Untitled Part 3

10 0 0
                                    

Ang pangit ata, buhay ko na kinwento ko. Ay, kasi nga yung title "Life of a suicidal person"! Kung hinahanap nyo kung saang banda ako naging suicidal, eto na.


Sa dami ng problema ko, parang pakiramdam ko napaka useless ko na. Hindi ko pwedeng sabihin na napakamalas ko kasi syempre alam ko di lang ako ang may pinagdadaanan. Siguro ang best term, is napakahina ko. Anghina ko, sobra. Araw araw ko naiisip na magpakamatay. Nagagawa ko pa ngang magsearch ng mga tungkol sa ways on how to commit suicide. Iniisip ko siguro magiging ok ang lahat pag tinapos ko na to. 


Minsan di ko maintindihan sarili ko, kung baliw na ba ako o sadyang mahina lang talaga. Mula araw hanggang gabi suicide naiisip ko. Yung mga ways na nababasa ko sa net, iniisip ko kung pano ko gagawin. While reading those ways, napapaluha ako. Yung lahat ng bitter memories bumabalik sakin. Lahat ng problema bumabalik sa isip ko. Andito na ako sa stage na di ko na talaga alam gagawin ko. Lumalapit ako sa Diyos, kung di nyo natatanong. Sadyang, sobrang hina ko lang talaga. Lagi ko nga sinasabe na sorry Lord kung ambilis ko sumuko, kung di ko kaya mga binibigay nyong pagsubok sakin. Anglungkot ng gantong buhay, yung pareho mong minamahal ang buhay at kamatayan.


Pero sa tuwing nag aattempt ako magsuicide, naiisip ko parin yung mga mahal ko sa buhay. Kahit parang ala lang ako sakanila, feeling ko may dahilan kung bakit nabubuhay ako. Di man ngayon, pero baka balang araw kailangan nila ako. Pero dahil nga suicidal, sasagi parin sa isip ang pagpapakamatay. Pero nagpapasalamat parin ako dahil nangingibabaw sakin ang pagmamahal ko sa mga taong malalapit sakin. Kung hindi siguro ganon, baka hindi ko na naisulat to. :)


Ang hirap ng gantong kondisyon, ang hirap hanapan ng lunas lalo na kung yung lunas dito ay naging sanhi din. Hindi ko gusto mamatay ng walang rason, parang ayaw ko lang makadagdag pa sa isipin ng iba. Ayaw ko makasakit, at pakiramdam ko wala ng dahilan para mabuhay ako.


Shinare ko lang tong story na to baka sakaling may makabasa na katulad ko din, gusto nang pagpahinga pero andito parin. Staying strong. Sana malagpasan natin mga problema sa buhay natin. Sana mahanap natin ung kasiyahan na hinahanap natin. :)


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Life of a Suicidal PersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon