O bakit ang tadhana sadyang malupit
Ang aking sinisinta sa akin ay pinagkait
Kung pwede lang sana na gawin kang parte ng nakaraan
Ngunit paano ito makakamtan?
Kung ang puso ko sayo pa rin nakalaanSiguro hihingin ko na lang ito sa mga tala
Na sana'y pag-ibig ko sayo'y mawala Ngunit di ko talaga maintindihan
Na sa paglipas ng panahon di kita makalimutanKahit gaano na kasakit
Kahit ako'y gipit na gipit
Kahit kabiguan ang masapit
Ang puso ko pa rin ay kumakapitKahit wala ng natira kahit ang aking dangal
Kahit sa harapan nila nagmumukha na akong hangal
Kahit man nasasaktan at parang mababaliw
Minamahal pa rin kita o aking giliw-End
YOU ARE READING
Collection of Elegies
PoetryA collection of elegies about heartbreak, pain, and betrayal. Mostly base about my life. Hope you enjoy them!