Chapter 6

171 6 6
                                    

My Gangster Wanna Be

ApoNiLario

-- Darren's POVs --

Maaga akong pumasok, nasa mood ata ako ngayon haha!! excited ako dahil may pang asar nanaman ako sa pandak na yon, maaga ring pumasok si sabby!!

at lumapit siya agad sakin

"OH ano?? Muntik kana bang mamatay kagabi?? tsk! akala ko sa ospital kita dadalawin eh!"

Bati niya sakin, tss. nang aasar ba to? di ba dapat siya ang nag tatago na ngayon ng mukha?

"Tss. AKO? Tss. asa kang dalawin mo ako sa hospital!! at syempre, tinalo ko silang apat!!"

pag mamayabang ko, nag hawi pa ako ng ilong ko at ngumiti..

"Talaga lang aa? Ipossible kaya yun, iniwan kaya kitang halos isang suntok nalang tulog kana, baka naman wala kang ibang ginawa kundi ang tumakbo!"

tapos tumawa siya, Huwaw!! ako pa itong tumakbo? palibhasa hindi niya nakita eh, ang galing ko kaya, mala Robin Padila Idol ang aksyon fight ko!

"Tss.. EH IKAW??"

pag kasabi ko nun, bigla siyang nag palit ng mukha!

"EH yung isa nga diyan eh!! IMBES NA MAKATULONG !! NAG PALALA PA NG SITWASYON!!"

Nilakasan ko talaga ang boses ko bilang patama sakanya, haha! umiwas lang siya ng tingin

"Pero ayos din ang idea mo nang pag bato ng bato aa. Ideang pang duwag! ahahhaha!"

asar ko sakanya, pinalo niya ko sa balikat ko ARAAAY !! >,,< pucha! may sugat ako dun eh! tae!

"Yah!! dapat nga mag pasalamat kapa at niligtas ko ang buhay mo eh!"

"Niligtas? saan at kelan? hahaha!"

"tss .CHE!"

Asar talo talaga, kaya bumalik na siya sa upuan niya, dumating na ang teacher namin, kaboring nanaman, pero naagaw lahat ng atensyon namin dahil sa isang lalaki..

May isang lalaking biglang pumasok sa loob ng room.

'ang angas niya aa.. Sino siya?'

bulong ko kay james, agad naman siyang sumagot

''Transfery ata, tol!'

at nanlilisik ang tingin niya sakin .. nu problema nito?

-- TRANSFERY'S POV --

Pag pasok ko sa pinto, mukha niya kagad ang una kong hinanap!!

Si Darren Mangumba!

ang pinsan ko..

OU pinsan ko ang loko lokong gag* na yon! siguro hindi niya alam..\

Pero galit na galit ako sakanya...

Di dahil sa binugbog niya ako dati ( na malamang ay hindi narin niya natatandaan ) kundi.. dahil sa inagaw niya ang syota kong si josephine..

Nagpapakilala ako sa harapan..

"Gerald Malubha nga pla, 17 years old.. Ano paba.. hmmm..."

Napakamot ako sa ulo ko, ano pabang sasabihin ko sa harap nila?

tss. bakit pa kasi kailangan ng ganito eh?

"17 years old?? taga jan lang ako, ano paba> pwede na siguro yun??"

My Gangster Wanna Be ♥ [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon