My side

2 0 0
                                    

Lagi kaming nagkakasundo sa mga bagay bagay. Pareparehas nga kami ng gamit e. Sa bag, sapatos, damit, pati nga pagkain namin sa recess magkakatulad e. Yung mga quizzes nga nagiging group activity samin. Marami ring naiingit sa friendship na meron kami. Sabi nila solid daw kami. Hahahaha. Solid nga ba? Pano mo masasabing solid kung biglang dumating yung araw na bigla nalang nagbago pakikitungo nila sayo? At ang reason? Lagi daw akong late sa time na pinagusapan. Saya diba? Dahil dun nasira ang lahat. Kung alam ko lang na darating yung time na ganto sana di ako masyadong na-attached sa kanila. Wala e. Nasanay na ako sa pressence nila. Ang dami naming plano e. Madami pa kaming pinag-iipunan. Tapos may plano pa kaming mag-over night after ng Junior's Night, magboboarding house pa kami sa college. Tapos ang usapan pare-parehas kami ng papasukang school at syempre bonding lage. Naalala ko pa kada class dissmisal sa Mall diretso namin. Window shopping. Hahaha. Wala kaming pera e. Tapos kung anu-ano papakielaman namin. Kapag may nagustuhan kami ilalagay namin sa pinakalikod para lang di mabili. Hahahaha. Ang saya lang magreminesse. Maibabalik pa kaya yung dating kami? Yung kada thursday and friday, may color coding yung nga t-shirt namin. Nami-miss ko na sila. Sobra. Pero wala e. Kahit anong approuch ko sa kanila di nila ako pinapansin. Di naman ako tanga para di malaman na iniiwasan nila ako. Minsan nga e, nagkayayaan kaming pumunta sa bahay ng kaklase ko. Kakain daw. Go kami lahat. Pagkain yun e. Pero nung paalis na kami nang iwan sila sa ere. Mga timatamad daw. Ako naiwan magisa. Sabi pa sakin nung kasama ko "Bat ganun sila sayo? Lahat nalang ng suggestion mo di nila pinapansin?" Akala ko ako lang nakakapansin hindi pala. Syempre nahiya ako. Di ako nakaimiki. Sabi pa nung isa "Kanina nga e nung nabili ka, nagyaya silang iwan ka. Nakonsensya lang si *toot* kaya hinintay ka na namin." Ang sakit diba? Kaibigan mo sila pero sila ang nang-iwan. Sila pa talaga. Expect the unexpected nga naman. On the way na kami sa bahay nila, bigla ko silang nakita. Magkakasama. Ang saya-saya nila. Naglalakad nga lang e. Ganun ba ang tinatamad? Sabi sakin ng kasama ko "Kaya hindi sila sumama kasi kasama ka." Yung ang pinakamasakit. Dun na ko naiiyak. Kinahapunan, naggm ako pero sa kanila ko lang sinend, 'Ang tunay na kaibigan di ka iiwan' Yan yung sabi ko. Tapos naggm din yung isa sa kaibigan ko. Ang sabi 'Tunay mo kaming kaibigan. Ikaw lang talaga ang gumagawa ng rason kung bakit ka namin nilalayuan' Obvious naman na ako yun. Tapos niyaya ko silang makipagopem forumn. Di ko mamatiis e. Ang bigat na. Pero sabi nila ngayon na daw. See? Kahit yun inayawan nila. Pero okay lang. Oras lang naman yung binago e. Good luck nalang sakin. Solo ako e. Magkakasama sila. Sana di ako umiyak mamaya. Ayaw kong magmukhang kawawa. Wish me luck.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

True FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon