HINGAL na hingal akong nakarating sa tuktok ng isang mataas na building. Nagsimula lang naman akong makipagpatintero sa mga kalaban mula ground floor hanggang 36th floor. Ngayong nasa roof top na ako ay kinakapos na rin ako sa paghinga.Shit talaga. Hindi pwedeng ganito.
Nangangatog na rin ang mga tuhod ko at pasuray-suray na ang paglakad-takbo ko. Usapan namin ni Dario na dito kami magkikita sa rooftop at may nakaabang na helicopter na magsusundo sa amin.
Pero bakit wala pa?
Ayoko namang isipin na ginago na naman ako ng lokong yun. Ilang beses na n'ya akong tinarantado pero huwag naman sana ngayon. Buhay ko na ang nakataya dito.
Sa lahat ng naging laban ko ay tanging dito lang ako nahirapan ng husto. Matagal at malalim naming pinag isipan ang pagpaplano namin dito pero wala halos naisakatuparan ng maayos. Puro tanong ang laman ng isip ko pero hindi ako makapag isip ng maayos dahil sa kalagayan ko ngayon.
"Tangina... Dario nasaan ka na ba? " bulong ko sa sarili at palinga-linga pa ako pero wala ni anino ng hayop na 'yun.
Huwag na huwag ko lang malalaman na ginawa na naman niya ang pagtatraydor sa akin. Malilintikan na talaga siya sa akin.
Konting oras na lang ang natitira. Mamaya lang ay nandito na sila. Kapag hindi pa ako makaalis dito ay siguradong katapusan ko na.
Kinalikot ko uli ang suot-suot kong ear piece para makipag komunikasyon kay Percy, my tech guy.
"Ano bang nangyayari? Nasaan na ba si Dario?"
"Ewan. Hindi ko alam," bakas sa boses niya ang pag aalala at pagkataranta. Hindi ganoong Percy ang kilala ko.
Naririnig ko pa ang pagtitipa n'ya sa kanyang keyboard. He's the only person that can be trusted in times like this. He knows all the system passage of this entire building. From binary numbers and calculations, a smart guy like Percy can saved me from death. Proven and tested na ito simula ng malaman ko ang kakayahang taglay nya. But just like any other machines and robots, may mga mumunting depekto rin s'ya.
"Ewan!? Anong katangahan 'to, Perz?"
"I'm trying to locate him. Maybe... I think... he left us again."
Unti-unti kong nararamdaman ang pag init ng sentido ko. Gusto kong magalit at sumigaw pero hindi ito ang oras para intindihin ang katrayduran ni Dario. Saka na kami magtutuos kapag natapos ko na ito.
"Percy," napapikit ako sandali at huminga ng malalim, "in ten minutes, do everything to get me out of here."
"Alright. "
Hindi ko sukat akalain na ganito kahirap ang naging desisyon ko. Pero alam kong pagkatapos nito ay maaari na akong umalis sa mundong kinabibilangan ngayon at magsimula ng bagong buhay. Iyong simple lang at malayo sa madilim na karahasan na kinalakihan ko. Kaya naman kahit mahirap at agaw buhay ang misyong ito ay todo kilos pa rin ako maisakatuparan lang ang misyong tanging ako lang ang makakagawa at magiging tulay sa bago kong buhay.
Kaya kahit alam kong napaka imposible na mangyari 'yun ay kahit papaano ay may konting pagasa pa rin ako na baka pwede naman na ang isang katulad ko na nagmula sa madilim na mundo ng isang pagiging mafioso ay pupwedeng magkaroon ng maayos na pamumuhay.
Naging mahirap para sa akin ang lahat. Alam ko na ang bagay na ito simula't sapul na tanggapin ko na maging lider ng Guerriero.
Bata pa lang ako ay sinubok na ako sa lahat ng maaaring gawin sa t'wing kailangan kong sumailalim sa isang misyon. Sa edad na sampu ay ini-ensayo ako ni papa. Kahit mahirap ang proseso ay tiniis ko ang lahat ng hirap mahirang lang na bagong lider ng grupong kinabibilangan.
BINABASA MO ANG
PILIPINAS: YEAR 3000
AcciónWhen the head of the East disappears, gangs from all over the Philippines are willing to claim the title as the leader of the 'District'. Notorious rebel groups fought for power struggle between government and mafias.