CHAPTER TWO: SEE YOU AGAIN

48 2 0
                                    

SEE YOU AGAIN

Kapag mahal mo ang isang tao pinahahalagahan mo ito at iniingatan hindi pinababayaan at basta na lang iniiwan..
___________________________

PATRICIA's POV

Nandito ako sa bahay ko, hinihintay si Lance na dumating..

Ang tagal naman ng mokong na yun kanina pa ako naghihintay dito. Excited na kung Excited ano naman? ngayon na lang kasi ako lumabas ng iba ang kasama, kasi simula noon.. tanging ang mga kaibigan at pamilya ko na lang ang kasama kong lumabas. hindi naman sa walang nagyaya saakin, sadyang ayaw ko lang talaga munang sumama dahil wala ako sa mood.I've treated people cold as an ice ever since he left me.

Mga ilang sandali pa, ay may narinig na akong busina ng isang sasakyan.. hayy!! salamat dumating na rin. Agad ko namang binuksan ang pintuan at bumungad sa akin ang isang.....

DRIVER???

Aba!!! yung taong yun.. Bakit di siya ang sumundo saakin ha?...

Anong gusto niya makikipag dinner ako sa Driver nya??

Ano sya hilo??

Aba sumusobra na siya ha!! hmmmph..
Bakit ba ako naiiis ?? eh ano naman ngayon kung hindi sya ang sumundo saakin??

ah basta!! nakakainis sya wahh!! sobra, sobra talaga.... nakakinis yun talaga ....

"Ahm.. ma'am ipinasusundo po kayo saakin ni sir..wag po kayong magalala ma'am sisiputin ka ni sir.. tara na po ma'am" sabi naman saakin ni manong.

Siguro nahalata ni manong yung pagkainis sa mukha ko hehe nahiya naman ako dun.

"Ayy salamat po manong .. sige po tara na po" sabi ko naman kay manong at agad na akong pumasok sa kotse..

Habang nasa kotse ako, di ko mapigilan ang magtanong kay manong..

"Ahm! manong bakit hindi po si Lance ang sumundo saakin??"sabi ko kay manong na abala mag drive

"Busy po kasi sya ma'am, kaya ako nalang po ang pinasundo niya sainyo" sabi naman saakin ni manong.. ahh so ganun busy sya?!.. eh bat pa sya nagyaya ng dinner kung busy lang naman sya?.. pshh eh bakit ba ako nagagalit?..

pshh 'huyy babae ka kilabutan ka naman sa mga sinasabi mo kakakilala nyo pa lang ang landi mo na ' sabi naman nitong utak ko ..ehhhh!! kasi naman ano ba to??

ahhh.. siguro kaya ako naiinis kasi nagyaya sya pero hindi naman sya yung nagsundo kaya ako nagalit,

Oo tama yun nga.. yun lang yun yehey! :-) okay na alam ko na...." Ahh ganun ba?? ok" sabi ko nalang kay manong at tumingin na sa labas ng bintana

Mga ilang sandali pa ay huminto na yung sasakyan, so dito nya pala balak mag dinner, sa isang Resto- garden.

Aba!! infairness ang ganda .. sa labas pa lang makikita mo na ang kagandahan ng lugar nasa may burol pala kami kasi nakikita ko yung mga kalsada at street lights sa baba..

Wow sobrang ganda talaga.. napapanganga nalang ako ... parang magical place.. actually para lang syang isang bahay at sa labas ay malawak na taniman ng ibat ibang bulaklak at halaman...

Meron rin naman dito sa labas na mga lamesa halos nasa may mga bulaklak yung set up ng mga tables at may makikita ka ring mga tao na kumakain doon, karamihan mga couples eh!, grabe naman napaka romantic ng place na to at halatang mga couples ang mga pumupunta rito.

eh! anong ginagawa namin dito?? eh! halos lahat ng nandito eh! mga couples... ahh!! siguro paborito nya lang itong lugar,

Oo nga tama! :-) kasi ano pa ba ang hahanapin mo? bukod sa maganda na nga yung lugar masarap pa yung simoy ng hangin..

FALL FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon