Unang ADVENTURE?

44 0 0
                                    

Hala gora na tayo! Wala ng prologue-prologue. Ka-ek-ekan lang yun ehh. Saka di ko na ipapakilala ang sarili ko kasi nandito ako para magkwento ng adventures ko, hindi ng sarili ko! intiendes!


Ah tse!


San ba tayo magsisimula?


Ahh! Sa pinaka-una na lang na naging adventure ko!


It happened 3 years ago nung 14 pa lamang ang beauty ko....


(A/N: sang banda?)


Ay anu ba yan author... maki-elam ba??? Tse ginawa mo ko tas ikaw din mang-i-insulto??? TSE!


Hahaha... taray ko kay author ehh noh! Di joke lang yun madame... baka mawalan ako ng ISTORYA nang di oras ehh... peace! "^____^V


Okay! Let's start na nga...


"Ano kayang feeling ng mga lumilibot sa buong mundo?"


Grabe ahh... ganyan talaga yung nabuong tanong? Maybe... bakit nga ba? Kasi, ang tagal ko nang ISOLATED dito sa isla NAMIN.


Tama yan! Walang mali dyan. Amin 'tong isla na ito. We're rich, you know. Hindi man halata pero amin talaga 'tong island na 'to. And someday mapupunta 'to sa akin. Syempre sole heiress ata ako. (ano yung sole heiress??? Naririnig ko lang kila daddy yun ehh.) At ang pinakamaganda dito sa isla.


Walang KOKONTRA!


Yan. May nalaman na kayo sa aking magandang life ahh. Di na ko madamot.


Balik tayo sa adventure ko. Nag-iisip kasi ako kung saan magandang pumunta ngayon. nakakaBORE naman kasi talaga dito sa isla. Pare-parehas lang naman nakikita ko eh.


Tapos, ilang taon na rin pala akong hindi umaalis dito. Ano ako prisoner?!?! My Ghad ahh!


Ayoko kasi noong umalis dito. Kaso nga sawa na ako nagyon.


"SOPI!!!"


Asan ba kasi yung PA kong yun???


Lagi na lang ba ako yung maghahanap sa kanya. Pede ba!


"Yes ma'am? May kailangan po kayo?"


Hay naku! Kala ko hindi na 'to magpapakita sa 'kin.


Tumuloy na siya sa kwarto ko. dun lang siya sa parang mini sala ko. Bawal ang trespassing sa maganda kong terrace!


"Kaya nga tinawag kita eh, diba. ano bang magandang puntahan ngayon?"


(A/N: pagpasensyahan nyo na yung grammar nyan ahh. Kahit kasi tagalog na mali pa rin sya.)


'D Adventures of Bebang DimakulanganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon