Pat's POV
"Pat! Ano ba kilos na dali, ngayon ang pep rally natin. Lahat ng mga campus cuties nandun. It will be raining men!" Pagmamadali ng kaibigan ni Pat na si Anna sa kanya habang papasok sa kanilang gigantic campus.
"Oo eto na nga oh, grabe naman kasi Anna pawis na ako di pa nagsisimula araw natin. Eh kung mauna kana kaya 20mins pa naman bago ang official time natin eh." Hingal na pagrereklamo niya sa kaibigan.
"Eto naman oh. Ok nga yan papayat ka. At parang di ka naman excited, if I know gustong-gusto mo makita si Ricky. Ayeee..." Panunukso nito sa kanya.
Napailing na lamang siya at tila walang narinig sa kaibigan.
Totoong crush ni Pat si Ricky. First year highschool pa lamang sila may pagtingin na siya dito. Pero kahit kailan di niya ito inamin kahit sa bestfriend niyang si Anna dahil nahihiya siya.
Hindi sa pangit siya, kung tutuusin isa si Pat sa may pinaka magandang mukha sa school nila, matalino rin siya, at mabait. Yun nga lang mataba si Pat.
Ever since her school life siya ang madalas na inaasar dahil sa katabaan niya, but she never showed everybody how affected she was by their comments. She would just smile at their remarks and go on with her studies.
FLASHBACK
Naalala niya nung first day of classes sa Hamilton University. Matapos ang kanilang bakasyon nabawasan siya ng konting timbang dahil wala siyang ginawa buong summer kundi ang magdiet at mag-exercise. Hindi siya nag-enrol sa gym dahil nga ayaw niyang pinagtitinginan siya ng mga tao habang umaalog ang mga bilbil niya.
Habang hinahanap niya ang kanyang pangalan sa listahan kung saang seksyon siya kabilang ay biglang nagbulungan ang mga tao sa paligid niya at tila may artistang nakita dahil sa bungisngis ng mga kapwa niya estudyante. Nagkibit-balikat lamang siya at nagpatuloy sa paghahanap ng kanyang pangalan.
"Excuse me...May I?" Sabi ng isang malalim na boses mula sa kanyang gilid. Nilingon niya ito at natulala siya sa gwapong nilalang na nakikita niya. Si Ricky Esguera.
"Ano ba yan, makatitig. Ano akala niya kay Ricky pagkain?" Maarteng kumento ng isa sa mga babaeng estudyante din. Narinig ito ni Pat at naramdaman niya ang pag-init ng kanyang pisngi dahil sa hiya.
"Don't mind them, mas maganda ka sa kanila" bulong sa kanya ni Ricky na mas nagpapula sa kanyang pisngi dahil sa hiya. Kung maaari lamang na lamunin siya ng lupa ito na ata ang ipinapanalangin niya. Napatingin siya kay Ricky pero patuloy pa rin ito sa pagtingin ng pangalan sa listahan kaya naman nagpatuloy lang siya sa paghahanap ng sarili niyang pangalan at seksyon.
Nang masulyapan na niya ang kanyang pangalan ay tumalikod na siya at naglakad paalis sa kumpol ng tao. Bago siya dumiretso sa kanyang classroom ay naisip muna niyang maglibot sa campus dahil mayroon pa namang 15 minuto bago magsimula ang kanilang klase.
Dumaan siya sa soccer field, sa gym, sa lab, at papunta na sa kanyang classroom. Nadaanan niya ang principal's office at bahagyang napatingin sa mga taong nasa loob nito. Agad naman niyang pinawi ang tingin dahil nakilala niya ang mga tao sa loob, ang basketball team ng kanilang paaralan. At siyempre nandun si Ricky. Nagpatuloy lamang siya at nagmadali sa paglalakad dahil naalala niya ang sinabi ng binata sa kanya kanina. Sa kanyang pagmamadali ay bigla siya napahinto ng tawagin siya ng kanilang principal na si Mrs. Torres.
"Patricia, can you come here please."
Wala siyang magawa kung hindi ang pumunta sa kanilang principal. Nararamdaman niya ang tingin ng mga binata sa kanya at mas lalo niyang naramdaman ang mga insecurities niya.

BINABASA MO ANG
Shooting Her Heart
FanfictionLove is like a basketball. The person holding the ball has the power to make all the efforts just to make one shot that may lead the game to winning, hence the basket is the heart. It's just there waiting for the right ball to be shooted. All Rights...