***
4 months na yata ang lumipas. As I expected, kami ni Azreel parang nag-drift apart simula nung dumating si Happy.
Luckily, simula noong nakilala ko naman si Nicho, medyo close na kami. MEDYO lang.
At para naman sa unknown number ng text nang text saken, potek lang. Hindi ko pa rin siya kilala. Pero nirereplyan ko naman siya anytime kapag boring.
Dahil nga 4 months na, bakasyon na namin. Heto ako, palaging nag-iisa. Wala si Azreel eh.
From: unknown (unknown na pangalan niya instead sa number)
To: Jillian beshpren
Magpakilala na ako sayo.
Received: 10:07 am at 03/15/16
Hala. Sure? Yes. Magiging interesting na ang usapan namin.
To: unknown
From: Jillian beshprenSure ka? Haha! Sige, magpakilala ka na.
Sent: 10:08 am at 03/15/16
It took 30 minutes nang ma-receive ko ang message niya.
From: unknown
To: Jillian beshprenGusto ko personal. Meet me at Adrivs café mamaya 3 pm. Magpakilala ako dun at ililibre kita. :)
Received: 10:47 am at 03/15/16
Napangiti ako sa message niya. Tutal wala naman si Azreel, game nalang ako. At least, hindi na boring ang aking life no.
Timecheck: 2:59 pm. In front at Adrivs Café.
Excited ako ng one minute. Pasensya na. Basta kasi may usapang "libre", game na game talaga ako jan. One step closer pa para makapasok na ako sa glass na pinto ng cafe. At sobrang nagulat ako sa nakita sa loob.Tumibok ng husto ang puso ko at gusto ko nang magwala. Hindi ko alam ang nararamdaman sa ngayon dahil parang pinaghalong kilig at kaba ang bumabalot sa akin.
Nakita ko kasi siya. Nag-iisang nakaupo sa loob ng cafe at may hinihintay. Tinitignan pa niya ang kanyang relo at sa tingin ko, kailangan ko nang pumasok para i-hug siya ng sobrang higpit.
Si Azreel! Si Azreel kasi ang nag-iisang tao sa Adrivs cafe at hinihintay niya ako. Siya si Mr. Unknown Number!!!
Pagpatak ng alas tres, masigla kong binuksan ang pinto at sobrang lawak ng ngiti ko habang naglalakad papasok ng cafe. Handa ko nang yakapin si beshpren. Nagulat kasi ako dahil sa kanyang ginawa. Nagpanggap pa siyang si unknown number para pakiligin ako sa mga messages niya.
"Azreel. Mahal na mahal kita." bulong ko sa sarili at tatakbo na sana para yakapin siya sa likuran nang dumating si Happy.
Napahinto ako at tila may sumaksak sa puso ko nang mamasdan ang sumunod na pangyayari.
Niyakap ni Happy si Azreel at hinalikan siya nito sa labi.
Nawala na siguro ang dugo ko. Nanghihina ang aking tuhod kaya napalayo ako sa kanila. Humanap ako ng mauupuan doon sa sulok at doon umupo. Tulala. Wala sa sarili at hindi namalayang isa-isa na palang nagsibagsakan ang mga luha sa sakit na nararamdaman.
Akala ko siya na. Akala ko, happiest moment ko na ito. Akala ko... Maling akala pala ang lahat.
Tinakpan ko ang mukha at palihim na umiyak. Kahit papaano, naririnig ko ang mga boses nilang nagtatawanan kaya tumayo ako at tumakbo palabas ng cafe. Hindi ko yata kakayanin ang tumagal doon. Ayoko na.
Sa pagbukas ko, sakto kong natamaan ang isang lalaki. Wala akong pake kung anong nangyari sa kanyan basta tumakbo lang ako.
"Jillian? Sorry, na-late ako sa usapan." Nang malaman ko ang boses na iyon, napahinto ako at nagdadalawang-isip kung lapitan ko ba siya. Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin kaya napaupo ako sa sahig at doon inilabas ang lahat ng hinanakit.
Walang tigil ang pagbuhos ng luha ko nang maramdaman kong may yumakap sa aking mga braso. Huminto ako sa paghagulgol at dahan-dahang tinignan siya.
"N-nicho? I-ikaw 'yung unknown number?" Nakita ko sa kanyang mga mata ang pagkaawa sa akin.
"Yes, Jillian. Ako 'yun at matagal na akong may gusto sa iyo."
Mas lalo akong umiyak sa mga oras na ito at napayakap ng mahigpit kay Nicho. Naramdaman ko naman ang kanyang kamay na dahan-dahang humahawak sa aking mga kamay at ang kanyang labi na dumampi sa aking noo.
"Jillian, I'll be your crying shoulder forever if you'll be mine." And I felt another kiss on my forehead.
***
Jillian is still unconscious.
xxx-xxx-xxx
A/N: Soorryy for the late update! Haha! Pasensya na, sadyang busy lang talaga ang layp. XD Thank you for reading! See ya next chapter! :*