[three]

102 9 8
                                    


"tara na, Zu." pagtawag sakin ni Gec.

"sge, wait lang." kinuha ko na yung bag ko at lumabas na ng room.

"margo, manunuod kayo?" tanong ko sakanila ni Anne dahil silang tatlo nasa labas na at ako nalang ang hinihintay.

"oo naman. syempre kahit try out palang kailangan sumusuporta na kami." masayang tugon ni Anne.

ngumiti naman akong ng napakatamis. yan yung gusto ko sakanila eh, kahit anong trip mo susuportahan ka nila basta alam nilang ikabubuti at ikasasaya mo.

"sge bihis lang kami." paalam namin ni gec at nagtungo sa cr para magbihis.

"kasama daw natin yung mga basketball boys sa iisang court para magpractice." kinikilig na sambit ni gec sa akin habang nakaharap sa salamin at nagaayos ng buhok.

natawa nalang ako sakanya dahil yung mata nya nung kinikilig sya parang guhit nalang. kyeopta!

"kilig ka naman jan, ang papangit lang naman ng mga basketball boys natin. mga mukhang unggoy. tss." nagpoker-face lang sya sakin tsaka ako inirapan.

"di naman kaya, ang gwapo nga ni Dylan eh." huh? sino yon?

"sinong dylan?" tanong ko sakanya. ano ba itsura non?

"yung number 12 yung tshirt." tapos naalala ko na.

"ahh yung mukhang bulldog?" sabi ko. oo kilala ko na.

"BULLDOG? gago bakit?" natatawang tanong naman nya.

"malaki katawan pero pandak. bulldog." pageexplain ko. totoo naman diba?

"HEEEEEE!!" sabay pinaghahampas nya ako. hayst, ano ginawa ko? nagsabi lang naman ako ng totoo eh.

"aish wag ka ng manghampas, bibigwasan kita." tinignan ko sya ng masama habang sinasabi ko yon. agad naman sya tumigil pero tinignan nya din ako ng masama. ABA? GUMAGANTI? pero natigil dn nung bigla kaming sabay natawa sa itsura ng isa't isa.

"sira ka! tara na nga!" pagyaya nya sakin at agad naman na kaming lumabas ng cr at dumiretso na sa covered court.

inilagay muna namin ang bag namin dun sa may mga upuan at lumapit na dun sa coach.

"all right, lahat ng mga magta-try outs sa basketball girls lapit na dito para malista na pangalan nyo." sigaw nung coach. agad naman kaming lumapit sa tabi ni coach at nagpalista dun sa babaeng katabi nya.
sinulat ko na ang pangalan namin ni gec at pumunta na sa kabilang court kung saan ang pwesto ng mga girls.

"Okay! stretching muna tayo!" sabi nung coach. "bend sideward!" sigaw nung coach tapos nagbilang na sya ng 1 to 8 pabalik.

"after ng stretching shooting naman tayo guys!" pagi-instruct samin ni coach lahat naman kami sumagot. "magline kayo base sa height!"

napatingin ako kay gec at natawa dahil stretching palang pagod na sya. tumatagaktak na yung pawis nya. nu ba yan?

sinalo ko yung bola at nagdunk. napangiting tagumpay naman ako dahil sa shoot ko. sabay napatingin ako sa kabilang ring at nakatingin nanamn sakin yung kabarkada ata ni Hayes yon. inirapan ko nga ang gunggong. tsk!

pumila nlang ulit ako dun sa nagsho-shoot na mga kasama ko. pagkasalo ko dun sa bola umatras ako ng konti at nagshoot ulit para sa isang three points pero di ko na nakitang pumasok ang bola dahil may naramdaman kong may tumama sa ulo ko.

"ZOE!!" narinig ko ang boses ni gec na tumawag sa pangalan ko and that was the last thing i remember before i doze off.

--

Si Boyish [BTS V/BTS FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon