Kasalukuyan akong nagwawalis sa labas ng bahay ng kausapin ako ng isang babae. Mukhang papasok ito sa trabaho dahil sa bihis nito.

"Hi! Ako si Zaira, bago ka dito? Ngayon lang kasi kita nakita" sabi nya at ngumiti sa akin.

"Oo, kakarating ko lang dito. Ako si Mafalle, " wika ko bilang tugon sa pag bati nya.

"Ang ganda mo promise! Probinsyana ka ba talaga?! Ingat ka dito madaming loko loko" sabi nya at hinawakan ang buhok ko.

"O-oo naman, bakit mo naitanong?" wika ko sakanya at medyo lumayo ng kaunti.

"Ang ganda mo talaga eh! Binalaan lang kita! Nako, mauuna na pala ako! Omg! Ma la late na ako!" sabi nya at kumaripas ng takbo. Natawa nalang ako sa kanya.

Nagulat na lang ako sa pag sigaw ni Tiya Lorna kaya agad akong pumasok ng bahay.

"Tiya, ayos ka lang ba? Ano pong nangyari?" tanong ko sakanya

"Diyos ko po! Saan ka ba galing?" tanong ni tiya at talagang nag aalala sya sa akin.

"Sa labas po ng bahay, nagwawalis po. Hindi naman po ako lalayo tiya." sagot ko at ngumiti.

"Huwag kang masyadong mag la lalabas dito Mafalle, baka makasalubong mo ang grupo nila Baldo. Mahirap na at baka matipuhan ka." sabi nya at nag iiling.

"Opo Tiya, kumain na po muna kayo" sabi ko at habang hinahainan sya ng pagkain

"Mafalle hija, tapos ka na bang kumain?" tanong nya sa akin.

"Opo Tiya, maliligo na lang po ako" sabi ko at tumango sya

"Sige gumayak ka na at pupunta tayo sa bahay ng alaga ko. Ipapakilala na din kita sa iba mo pang makakasama sa pag ta trabaho mo roon ng pansamantala." wika ni Tiya. Agad naman akong pumasok ng banyo para maligo.

Matapos kong maligo ay nagbihis na ako. Naka suot ako ng mahabang palda at labas yung balikat ko sa pang taas. Ganito kasi ang mga kasuotan ko sa probinsya namin at wala naman akong pambili pa ng bagong damit. Nag lakad lang kami ni tiya papunta sa trabaho nya at itinuro nya sa akin kung saan ko sya dapat puntahan pag may kailangan ako sa kaniya.

"Oh hija, narito na tayo" sabi ni tiya

Sobrang namangha ako sa laki ng bahay na ito! Mas malaki pa sa Hacienda nila Annie sa lugar namin.

"Tiya Lorna!" sigaw nung lalaki kay tiya. Naka puti syang tshirt at may hawak na pang ayos ng saksakyan.

"Oh, Noel ikaw pala? Kumusta ang trabaho?" tanong ni Tiya sakanya

"Ayos lang naman po tiya, kaya lang nag tanggal na naman ang bagong P.A si Sir. " Sabi nung guard

"Naku! Talagang ang batang yun! Hayaan mo ako na ang bahala dun" sabi ni tiya kay kuya Noel.

"Sino naman po itong kasama nyo?" tanong ni Kuya Noel.

"Ah, si Mafalle, pamangkin ng matalik kong kaibigan. Dito na rin sya mag ta trabaho pansamantala." sabi ni tiya at pumasok naman kami sa gate.

"Sya nga pala Noel, kapag nagpunta dito si Mafalle papasukin mo sya ha?" sabi ni tiya kay Kuya Noel.

"Opo tiya." sabi naman ni Kuya Noel.

"Magandang Umaga po" bati ko kay Kuya Noel at ngumiti.

Pumasok kami sa bahay. Grabe ang ganda naman. Ang daming antiques na palamuti ang bahay na ito at talagang mamahalin ang mga gamit.

PROBINSYANA GIRL MARRIED THE MAFIA BOSS [Completed]Where stories live. Discover now