Chapter 10 ♥

120 7 2
                                    

My Gangster Wanna Be

ApoNiLario

SABRINA'S POV

Nag bago bigla yung mood ko ng makita ko siya ng aktwal sa loob ng kwarto..

"Da-darren?"

Yun lang yung tanging nabangit ko nung mga oras na yon..

Nakakaawa pala talaga ang kalagayan niya ngayon.. nakikita ko siya ngayong nakahiga sa kama, marmaing benda ang katawan, yung ulo niya meron din, tapos wala pang nag babantay sakanya

Natutulog pa siya ngayon..

"Shh..."

saway sakin ni James.. tapos may nilabas siya sa bag niya, at pumasok sa loob ng kwarto

"Ano yang dala mo?"

"Shh... request nya sakin to!"

sabi ni james tapos nakita ko kung ano yung dala niya!!

"ISANG KAHA NG SIGARILYO YAN AA!!"

"SHHH!! WAG KANG MAINGAY SAB!"

"Ay sorry!!"

nye! naisigaw ko pala! Naman!! kung hindi ba naman loko loko rin tong si James, bawal ang sigarilyo dito sa loob aa.. PINADALA BA SIYA NYAN NI DARREN? loko loko rin to! may sakit na nga naninigarilyo parin?

Bigla kong inagawa yung isang kaha ng sigarilyo..

"uy! Hala ka! Bakit mo kinuha!"

"Hindi ako papayag na manigarilyo ang loko loko na to! alam mo james, kaibigan ka niya dapat sinusuway mo siya sa paninigarilyo nya eh!"

"Tsk, eh kasi naman Sab! request niya yan sakin eh! na iistress daw siya dito sa loob ng ospital na to! wala siyang magawa!"

"Mag tambling nalang siya, wag na siyang manigarilyo!"

"Haiys!! suko na nga ako sayo, taray mo, ayoko masampolan ng katarayan mo eh!"

sabi ni James, buti alam niya, tapos tinitigan lang namin si Darren habang natutulog..

Ang sama ko kanina, balak ko pang gawing lokohan tong pag ka ospital niya, aasarin ko sana siya kaso tulog pala siya tapos kawawang kawawa pa ang lagay niya..

"Ano ba kasing nangyari sakanya? tsaka wala bang nag babantay sakanya?"

tanong ko kay James

"hmm.. meron nag babantay sakanya, yung ate niya kaso may trabaho yun tuwing gabi kaya umalis na, at nag prisinta akong mag bantay sakanya!"

Paliwanag ni James, nakita ko yung mukha niya na concern na concern kay Darren, at handa pa talaga siyang mag bantay dito para lang sa loko loko na to? at may ate pala siya..

"Ang bait mo naman! ahahha!!"

yun lang nasabi ko! tapos tumahimik sandali, nakita ko yung mga sugat pa ni Darren, ang dami, bakit ba kasi siya nakipag away, naospital pa tuloy siya

"Alam mo Sab, gusto ko sana siyang gisingin ngayon kasi andito ka!"

"h-huh?"

"gusto ka nya kasi makita.."

"Ta-talaga? bakit daw?"

"hmm.. ewan, hindi ko rin alam eh! pero okay lang ba sayo kung hindi ko nalang siya gisingin?"

My Gangster Wanna Be ♥ [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon