5th Flashback

63 4 4
                                    


Nakatitig si Azreel sa salamin. Tinitignan si Jillian na walang malay at may hose pang nakakabit sa kanyang ilong.

Habang nakatitig, unti-unting lumilitaw si Nicho sa salamin. Napalingon siya sa likuran at nakita nga si Nicho. Walang emosyon. Tulalang-tulala.

Hindi napigilan ni Azreel ang naramdaman kaya nailikom niya ang kamao at agad sinalubong ng suntok ang lalaki.

"Kasalanan mo 'tong lahat!"

At sinuntok na naman siya sa kaliwang pisngi.

***

"This is my happiest day ever!" sigaw ni Jillian habang iniwagayway ang ice cream sa ere.

"Kulang pa ang surpresa ko sa 'yo." bulong ni Nicho sa tenga ng babae at tinakpan ang mga mata nito ng isang pulang panyo.

"Uy! Saan mo 'ko dadalhin?" nakangiting tanong ni Jillian.

"Ihuhulog kita sa imburnal."

Pinalo tuloy siya sa braso dahil sa sinagot. "Joke lang! Hahaha! Sige na, nandito na tayo." Nicho untied the blindfold and hugged Jillian tightly.

She saw the beautiful sunset beyond the sea's horizon with white birds flying all around and other couples sailing on the water's surface.

"Ang ganda." Naluluha niyang sabi habang nakatitig sa napakagandang tanawin. Hinalikan naman siya ng lalake sa pisngi sabay bulong.

"May pupuntahan pa tayo." He immediately held her right hand and they ran together.

Today is their first anniversary. Yes, matagal na sila. Matapos malaman ni Jillian na may girlfriend na si Azreel, walang iba kundi si Happy, tuluyan na ngang lumalayo ang mundo nina Jillian bilang magkaibigan. Buti nalang, dumating si Nicho na matagal ng crush ni Jillian. Kahit papaano, na-experience din ng babae kung paano magmahal na hindi nasasaktan. Naging sila for about a year.

10 minutes yata silang tumatakbo at saktong nakarating sila sa isang napaka-romantic na lugar. Isang private park at sa gitna nito, may isang table at dalawang upuan na napapalibutan ng christmas lights. Dahil unti-unti nang dumidilim ang paligid, mas lumilitaw ang tunay na ilaw ng lights.

"Halika, umupo ka rito." sabi ni Nicho at pinaupo si Jillian. Umupo rin ang lalaki sa kabilang upuan at kusang may dumating na waiter. Inilapag nito sa gitna ang nakatakip na pagkain at agad itong binuksan nang dahilan kung bakit nagutom ang dalawa.

"Wow. Ano 'yan?" inosenteng tanong ni Jillian.

" Ma'am, it is an italian cuisine called Kaiserfleisch - smoked pork, sprinkled with grated horseradish and served with sauerkraut" sagot ng waiter.

"Ahh... Okay." sabi ni Jillian at umalis naman agad ang waiter. "Ano raw sabi nun?" tanong ulit niya kay Nicho.

Nicho just laughed and said, "Haha! Ewan ko rin. In-order ko lang ito eh kahit di ko alam kung ano 'to." sabay pindot-pindot sa pagkain. Agad pinalo ni Jillian ang kamay ni Nicho dahil sa kanyang ginawa. "Huy! 'Wag mong paglaruan 'yan." Hindi pa nga nakakalayo ang kamay ni Jillian sa kamay ng boyfriend, agad naman itong hinawakan ni Nicho at hinalikan.

Napatulala si Jillian at hindi alam ang gagawin. Kinilig naman siya sa ginawa ng boyfriend ngunit pinigilan niya ito. Pulang-pula na tuloy ang pisngi niya.

"O-oy! Kain na nga tayo, baka mapanis pa 'to." change topic niya at agad nilamon ang karne.

Halatang gutom na gutom ang dalawa kasi nagko-concentrate sila sa pagkain. Lamon doon, lamon dito. Inom doon, inom dito. Pano ba naman kasi, mahilig sa surprises si Nicho. Ang akala lang ni Jillian, magja-jogging lang sila kaninang umaga pero hindi siya pinauwi ni Nicho dahil may surpresa pa raw siya. Kaya ang ending, kumain nalang sila ng cup noodles sa tabi. Lunch time naman, kumain lang sila ng kwek-kwek at ice cream. Buti nalang ngayon, nakabawi sila at nakakain pa ng masarap na pagkain.

"Thank you talaga Nicho. You are the best boyfriend ever! Mahilig ka talaga sa surprises. I love you!" aakmang hahalikan siya ni Jillian sa labi ng pinigilan siya ni Nicho

"Oops! 'Wag muna. Ang oily ng lips mo tapos iki-kiss mo ko?!"

"Yuck! Ang arte mo naman."

"De joke lang," sagot ng lalaki at agad tumayo at biglang sinugod ng halik sa pisngi si Jillian.

"Huy! Yaak! Ang oily ng labi mo! Hahaha! Tama na! Puno na ng oil ang pisngi ko!" huminto si Nicho at nagsalita.

"Eh ikaw pala 'yung maarte eh!" at sinugod na naman ng halik ang girlfriend.

At dahil sa kakulitan, nasira 'yung paa ng upuan na inuupuan ni Jillian kaya sila natumba.

At aksidente namang nahalikan ni Nicho sa labi si Jillian habang nakahiga sa lupa.

***

A/N: Just vote, comment and share! If deserving. :)



FlashbacksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon