Chapter 7: Crim?

54 0 0
                                    

Cookie's Pov

Nakaupo ako sa bench, nung una medyo madilim tapos biglang may nakita akong lake. Kinusot ko ang mata ko, may lake tapos madaming tao. Nakakakita na ba ako?

"Cookie"

May lalaking palapit ng palapit sakin.

"Cookie i miss you"

"Crim? ikaw ba yan?" umiyak nako nun

Si Crim nga siguro 'to pero hindi ko makita yung mukha

"Cookie"

"Cookie"

Nagising ako

"Cookie binabangungot ka"

"Kuya? nakita ko si Crim Kuya.."

"Crim na naman? Cookie please tama na hibang na hibang kana sa lalaking yan, Imposible na makita mo sya sa panaginip mo kasi ang nakikita lang sa panaginip ay yung mga bagay na nakita mo na. Tama na Cookie andyan naman si Gelo e"

Titigil na ba ako sa pag-iintay? Si Gelo nalang ba ang pipiliin ko?

AYAW!!!!!

Kahit na 5 years na kaming magkaibigan ni Gelo di ko parin maipagpapalit yung saglit na nakasama ko si Crim.

Park

Naka-upo ako sa bench kasama ko si Gelo.  Pinahiram ni Gelo yung earphones nya sakin.

*yawn*

"Antok ka?" hininaan ko ng konte

"Medyo e, gawa nung kanta" kinuha nya yung isa earphone

"Favorite mo talaga e 'no?"

"Yup :)"

"Cookie cr lang ako ha "

"Sige"

May biglang sumigaw.

Hininaan ko ng konti yung tugtog.

"Namiss kita PARK!!"

"Namiss mo ba ako? antagal kong nawala pasensya na"

Bigla siyang tumahimik.

"Si Cookie kaya kumusta na sya?"

Cookie? ako yun ah tinanggal ko yung earphones ko.

"Kumusta na kaya ang bestfriend ko? Pumunta parin kaya sya dito? Galit kaya sya sakin? Miss na miss ko na sya!!! Madame akong gustong sabihin sa kanya. Sana hindi sya galit sakin hayyy"

Habang nakikinig ako sa kanya naramdaman ko na tumulo ang luha ko.

Si Crim andito sya

Pero hindi ko alam kung saang parte dito sa park.

Bakit hindi na sya nagsasalita? Aalis na ba sya?

Tumayo ako.

"Sa...sandali Cr..i..m?"

"Crim!" Tumakbo ako hindi ko alam kung saan ako pupunta.

"Crim!!!!" sigaw ko

*Boog*

Waiting for HimWhere stories live. Discover now