Hoy! Girlfriend Ko Nga Pala (ONESHOT)

6K 182 63
                                    

Copyright 2013 © Yeppeun

Hoy! Girlfriend Ko Nga Pala | One Shot Story

FACEBOOK GROUP: http://www.facebook.com/groups/IstoryaheNiBlesie

•••

Sya 'yung babaeng balikingkinitan ang katawan, hanggang bewang ang buhok, walang arte sa muka, morena, katamtaman ang taas, hindi pango at hindi rin mataas ang ilong, katamtaman lang din.

Sya 'yung babae na nasa Section A, isa syang matalino sa klase, active sya pag dating sa mga school activities, malaki ang respeto nya sa mga teacher ng school namin, kahit sa mga estudyante nirerespeto nya.

Almost perfect na yata sya.

Sya si Kathryn.

 

...Girlfriend ko nga pala.

 

"Haha! Teka wag kang maingay itatago ko ang bag nya! Haha."

 

Pero tulad ng isang normal na estudyante, gumagawa rin sya ng kalokohan, nagiging pasaway sya, nagiging makulit sya. May na gagalit, may na tutuwa rin sa kanya.

"Sorry na! Hindi ko na talaga uulitin promise!"

 

Sya 'yung babae na kapag nangako at humingi ng tawad totoo. Hindi sya 'yung nag-sisinungaling, baka daw kasi humaba ang ilong nya, may pagka-isip bata rin sya.

"Hoy, kumain ka na? Share na lang tayo sa baon ko."

 

Hindi sya madamot, kahit na hindi sya kakain okay lang sa kanya basta daw nakaka-tulong sya sa iba.

 

"Eh gago pala 'yun! Haha."

 

Tulad ng normal na tao, nag-mumura rin sya. Tama nga siguro ang sinasabi ng iba, walang perpektong tao.

Pero sa akin? Almost perfect na sya..

 

"Ayoko na! Nakaka-pagod na! Ayoko ng mag-aral!"

 

Kahit ilang beses nyang sabihin sa akin 'yan, patuloy lang sya sa ginagawa nya, hindi pa rin sya sumusuko. Tulad ng iba, napapagod rin sya at tulad ng iba hindi sya basta-basta sumusuko sa isang bagay.

Sya si Kathryn.

 

...Girlfriend ko nga pala.

 

"Kuya Daniel! Sino po 'yung babae na lagi mong kasama? Ang ganda nya!" tanong ng kapit-bahay ko, same school lang kami pero nasa 3rd year high school pa lang sya.

Napapa-iling na lang ako habang naka-ngiti. "Sya si Kathryn, girlfriend ko nga pala."

 

Hindi na ako mag-tataka kung bakit kahit bata hinahangaan sya, halos lahat ng katangian ng isang babae na gusto ng lalaki nasa kanya na. Ang swerte ko talaga, kasi girlfriend ko sya.

Wala na akong mahahanap na tulad nya, nag-papasalamat ako sa Diyos dahil binigay nya sa akin si Kathryn, dahil nakilala ko sya.

 

"Daniel, sino 'yung parating na babae na 'yon? Hoy tignan mo pupunta dito!" napatigil ako sa pag-aayos ng chess board na hawak ko ng biglang mag-salita ang co-player ko sa chess.

Tinignan ko ang tinuturo nyang babae. "Hoy! Sya si Kathryn , girlfriend ko nga pala." naka-ngiti kong sabi sa kanya bago maka-lapit si Kathryn sa direksyon namin.

Lahat na yata hinahangaan sya, ibang klase talaga si Kathryn , napaka-swerte ko talaga sa kanya.

Halos tatlong taon ko na syang girlfriend. Nag-tatampuhan, nag-aaway kami kung minsan, pero nag-babati rin kami na parang walang nangyari. Sa tagal naming dalawa kilalang-kilala ko na sya, alam ko na ang lahat ng sikreto nya, kapag may problema sya sa akin lang sya lalapit, sa akin lang sya iiyak.

Lahat gagawin ko para sa kanya, mahal na mahal ko si Kathryn.

Kaso boyfriend lang nya ako at girlfriend ko lang sya.

Babaeng kaibigan ko sya.

Lalaking kaibigan lang nya ako.

Mahal na mahal ko ang bestfriend ko.

Kaso hanggang girlfriend ko lang talaga sya..

Okay na 'yon,

Basta ako lang ang boyfriend nya.

 

...ako lang ang lalaking kaibigan nya.

 

••• EN D •••

Hoy! Girlfriend Ko Nga Pala (ONESHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon