Chapter 1: Cookie meets his bestfriend

411 7 2
                                    

Masarap nga bang mabuhay?

Sabi nga nila sobrang sarap daw mabuhay. Kailangan din daw nating ienjoy yung buhay na pahiram lang satin ng Diyos.

Pero bakit ganun? Parang ang unfair. 

Bakit yung buhay na nabigay sakin? madilim? Wala akong ibang nakikita kundi itim.

Kung ikaw yung nasa katayuan ko gugustuhin mo pa bang mabuhay? 

Ako nga pala si Cookie 21 yrs. old. Simula nung lumabas ako sa mundong ito wala na akong paningin. Oo  ako na ang bulag kayo na ang hindi.Pero sabi ng doktor sakin posible pa naman daw akong makakita e.

Ang problema nga lang wala kaming mahanap na donor.Pag may nahahanap na si kuya umaatras na sila hindi ko alam kung bakit. :( Nawalan nako ng pag-asa nun baka hanggang dito nalang talaga ako. Habang-buhay na bulag.

Noong bata pa ako lagi akong malungkot wala kasi akong kaibigan. Wala kasing may balak na maki-paglaro sakin kasi nga bulag ako.Si kuya lang ang nakikipaglaro sakin at nag-aalaga sakin.Wala na din kasi akong mga magulang. Nung 7 years old palang ako namatay na ang parents ko naaksidente sila.

Masyadong masaklap ang buhay ko 'no?  Bulag na nga, wala pang magulang.

Hayyy pero kahit ganoon ang nangyare sakin ginagawa ko parin na maging masaya. Wala namang mangyayare kung malulungkot-lungkutan ako diba?

 ***

Andito ako ngayon sa park sa may ilalim ng punong mangga. Nakaupo ako sa isang bench.

Nagtataka ba kayo kung pano ako nakapunta dito?

Lagi akong pumupunta dito simula pa nung 7 years old ako. Malapit lang 'tong park na 'to sa bahay namin. Dati hinahatid pa ako ni kuya pero ngayon kaya ko ng pumuntang mag-isa. Madali naman e diretso lang walang liko-liko.

Nung 16 years old eto na ang naging favorite place ko.

Kahit na umuulan

Kahit na sobrang init

Kahit hindi ko pa nakikita ang lugar na'to

Napamahal nako sa lugar na'to kagaya ng pagmamahal ko sa pinakaunang kaibigan na nakilala ko.

Na nawala nalang bigla

Na hindi man lang nakapag-paalam sakin

Pero nagbabakasakali ako na babalik ulit sya

Ang lalaki na nagpasaya ng sobra sakin

Ang lalaki na nagturo sakin na hindi dahil may kapansanan ako wala ng kwento ang buhay ko

Sya ang nagparamdaman sakin na importante ako

Ang bestfriend ko

Si Crim

FLASHBACK:

Andito ako sa park kasama ko ang pinakamamahal kong gwapong gwapong kuya. Hahaha

Dinidescribe nya kung anong hitsura nitong park.

"Kuya ilan ang puno dito?"

"5"

"5 lang? ang unti naman"

"500 yan masaya kana?"

"Yup hahaha, e yung damo ilan?"

"Hayy nako Cookie gutom ka lang siguro"

Waiting for HimWhere stories live. Discover now