(
- -Annie's POV
Umagang kay ganda. Tumayo nako sa higaan ko para makababa na sa sala namen para kumaen. Para pumasok sa school. Habang palabas ako ng kwarto ko, tinignan ko muna yung buong kwarto ko na akala mo e napaka gandang kwarto at ngayon mo lang nakita. Pero, ang linalaman lang nman neto e puro poster ng KPOP. Tulad na lamang ng BTS, Bigbang, Got7, Exo, Ikon, Snsd, 2ne1 at iba pa.
Kaya kahit sa labas palang ng kwarto ko. Kitang kita mo siya kaagad.
Natatawa na lang ako. Kase ganon pala ko kaadik sa kpop. Hahahaha!
Kase naging inspirasyon ko naren kase sila. Ang saya saya ng umaga ko! Ewan ko kung bakit!
Pagkatapos kong tignan yung buong kwarto ko lalabas na sana ko ng nakakita ako ng Zombie na ang gulo ng buhok, nakayuko sa labas ng kwarto ko at tila gusto akong kainin at patayin sa loob ng kwarto ko.
"Waaaaaaaaa! ZOMBIEEEEEE!", sigaw ko. Papunta sa kama ko, at nagtalukbong ng kumot. Ano ba naman kase yan e, ang saya saya na nga umaga ko. May zombie pa. Umagang-umaga. Psh.
Hays.
Pero, Teka?
Pano nagkaron ng zombie sa tapat ng kwarto ko?
" Huh? Zombie saaaaan?", sabe nya. Rinig kong parang pamilyar na boses saken. Tumalon sya sa kama ko, at naramdaman kong kinuha nya yung isang unan ko para pantakip sa mukha nya. Kaya sumilip ako ng kaunti sa nakatalukbong kong kumot kung sino bayon.
At anak ng teteng! Si kuya lang pala yon. Si KUYA ANDREI! Yung kapatid ko. Juskooo!
Tinanggal ko na yung kumot na nakabalot sa mga mukha ko tapos ng katawan ko.
Kinuha ko yung isa kong unan at pinaghahampas to sa kanya.
" A-aray.. Arayyyy! Baket? Asan yung zombie?," sabe nya na palinga linga sa kwarto ko na inaalam kung may zombie nga ba talaga.
" AISH. Nasa harapan ko! Ikaw yung Zombie na tinutukoy ko! Nakakatakot ka kase, Mukha kang zombie. hays, Sayang effort ko, sumigaw pako! Makababa na nga!," sabe ko at tumayo na ko mula sa kama ko. Para bumaba.
" T-teka? Teka? Walang ZOMBIE?", sabe ni kuya andrei.
" Meron nga! IKAW! KABAKLAAN NETO!", sabay irap ko sa knya.
" Eh pano naging AKO?", sigaw ni kuya andrei mula sa tapat ng kwarto ko. Dahil nakababa nako papunta sa kusina.
" Kase naman! Bago ka pumunta sa kwarto ko kuya. Siguraduhin mo munang maayos ka!!! ALAM MO NAMAN NA KAKANOOD KO LANG MOVIE KAGABE NG ZOMBIE ZOMBIE NAYAN!
" KASALANAN KO BANG NUOD NUOD KA NG GANYAN!
" GRRRR! EWAN KO SAYO! PANIRA NG ARAW!", ines kong sabe. Para kameng bata na nag aaway. At Para ren kameng aso't-pusa dito na nagbabangayan.