Cookie's Pov
"Kuya, anong oras tayo pupunta sa park?"
"Di ka naman excited?"
"Excited!!!"
"Kaw talaga mag-tanghalian ka muna"
"Cookie ayos lang ba na ihatid nalang kita sa park, pero susunduin din kita sa hapon"
"Ayos lang kuya, andun naman si Crim e, san ka pupunta?"
"May nahanap nakong donor e"
"Talaga kuya?"
"Yup"
"Sana naman totoo na 'to 'no kuya?"
"Sana nga"
Ibang klase talaga ang kuya ko. Siya na ang pinakamabait na kuya na nakilala ko. Simula ng namatay sina mama at papa sya na ang nag-alaga sakin, sya na ang tumayong magulang ko. Lagi nalang ako ang inuuna nya. Araw-araw syang pumupunta sa ospital para maghanap ng donor para sakin.
Sabi ko nga sa kanya isipin naman nya muna ang sarili nya, hindi kasi sya nag-ggf kaaalaga sakin ayoko naman syang tumandang binata gawa ko.
Kaso ito ang sagot nya
"Ihahanap muna kita ng mga mata bago ako mag-asawa okay?"
Sweet nya 'no? Napaka-responsible nya sakin.
Kaya mahal na mahal ko yan e :D
Park
"Cookie!" sabi ni Crim
Sabay hawak sa kamay ko, hilig nitong hawakan ang kamay ko.
"Kanina ka pa?" tanong ko
"Hindi naman"
"Crim ito nga pala ang poging pogi kong kuya si kuya Lance."
"Hahaha kulit mo" sabi kuya sakin
"Hi po :)"
"Ahh Crim ikaw na bahala sa kapatid ko ha"
"Sige po"
"Cookie alis nako ah ingat kayo dyan" kiss sa forehead
"Oo naman kuya :)"
"Babye" sabi namin ni Crim
"Ambait ng kuya mo"
"Ang pogi pa! haha"
"Ako din ba pogi?"
"Hmm lapit ka" hinawakan ko mukha nya. Mukhang namang maganda yung mga mata nya, yung ilong nya matangos din, yung mga labi nya makapal! hahaha joke
"Baka pati ngipin ko hawakan mo pa"
"Yuck di 'no!"
"Hahaha"
"Asan na yung ice cream? diba sabi mo magdadala ka?"
"Sabi na nga ba itatanong mo yun e"
"Nangako ka e"
"Haha eto na"
"Pengeng kutsara"
"Susubuan nalang kita"
"Okay"
Sinubuan nya nga ako hindi naman ako ilang. Ganun din naman si kuya minsan e kaya sanay nako.
"Gusto ko *chomp* nung cookies *chomp*"
"Hahaha takaw mo pala"
"Di *chomp* kaya, baka ikaw"
"Ako pa?"
"Oo, uy penge pa!"
"Ubos na"
"Ang unti kasi ng dinala mo"
"Madame kaya yun, tara nalang dun sa swing" Crim
"Ayoko baka mahulog ako"
"Hindi yan, aalalayan kita"
Aalalayan? Weh? Gusto mo lang akong maka-holding hands e.
"Upo ka dyan” umupo nga ako
“Kapit ka dito sa dalawang hawakan"
Hinila nya yung dalawang bakal na hawakan paatras saka nya yun binitawan.
"Crim ansarap ng hangin :)"
"Anong lasa?"
"Lasang ice cream"
"Haha kapit ka sa hawakan"
"Sige"
Ganto pala ang feeling magswing lasang ice cream. :)
Humina ng konti ang ugoy nung swing.
"Cookie tayo' ka tapos itulak mo yung swing gamit yung likod mo pag sinabi kong 3 uupo sa ha"
"Sige"
Parang alam ko na ang gusto nyang gawin, gusto nyang sabay kaming mag swing :).
"1.2.3" hinawakan nya na naman yung kamay ko.
"Uy bakit lagi mong hinahawakan kamay ko"
"Ang lambot e"
"Yung sayo magaspang!" Joke lang yun hahahaha
"Aray hahaha"
"Hahaha"
Matapos naming mag-swing pumunta ulit kami dun sa may bench.
"Nag-enjoy ka?" Crim
"Sobra salamat Crim ha"
"Walang anuman yun "
"Cookie!"
"Kuya? Alam mo ba nag-enjoy ako"
"Talaga lang ha"
"Oo :D"
"Salamat nga pala Crim ha binantayaan mo ang kapatid ko"
"Wala yun kuya Lance"
"Uuwi kana din ba?"
"Sana po"
"Daan ka muna sa bahay"
"Oo nga Crim tara muna samin"
"Kambal!!!"
"Cristine bat andito ka?"
"Hmm sinusundo ka"
"Eto nga po pala si Cristine kakambal ko"
"Hi po sa inyo “
"Hi Cristine ^_^" sabi ko
"Mukhang di kana makakapunta samin ah may sundo kana e" kuya
"Sayang naman" sabi ko
"Nextime nalang ako pupunta "
"Sige"
"Kuya Lance, Cookie una na po kami ha"
"Sige ingat kayong dalawa"
"Sige po bye"
"Ambait nila 'no kuya?"
"Kaya nga e friendly silang dalawa"
"Kaya nga po, kuya nakahanap ka na ng donor?"
Bigla nya akong hinug, parang alam ko na wala syang nahanap. :'(
"Sorry Cookie"
"Okay lang kuya hahaha ok na naman ako ng walang mata 'o masaya na ako kahit ganito."
"Hindi parin ako titigil hangga't di kita naihahanap, wag kang mag-alala makakakita ka din"
Nagsmile lang ako sa kanya.
YOU ARE READING
Waiting for Him
RomansaMay story pa ako basahin nyo nalang kung gusto nyo. http://www.wattpad.com/story/12013076-my-unknown-bestfriend Salamat ^_^