Untitled Part 1

14 0 0
                                    


Everybody loves and wants to be happy. Sino ba naman ang gustong maging malungkot diba? Yung kahit na andami dami nating problema eh smile parin. Sana lahat ng tao ganyan ang pag iisip. Sana ganyan ako.


Noon, isa lang naman akong batang walang pakealam sa mundo, what i want is to play, play and play. Simpleng bagay masaya na ko. Hindi ko alam nun yung salitang "Problema". Siguro ung inaalala ko lang noon pag nasisira laruan ko, o kung anong oras kami magkikita ng mga kalaro ko sa patintero at kung ano pang larong kalye. Sarap isipin na ang saya maging bata. Pero syempre hindi habang buhay bata tayo. Darating at darating tayo sa stage na lalawak na isip natin, at mamumulat tayo sa totoong kalagayan ng mundo.


As i was growing older, unti unti ko nang nadidiscover ang real world. Meaning, mulat na ko sa affections, sa society, at sa kung ano dapat ang kilos ng isang babae. Nung elementary pa ko, oo nabubully ako. Pero hindi malaking bagay sakin yun. Wala lang. Bata eh. Pagdating ko ng highschool, nabubully parin ako. For my looks of course. They always call me ugly, maitim, malaki ilong, aso, anything na maisip nilang sabihin sakin. Ano bang laban ko sakanila? Madami sila, isa lang ako. Kahit nga mismong kaibigan ko binubully ako. Tiniis ko yung sakit ng mga words na binabato nila sakin, kahit sumagi na sa isip ko na magpakamatay nalang. Kaso ang babaw ata, magpapakamatay ako ng dahil lang sa bullying? Possible pero mababaw talaga. Oo aminin ko nag attempt ako magsuicide through slashing. It bled but hindi ganun kadami ang blood na nawala sakin so it was unsuccessful. I tried to stab myself din. Pero it didn't work eh. Di ko alam kung mapurol yung kutsilyo o sadyang makapal lang taba ng tyan ko. Kaya ala ako nagawa kundi tiisin ulit yung mga nangyayare. Napaaway man ako nung minsan, pero di ko sinumbong yun sa magulang ko. Dahil ayaw ko lumalaki ang gulo. Ako kasi yung tipo ng tao na ayaw sa gulo, nahihirapan ako kapag nakakakita ako ng nag aaway. Nagugulat nalang ako me classmate akong magsusumbong sa lola ko at sasabihin yung nangyari. Ayon, si Lola ko na ang reresbak. Nakakatuwa dahil may lumalaban para sakin, pero nakakalungkot dahil hinuhusgahan ako ng dahil sa itsura ko. Tumagal yung gantong trato sakin hanggang 3rd year highschool.


Nung 4th year ako, buti nawala na yung ganong trato. Uso naman ung chismis chismis. Yung pag uusapan ka ng di mo alam. Pero pinalagpas ko din yon, kasi nga ayaw ko ng gulo. Lumipas din ang highschool, eto naman si college.


Si college. Eto na yung tinatawag na real world. Dito kung sino sino makakahalubilo mo. May tunay, may hindi. May boyfriend ako. Magkasama kami ng department, at nagkataon naging kaklase ko sya for 2 years. Akala ko, ang college ay parang highschool lang, yung paeasy easy lang. Hindi pala. Araw araw ako namomroblema sa mga sabay sabay na pinapapasa samin, yung mga ugali ng iba kong prof, at yung problema sa pamilya. Tapos sinasabayan pa ng problema ng relasyon. I came to the point na di ko na talaga alam gagawin ko sa buhay. Yung natutulala nalang ako sa kisame, sabay napapaisip na...



"Bakit di nalang ako mamatay?"


Life of a Suicidal PersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon