Annie's POV
Dalawang araw na since nung nag meet kame ng kalokalike ni Sehun, at hanggang ngayon hindi ko pa ren alam yung pangalan nya. Hmm, nacucurious talaga kong makilala siya. Mukha kase siyang koreano. Atska yung sa pinost ko tungkol din don, andameng nagcomments. Kesyo ang swerte ko daw, kesyo sana may ganon din daw sa knila. Hahaha
Nung kiniwento ko kila Asha yung tungkol sa pagkikita namen na kalokalike ni Sehun, no reactions. Wala daw silang pake. Hindi daw nila kilala si Sehun. Huhu. Kaazar. kaya ayoko magkwento sa knila about sa kpop e. Hindi nila ko nafefeel. Hays.
Andito na ko sa school. 7:00am palang napaaga kase yung pasok ko, ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ko. Kaya, iniwan ko nalang si kuya. Kesa naman hintayin ko pa sya. Nagiseng kase ako ng 5:00am.
Nababaliw na ata ako e.
Kaya naman naisipan kong pumunta sa Library namen. At doon magbasa.
Nakapasok nako sa Library namen at naghanap ng pwedeng babasahin.
Hmm, eto kaya?
Kinuha ko yung libro na Pangkasaysayan. Medyo, nahihirapan kase ako dto sa AP. Ewan ko ba! Tagalog na yon ha. Nahihirapan pa ko.
Hindi ko pa nababasa yung kinuha kong libro ng biglang nag buzz yung cellphone ko. Hmm' masiyado pang maaga para may magtext ng gantong oras saken.
Kaya naman sinilip ko kagad kung sino yung nagtext.
From: Asha
Where are you bruhakels? Hintayin kita sa Cafeteria. Sabe ni Andrei, wala ka na daw sa bahay nyo. Napaaga den ako ng pasok e.
Hmm. Bakit kaya? At bakit ang bait ngayon ni Asha? Haha. Kapag, nag tetext kase sya may halong pang aasar. Atsaka nasanay na ren ako.
Kaya naman nagsimula nakong magreply sa knya.
To: Asha
Uh, okay. Andito lang ako sa Library, Sige. Puntahan kita dyan.
Then sent. Kaya naman, tinabi ko na yung libro at umalis na kagad sa Library. Dumiretso na ako sa Cafeteria na kung saan andon si Asha.
Habang sa malayo palang. Papalapit papunta sa Cafeteria. Nakita ko na agad si Asha na nakapalumbaba sa lamesa. At akala mo e parang nalugi. Hahaha.
Nyaks. Anyare dyan? Don't tell her, break na kagad sila ng new boyfriend nya. Hahahaha.
Nakapasok na ako sa Cafeteria, ng mapatingen saken si asha.
Yung malungkot nyang mukha. Napalitan ng pilit smile.
Wiw. May problema ata to. Tsk, tsk, tsk.
Kaya lumapit nako sa kanya.
" Huy. Ang lungkot mo ah. Baket?", tanong ko kay Asha. At umupo na sa tabi nya.
Napapout naman to. Aww, ang cuuuute. Ganyan nalang siya lage ang bait bait e. ^O^
" Hays, gsto kase ni mama magtransfer na ako ng school. Yung bagong school na kakatapos lang gawin last year, Yung earthinon university. Well, ayoko nga. Wala kayo e.", sabe nya sabay buga ng hangin.