CHAPTER ONE : COMEBACK ???

73 2 4
                                    


COMEBACK???

Ang pagibig ay para lang yang bublegum eh! pag wala ng tamis ,pag wala ng pakinabang ,tinatapon na lang
____________________________

"Balita ko bumalik na ha" sabi saakin ni louise habang prenteng nakaupo sa couch ng aking office.
"Sino naman ang bumalik? Boy friend mo?"nagtataka ko namang tanong. at agad naman syang nag roll eyes.
"che!!!! low gets talaga" rinig kong sabi nya. Bakit? sino nga bang bumalik?.. at bakit biglang  bumilis Ang tibok ng puso ko?
"Edi sino pa ba edi yung husband mo!! bakit sino pa ba ang babalik edi sya lang naman" sabi naman  ni Kiara habang nakatingin sa cellphone nya na ngayon ay prente ring nakaupo sa couch na katabi ni louise..Bigla akong nakaramdam ng ibang emosyon na ngayon ko na lang ulit naramdaman, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon dahil halo halong emosyon ang aking nararamdaman galit,puot,pagkainis,kalungkutan, kasiyahan?at excitement? ano ba to? diba dapat hindi ako ngayon nakakaramdam ng kasiyahan at excitement ano ba to? pls.. lang pat tama na! ok?? tama na ang pagkagaga mo noon. maawa ka naman sa sarili mo.... bulong ko na lang sa aking sarili at itinago ko nalang na naaapektuhan ako sa sinasabi nila, na naaapektuhan pa rin ako sakanya
"Ako ba kinakausap mo o yung cellphone mo?" tanong ko habang kumukuha ng tubig sa aking ref. Oo may sarili akong ref sa aking opisina.. .... bakit may angal?
"Malamang sa malamang ay ikaw duh!!" sabi naman ni Florence habang napailing nalang yung dalawa.
" Wait tama ba narinig aketch(ko) na husband nya ang aketch(aking) papables?.. for your information dear, EX husband nya yun oki? kaya akin lang sya"sabi naman ng echuserang si harvey na ngayon ay nagtitimpla ng kape nya. Aba grabe... sakanya talaga? diba sya nabubulunan? eh kung sungalngalin ko kaya to .hmmmph...
"Tumigil ka nga dyan.. aba !! sayo? sayo?"sabi naman ng naiinis na si louise "Seryoso kasi harvey" pagpapatuloy nya
"Hmpph di naman mabiro! by the way oh ano na ang plano mo ngayon? tanong ni harvey saakin  na siya namang tinanguan ng tatlo hayy!!! "Anong ano ang plano?"takang tanong ko naman sa kanila.pilit ko pa ring tinatago na hindi ako naaapektuhan. ok lang yan pat kaya mo yan ok?..
"Anong ano ang plano ka jan? hoy babae asawa mo yun---" sabi  ni Kiara  na agad ko namang pinutol "Anong asawa ka jan? Baka ang ibig mong sabihin EX husband ko sya! oh eh ano naman kung bumalik na sya?? WALA AKONG PAKIALAM" sabi ko sakanila. ano ba to ? tinatanong pa ba yan? pshh.. kainis naman oh.
Oo nga pala nandidito kami ng MGA kaibigan ko sa aking opisina. aba!! akala mo kung sinong at home ah!. pektusan ko kaya ang mga to.
"Kunwari pa to! alam ko namang sabik na sabik ka nang makasama sya eh" sabi naman ni Florence sa mapang asar na boses.Hayy nakalimot ka na ba florence ha? pshh
"At sino namang nagsabi sayo na namiss ko siya?? duhh!!Baka nakakalimutan mo na Florence kung ano ang ginawa niya saakin?? ayoko ng magpakatanga. Tama na ang ilang taon na pagpapakahirap ko . kung nakalimutan mo na kung anong ginawa nya ipapaalala ko ulit sayo, Iniwan nya ako, pinaniwala, pinaasa at higit sa lahat ipinagpalit  nya ako sa iba. Oo nga at asawa ko siya pero siguro kahit anong gawin ko, kahit magpakatanga ulit ako, hindi niya talaga ako mamahalin eh, dahil para sakanya ang marriage namin ay isang napakalaking kasalanan.........na kahit kailan ay di niya matatanggap. Alam mo Florence..........................................................

Ang pag-ibig ay parang buble gum lang yan eh, kung wala ng tamis, kung wala ng pakinabang, itinatapon na lang." sabi ko sakanya.at agad naman silang nanahimik, naramdaman ko na lang ang paglapit nila at hinagod ang aking likuran. Ewan!!.. di ko na napigilang umiyak. ang sakit kasi eh ang sakit sakit.. grabe di ko na kaya... inaamin kong may epekto pa rin sya saakin pero hell hindi na ako magpapakatanga.... para saan pa ang binago ko saaking sarili kung bibigay lang ako ??? No papahalagahan ko naman ang aking sarili dahil ito na lang ang natitirang sandata na maaari kong ibigay saaking puso. agad ko namang pinahiran ang aking mga luha.

"Mada'am your meeting with Mr. Lee will be in ten minutes" ayy ano ba yan? istorbo nakita ng nag eemote pa eh .paalala naman saakin ng sekretarya ko.
"okay I'll be there" sabi ko naman sakanya na agad naman umalis.

"Wag na nga natin iyong pagusapan ok? I'm ok now bahala na siya sa buhay nya. at narinig nyo na man siguro ang sabi ng Secretary ko?So you may go now. chupe na kayo at nang maging malinis na tong office ko.. pumunta na kayo sa mga kompanya nyo, mga walang magawa sa buhay."sabi ko naman sakanila at naramdaman ko naman ang masamang tingin na ipinupukol nila saakin.pshh tama naman ako ah!! wala silang magawang matino sa buhay nila.. nangingialam pa, siguro ganyan talaga ang mga kaibigan laging nangingialam..! de joke lang!!!
:-) :-) :-) hehehe pero totoo ang sinabi ko na may sarili silang mga Kompanya na pinaghirapan namin, hayy thankful talaga ako sa mga kaibigan ko.. mayaman na, magaganda at laging nandyan para saakin at siyempre mabait pa!! mabait nga ba?? de.joke lang hehe

"Makaalis na nga" sabi naman ni louise na agad sinundan ng tatlo. Natatawa na lang ako!! :-) :-) :-).. mga kaibigan ko talaga!!

"Bye na nga rin.. pshh I Hate you"sabi naman ni kiara sa nagtatampong boses. hahahahah talaga to sus!!
"I love you too guys ba-bye" agad ko namang sabi sakanila bago pa sila makalabas ng pinto.
"Bye! love you too una na kami" sabi naman nila at agad ng umalis.. napabuntong hininga na lang ako tungkol sa pinag usapan namin at agad nang pumunta sa aking ka-meeting. Sino kaya ang ka-meeting ko ngayon?.. ang narinig ko eh kasing edad ko lang daw eh!!

Agad na akong pumasok sa loob ng room at nakakita ako ng isang anghel na bumaba sa lupa este isang lalaking may maamong mukha with musculine body.  wahhh  ano ba tong inisip ko?basta ang Alam ko may abs sya.. wahhh ilan kaya?? 6 o 8 wahhhh ... ano ba tong iniisip ko?... pat gwapo lang yan! grabe! di ka naman nasanay eh lagi ka namang nakakakita ng gwapo..pshh
grabe talaga at nakakalaglag panti ang mga titig nya ... napapanga nga talaga ako sakanya.. hayy nakow naman pat ngayon ka na lang ulit siguro nakakita ng taong mas gwapo pa sa mga nakikita mo simula noong iniwan ka nya eh! di ka na ulit nakakita ng perfect na features katulad ngayon sa taong kaharap mo..

"Hey Ms. Alcantara don't you know that staring is rude?? at baka may makapasok pang langaw dyan sa bibig mo hahahaha" sabi nya.. aba't! tumawa pa talaga pshh sabagay tama naman.. pero nahiya naman ako kasi narinig kong napatawa ang ibang board members saakin pshhh... humanda ka saaking lalaki ka! ako pa talaga ang pinahiya mo!! kapal ng mukha.. gwapo naman sana.. nakakainis lang.

"Oh REALLY?? sorry about that  and excuse me walang langaw dito sa board room but don't be full on yourself .. I'm still not mesmerized though nice meeting you! Mister???"

"Lance Brylle Lee"sabi nya habang naglahad ng kamay saakin  kasabay ng isang ngisi at agad ko naman itong kinuha upang makipag shake hands.. wahh ang lambot ng kamay nya at .napakainit nito wahhh eh? bakit ba ako kinikilig??? "And I'm Patricia Stephanie Alcantara"  sabi ko sakanya Yes I'm Patricia Stephanie Alcantara... the one and only!!..Maganda, Mayaman at Mabait ... puriin daw ba ang sarili?? "Well nice meeting you too" pshh.. pshh sige na ikaw na gwapo sige na ikaw na naku wag kang ganyan baka matunaw na ako dito nyan.. sabi ko sa isip ko dahil nakatitig sya saakin..

"Yan ba ang sinasabi mo saaking hindi mesmerized?? eh anong nakikita ko ngayon?? pagkamangha o pagkahanga??" sabi nya saakin habang nakangisi at sa nang-uuyam na tono. Agad nya namang pinutol ang aming pag shake hands pshh sayang!! ayoko sanang tanggalin pshh!!

Di ko nalang sya pinansin at nagsimula naman ang meeting..

Pagkatapos ng kalahating oras ay natapos narin yung meeting... hayy salamat naman kung ganoon..

Nag-aayos na ako ng gamit ko ngayon ng may biglang nagsalita sa likuran ko

"Ms. Alcantara  I would like to invite  you to a dinner tonight, would you mind going out with me??" sabi nya saakin .. wahh ang lapit nya saakin amoy na amoy ko ang pabango nya ... woohh bango..

"Sure!! at what time??" sabi ko sakanya... wahh  ako pa ba ang tatanggi?? eh ang gwapo na nitong kasama ko wahahah..

" I'll See you then.. sunduin na lang kita.. at wag ka ng magtanong alam ko na ang bahay mo" sabi nya

"Wait pano mo nalam---" agad nya akong pinutol
"Diba sabi ko wag ka ng magtanong... I'll get going then ba-bye , see you later"
sabi nya sabay halik sa aking pisngi, agad naman akong tumalikod dahil alam kong nag-ba-blush na ako.. naramdaman ko naman na umalis na siya.. hayy mamaya makikita ko siya ulit
ayyy landii...

Agad ko namang naisip yung pinag usapan namin ng mga kaibigan ko kanina.

Handa na ako sa pagdating mo dear  Ex- husband.... hmmm I'm always ready for your COMEBACK

FALL FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon