***"Jillian!"
Patuloy pa rin ako sa paglalakad palabas ng school gate.
"Jillian! Uy! Ano ba?!"
Palihim na akong ngumingiti dahil sa kalokohang ginagawa ko.
"Huy! Pansinin mo naman ako! 4 days mo na akong di pinapansin. Na-miss ko tuloy kakulitan mo."
Napahinto ako sa narinig. Naipikit ang mga mata at pinipigilan ang sarap at sayang naramdaman.
Effective nga 'yung narinig ko. Na-miss niya ako!
Bumaling ako patalikod at yayakapin na sana siya pero...
"Azreel? Beshpren?" Saan siya nagpunta?
Bumalik ako sa nilalakaran ko hanggang sa makapasok na ako sa school gate.
"Besh!!!"
Maglalakad pa sana ako nang may tumakip sa aking mga mata.
"Guess who?"
Boses pa lang, alam ko na kung sino siya.
"'Yung kutong lupa na mukhang unggoy na sobrang panget at nagmumukhang tae."
Dahil sa sinabi ko, napabitaw siya at sinapak ang aking ulo.
"Grabe ka naman!"
Sinapak ko rin ang noo niya bilang ganti.
"Totoo naman 'yun ah!"
"Hoy Jillian! Tanong ko lang, bakit di mo ko pinapansin those previous days? Huh?!"
"Eh kasi... Ano.."
Patay. Pano ko siya sasagutin! Okay. Ako pa naman 'yung taong hindi marunong magpalusot.
"Ano? Sabihin mo na!"
"Uhmm." I bit my finger tips at nag-isip. Sasabihin ko nalang kaya.
I looked him and he's waiting for my answer.
"Eh kasi..." Napakamot ako sa ulo. "Eh kasi baka sa paraang iyon, mami-miss mo ako."
"Papa Azreel!"
Napaatras ako dahil sa babaeng kusang dumating at niyakap si beshpren.
Narinig kaya niya sinabi ko?
"Huy! Si kababata!" Nakita kong ginulo ni Azreel ang buhok ng babaeng ka-batchmate lang yata namin.
"Uhmm, Happy. Meet Jillian, my beshpren and Jillian, meet Happy. Kababata ko siya." sabi ni Azreel at kinuha ang kamay ko.
"Happy. She's my beshpren and my lover."
Nabigla ako sa sinabi ni Azreel. Gusto kong magwala sa kilig at nang malaman kong imagination ka lang pala 'yun, okay. Alam ko na ang tunay na meaning ng pagiging hopeless romantic.
"Hi Jillian!" bati sa akin ni Happy at super dooper obvious na plastik yung pagka-greet niya at bahagya pa siyang nagroll-eyes.
"Hello." Sa tingin ko, siya na 'yung maging kontrabida sa buhay ko. Mukha pa lang niya, parang gusto ko nang magwala.
Inabot ko ang kanyang kamay at nakipag-shake-hands. Nang magkahawak na kami ng kamay, 'yung mukha niya, parang nandidiri.
So mas hinigpitan at tinagalan ko pa ang paghawak sa kamay niya.
"Jillian and Happy. Magwa-one year na yata kayong nagshe-shake hands. Tara na." sambit ni Azreel.
Nauna silang naglakad samantalang ako, nasa likuran lang nila. Kitang-kita ko pa ang kamay ni Happy na pinahid sa kanyang uniform. Ang arte talaga.
***
Medyo ko nang naaninag ang mga taong pumapaligid sa akin.
Unti-unti na ring tumitila ang ulan at binuhat na ako ng mga lalaking naka-uniform.
***
Simula noong dumating si Happy, unti-unting nagfe-fade 'yung friendship namin ni Azreel.
Parang naa-out of place ako 'pag kasama sila. Parang may sarili silang mundo. Hindi na ako napapansin ni Azreel. Si Happy nalang palagi.
Sakto nga pangalan niya. Happy. Kulang nalang apelyido niyang "peanuts" para maging "Happy Peanuts" o di kaya'y "meal" para sa "Happy meal". "Happy fiesta" at "Happy Birthday" pwede rin.
Sana meron ding, "Happy death anniversary". Baka kasi mapag-lamayan na si Happy bukas. De jok lang. Grabe ko naman. Corny ko.
"Jillian, nagmamadali ka ba?" Heto ako ngayon, nakabuntot lang kay Happy at Azreel habang palabas ng school gate. Tinatanong ako ni Azreel kung nagmamadali ba ako.
"Uhmm... Hin---" sasagot pa sana ako nang biglang nagsalita si Happy.
"Mauna ka nalang Jillian. Wala ka namang makakausap kapag kasama mo kami."
"Happy. Ano ba 'yang pinagsasabi mo?" pigil ni Azreel. Tama nga naman si Happy. At mas lalo rin akong nasasaktan kapag nasa likuran lang nila ako at pinagmamasdan ang sweetness nilang dalawa.
"Ah... Oo nga pala. May gagawin pa pala ako sa bahay." sabi ko nalang.
"Sure ka?"sagot ni Azreel. Naunahan ko na silang maglakad kaya bumaling ako patalikod para tanungin na naman si Azreel ng isang bagay.
"Beshpren, may natatandaan ka ba sa araw na ito?"
Napa-ekis 'yung kilay niya at nag-isip.
"What do you mean?"
Nasaktan ako sa sinabi niya. Kaya naman ayaw ko pang umalis dahil I expected na magse-celebrate kami ni Azreel ng ikatlong "Beshpren Anniversary" ngayon. Tapos kinalimutan lang pala niya?
"Hahaha! Weirdo." sambit ni Happy. Kung pwede lang, sinubsob ko na ang mukha ng Happy na ito sa tae. Kainis.
"Aah... Okay, bye." sabi ko nalang sa kanila at umalis.
Sobrang nasaktan ako habang lumalayo sa kanila. 'Yung friendship namin, parang nawala na talaga. Siya lang 'yung nag-iisang taong close ko rito sa school at inagaw pa ng isang masayang ulam. Ang Happy meal na iyon!
Tatakbo na sana ako para agad silang malayuan nang may nagtext sa akin.
From: +639876543210
Hi..... Jillian?
Sino siya? Itinago ko nalang ulit ang cellphone ko sa bulsa. Wala akong time para makipag-usap sa kahit kanino ngayon. Badtrip.
***
"One, two, three."
"Clear!"
Nakaramdam ako ng sakit sa katawan maliban lang sa sakit na natamo ko galing sa aksidente. Naramdaman ko rin na parang nandito ako sa isang sasakyan.
"Yes. Hindi pa huli ang lahat." narinig kong sabi ng isang lalaki at may tinusok malapit sa pulso ko. "Pakiabot naman ng dextrose." dagdag pa niya.
"Sure ka okay lang si beshpren? Ay what I mean is... Miss Jillian Santos?" sabi ng isang lalaki. Kinutubuan ako sa boses niya.
"Medyo nasa critical condition siya sir. 60% na yata ng dugo niya ang nawala. But don't worry, malaki rin ang chance na hindi pa siya mawawala if maaga tayong makakarating ng ospital."
Hindi nagtagal, may naramdaman akong paghalik sa aking noo. Gusto kong dumilat para makita 'yung taong gumawa sa akin nun pero hindi ko magawa. Nakarinig nalang ako ng malamig boses na pumasok sa aking tenga.
"Beshpren... Please. Huwag ka munang umalis. Please. I love you."
At may tumulong tubig sa aking pisngi. . .
xxx-xxx-xxx
A/N: Yippee!! Nakatulog ako kaya medyo na-delay 'yung update! Pasensya na!!! Huhuhu! XD As I promised, may i-dedicate ako para sa chapter na ito. Siya kasi 'yung pangalawang nag-comment. Thank you talaga!!!
PS: The next dedication ay para naman sa ikatlong nag-comment doon sa previous chapters at nabitin pa siya sa kwento kong 28th day of February. Haha! I'll dedicate you for the next flashback! mwaah! XD