Araw araw ko tinatanong sa sarili ko yan. Bakit ba hindi nalang ganon? Pero syempre para maintindihan nyong mabuti, isheshare ko mga problemang tinutukoy ko.
Una sa pag aaral. Hindi ako bobo, pero di rin ako ganun katalino. Saktuhan lang kaalaman ko. Hanggat kaya ko, kinakaya ko. Kahit mahirap, i am still trying to survive college life, kahit sobrang hirap na. Lagi lang nasa isip ko, "I can do this, this'll be all worth it". Pero gaya ng sabi ko, saktuhan lang kaalaman ko. Hindi lahat ng bagay kaya kong gawin. May weakness din naman ako. Pero do you know what inspires me the most? Yung mga nakagraduate. Kung kinaya nila, why couldn't i?
Kung napansin nyo, hindi ko nabanggit pamilya ko sa inspirasyon ko. Matic naman kasama sila, pero hindi siguro sa lahat ng oras sila ang pinaghuhugutan ko ng lakas. Hindi kami mayaman, hindi rin mahirap. Saktuhan lang ulit. Minsan masaya din ang pamilya, kaso madalas hindi.
Lumaki akong walang ina. Baby palang ako wala na sya. Iniwan nya ko, pero nagpapasalamat din ako dahil iniwan nya ko sa mismong kadugo ko. Pero yung kapatid kong bunso, pinamigay sa iba. Malungkot syempre. wondering na ano na kaya nangyare sakanya, sa mama ko. Di ako yung tipong mapagtanim ng galit, kasi wala din mangyayari kung magagalit ako. Hindi rin naman sila babalik. Ang tanging naiwan sakin ay si Papa, at yung grandparents ko. Honestly, di kami close ni Papa. Kahit lumaki akong kasama sya, hindi kami madalas nagkakabonding. Kaya lumaki akong parang malayo ang loob ko sakanya. Parang kelanman, hindi ko naramdamang proud sya sakin. Naalala ko yung mga words na sinabe nya sakin, na wala daw akong kwentang anak, na ala syang pakealam sakin, at wala daw syang aasahan sakin. Alam ko may paki sya, magulang eh. Pero yung word na walang kwenta, habang buhay tumatak sakin yun. Tulad nalang ng pagsabi sakin ng mga kaklase ko na pangit ako, tumatak din sakin yun. Habang buhay ko pinaniwalaan na totoo lahat ng sinasabe nila. Sa tuwing mainit nga ulo ni Papa, sakin nya binubuhos galit nya. Ichachat ako ng magkahaba habang chat kahit ala naman akong kasalanan.
Kahit nga nsa 1. something ang grades ko or 2. something, sinasabe nila na "Bakit ganto ang grades mo ang baba?" pero yung grades ko nsa exactly 2, 2.25, 1.75 ganon. Expected ko na kahit papano matutuwa sila dahil naipasa ko lahat, at hindi na masama ang grades ko. Kaso bumubungad agad yung salitang "Di ka kasi nag aaral mabuti". Parang bumagsak mundo ko, na yung pinagkakapuyatan ko, pinaghihirapang pasukan kahit sobrang aga eh wala lang din pala.
Tapos non, kukwento nanaman nila yung mga kamag anak naming professional daw. Yung kapitbahay daw namin matalino ganon, yung pinsan ko daw antalino sigurado daw na me mararating. Di ko alam kung sinasabe nila yun para mainspire ako, pero alam mo yung pinakamasakit? Yung laitin yung course na kinuha mo.
"Ano ba yang course mo, vocational!", "Bakit pinakuha nyo ng ganyan yang batang yan?", "Ala ka naman mararating dyan". Sakit diba? Imbis na mamotivate ka, dinadown ka pa nila. Kesyo kelangan daw maging professional ako para di kahiya hiya sa angkan. Anong gagawin ko? Eto lang kaya ng kaalaman ko. Nagtatry naman ako. Kaso may limit lang talaga ako. Sabayan pa ng mga lambang lord na prof. Wala naman sakin yung pagkukumpara nila, nakakalungkot man pero ayos lang. Ang masakit kasi, yung dinadown ka nila.
Sa relasyon naman, hindi ko naman dapat talaga sinasabay problema non, pero syempre nagmamahal lang din ako. May time na nagkamali ako, pero sobrang tagal nya sinusumbat sakin yun. Sa tuwing mag aaway kami yun lagi panlaban nya, kaya ala ako magawa kundi iraise ang white flag. Ang unfair nga din, kasi sa tuwing me mali sya, nagagalit ako pero panandalian lang. Di ko yun sinusumbat sakanya dahil past is past. Kaso bakit ganun? Pag ako nagkamali parang against the world na?
Isipin mo, nagsabay sabay lahat yan. Iisa lang din siguro maiisip mo....
"Bakit di pa ko mamatay?"
