June 9, 2003, unang araw ng pagpasok ko sa Bulacan State University. At first,I was really hesitant to enter the classroom because I was a late enrollee then, and I don't really know who my classmates were. Then someone asked me, if I belong to their class. Ayoko kasi pumasok ng classroom. Lumaki kasi ako na walang masyadong kaibigan, sa bahay lang palagi at kuya ko lang ang kalaro ko. Galing ako sa isang mahirap na pamilya kayat ninais kong magsumikap mag-aral at makatapos kahit na ang totoo'y ntatakot akong pumasok sa kolehiyo.
sabi ng kaklase kong nagtanong sa akin, "uy girl, Ito ba ang course mo? ", ang sabi ko naman ay " oo ". Niyakag ako ni con sa loob ng room at ipinakilala sa lahat. Hindi ko makakalimutan ang unang araw na iyon dahil naging mabait sa akin si con. Kalauna'y naging kaibigan ko siya.
Sa pagpasok ko sa aming room, napansin kong napakarami namin. Humigit kumulang isang daan. Bigla ko tuloy naisip, paano ako matututo gayung napakarami namin. But I eventually shrugged off the thought because I believe, it depends on me If I want to learn and finish my Bachelor's degree.
Dumaan ang mga araw at napansing kong kalahati ng mga kaclassmate ko ay binubuo ng mga lalaki. Iba iba kasi ang major subjects nmin. Classmate ko sila pag sa minor subjects lang.
Napansin ko rin na sa pag-lipas ng mga araw, ang mga kaclassmates kong boys ay panay ang ngiti at bati sa akin. Naisip ko, siguro nacucurious sila sa akin dahil tahimik lang ako lagi at aloof sa mga lalaki. Imposible naman na nagagandahan sila sakin dahil alam ko naman nuon pa man ay hindi ako maganda, ngunit alam ko rin na hindi ako pangit, kaayusan lamang ang aking kagandahan.
Isang araw sa aming klase, lumapit ang grupo ng mga babae sakin sa klase namin. Kinaibigan nila ko. Puro sila bulakenya, kayat natuwa ako sapagkat, noon lang ako magkakaroon ng maraming kaibigan. Lumaki kasi akong manang. Dami kasing pinagbabawal sakin ng mga magulang ko mula pa noon hanggang sa mag-aral ako ng kolehiyo. Isa na roon ang boyfriend.
"sarah, halika, kumain ka naba? may kasama ka ba? " tanong ng isa sa mga naging kaibigan ko.
" uhm... wala eh, wala naman kasi ako kakilala dito." ang mahiyain kong tugon". " pwede bang sa inyo nalang ako sumama? " naisipan ko naman na itanong.
agad naman silang tumugon ng " oo".
simula nuon ay sila na ang mga kasama ko tuwing uwian at sa ibang bagay. Nasanay na rin ako sa mga maiingay na kaklase ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/54808634-288-k9bcd95.jpg)
BINABASA MO ANG
10 days of courtship
Cerita PendekThe story is based in real life.. Sarah was about to enter college life... hindi nya alam anong mangyayari sa kanyang pagpasok sa kolehiyo. hindi rin nga nya alam kung anong kurso ang kukunin nya. Higit sa lahat ay kung dito nya na ba matatagpuan an...