Chapter 2

12 0 0
                                    


Matapos bumili ni Pat ng inumin sa canteen ay agad naman itong bumalik sa loob ng gym dahil magsisimula na ang laban ng kanilang paaralan at ng Willow University. Dagundong ang gym sa sobrang lakas ng mga drums at hiyawan ng mga estudyante. Karamihan siyempre ay fans ng kanilang koponan pero di pahuhuli ang fans ng kabilang team.

Isa-isa nang tinawag ang first five players ng kabilang team, at di mapagkakaila na mga gwapo rin ang mga ito kaya marami rin talaga ang mga babaeng patay na patay sa mga ito.

"And finally number 8 Dela Rosa!" Malakas na anunsiyo ng announcer. Napatingin si Pat sa tinawag at hindi nga siya nagkakamali maglalaro ang kababata niyang si Niko. Napatingin siya rito at di sinasadyang nagtama ang kanilang tingin sa isa't isa. Kinawayan siya ni Niko at excited din naman si Pat na kumaway sa kababata.

"Bestfriend kilala mo yun? Ang gwapo nun infairness.. Sino yun" Usisa ng kaibigan niyang si Anna.

"Ahhh.. oo si Niko, kababata ko yun at gwapo talaga yun." malugod na sagot niya sa kaibigan.

"OMG! I didn't know that Niko Dela Rosa would be friends with such a whale! wahahahahaa" Sabi ng isa sa mga kaibigan ni Chloe.

Napayuko naman si Pat sa narinig habang ang kaibigan naman niya ay tinignan ng masama ang grupo nila Chloe. "Excuse me, bakit maganda kayo? Kung whale ang tingin niyo sa kaibigan ko atleast mammal pa rin kayo itsura at utak ninyo ay mga plankton!" Inis na depensa ni Anna para sa kanyang bestfriend.

"Hahahahaa.." Tawa ng ilang mga fans na nakarinig kay Anna

"Anna tama na, wag mo na silang patulan" pagpigil ni Pat.

Umupo na si Anna, "Pat ano ka ba kaylan mo ba matututunan ipagtanggol ang sarili mo?"

"Alam ko, pero hindi dapat parating pinapatulan ang gaya nila." pangangatwiran ni Pat.

"Fine. Manood na lang tayo."

Nagpatuloy ang panonood nila. Natawag na rin ang golden cubs at nagsimula na ang laro.

sa Jumpball ay nakuha agad ng Golden Cubs ang bola at tuluyan namang naghiyawan ang mga manonood ng maipasok agad ni Ricky ang first 3-points. Walang magawa si Pat kung hindi ang makipalakpak na rin dahil sa galing ng kanyang crush.

Nagpatuloy ang mahigpit na laban ng dalawang koponan. Si Ricky ay walang mintis sa pagshoot ng bola habang si Niko naman ang gumagawa para sa kanilang team.

Natapos ang laban sa score na 82-80. Napaka lapit ng score pero nanalo pa rin ang Hamilton University at syempre dahil sa pagkakapanalo ay tuluyan ng nawalan ng klase dahil ang lahat ay nagcelebrate kahit na exhibition game lamang ang nangyari.

Unti-unti nang nauubos ang tao sa gym pero ang ilang fans ay nanatili sa loob upang hintayin ang mga players at makapagpapicture sa mga ito.

Pababa na ng bleachers sina Anna at Pat ng may tumawag kay Pat.

"Patchi ko!" boses ng isang lalakeng tila hingal.

Lumingon naman agad si Pat. "Niko!!!!" Salubong ni Pat sa kanyang kababata na ngayon na lamang niya ulit nakita. Nakabukas ang dalawang bisig ni Niko na akmang yayakapin si Pat.

"Aray!" Angal ng binata ng bigla siyang hampasin ni Pat sa dibdib.

"Aray ka diyan! Kelan ka pa nakabalik? Hindi ka man lang nagsabi. hmpf! " Pagtatampo ni Pat.

"Sorry na, nung Sabado lang naman kami bumalik. Hindi ako agad nakapagpakita sayo kasi inasikaso namin agad ang pagtransfer ko sa Willow, buti na nga lang kaibigan nila Dad yung principal at agad akong nakapasok at eto parte pa ng basketball team. Uy namiss ako ng Patchi ko" pagpapaliwanag at panunuyong sabi ni Niko sa kanyang kababata.

Shooting Her HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon