JOFG 2

20 3 1
                                    

Mica's POV

"GISSEL!!!" Sigaw ko kay Gissel. Paalis na kasi siya eh. Parang di lang ako sumabay kahapon, di na agad ako sasabay ngayon? Kaloka!

"MMIICCAA!!" Sabi niya. Agad akong tumakbo sa kanya at naghintay na ng service.

*PPOOTT* *PPOOTT*

"Mica! Sorry sa kahapon. Sabay ka na sakin." Skye nanaman. -.-

"Ako ba hindi pwedeng sumakay?" Tanong sa kanya ni Gissel. Hindi niya pinansin si Gissel. Aba't!

"Ewan ko sayo." Nagsimula na akong lumakad palayo. Sinundan naman ako ni Gissel.

"Girl? Seryoso ka? Maglalakad tayo hanggang school?" Sabi niya at tumango lang ako. Ayon sa aking peripheral vision ko ay tumirek ang mata ni Gissel.

"Kung ayaw mo namang maglakad ay ayos lang, maglalakad na lang ako mag-isa." Nabuhayan ata siya ng loob. Kabaliw.

Huminto na siya at mag-isa na nga lang akong naglakad. Putek. Thank you Gissel ah? Pero okay lang, suggestion ko naman kasi yun eh!

"GOT YOU!"

Skye's POV

"Huwag kang malikot! Kapag ikaw nalaglag Mica!" Sabi ko sa kanya habang nakapasan siya sakin. Ang kulit eh.

"Ano ba! Ibaba mo ng ako Skye! Skye naman eh!" Sabi niya. Ayoko nga, nakakatawa kaya yung reaksyon niya!

"Hahaha. Cute mo talaga." Sabi ko sa kanya at lalo niya akong pinagpapalo. Hay nako. Pinaghandaan ko talaga 'tong mga palo na ito.

"Hindi kita ibababa hangga't hindi mo ako pinapatawad." Sabi ko. Agad siyang lumubay.

"Oo na! Pinapatawad na kita! Ibaba mo na 'ko! Utang na loob!" Yung itsura niya talaga! 'Da best tol!

"Weh?" Sabi ko at kita ko sa mukha niya ang sobrang inis. Sht. Agad ko na siya ibinaba at niyakap. Sweet ko 'no?

"Uy Mica, sorry na." Sabi ko sa kanya. Hindi siya kumikibo. Lalo kong hinigpitan yung yakap ko sa kanya.

"Oo na. Bitawan mo na'ko." Binitawan ko na siya mula sa pagkakayakap sakin. Nakita kong nagslow mo ang lahat ng may papalanding na kanang kamay sa aking pisngi. Hindi ko magawang makagalaw. Pumikit na ako. Katapusan ko na.

"HAHAHAHA!" Narinig ko na lang na tumatawa si Mica. Masaya na siya 'non? Teka, walang lumanding na kamay sa pisngi ko.

"MMIIICCCAAA!!" Sabi ko ng pasigaw. Agad siyang sumakay sa looh ng sasakyan. Lupit nun ah? HOKAGE!

Pagkapasok ko sa loob ng sasakyan ay tawa parin siya ng tawa. Ge, sajya ah.

"Tawa pa." Sabi ko. Putek, karma ko ba 'to? Yung mukha niya kasi kanina yung pinagtatawanan ko eh.

"Aga mo pumasok ah? 6:00 pa lang ng umaga." Sabi ko sa kanya. Kadalasan kasi ay mga 6:40 na siya pumapasok or later than that pa. Ako, maaga talaga ako pumapasok kasi wala akong gagawin sa bahay. Baka mamaya ay tuluyan na akong mabaliw nito.

"Naasar ako sa pagmumukha mo eh kaya maaga ako pumasok." Sabi niya. Anong connect nun?

"Ano connect nun Mica? Nababaliw ka na ba? May lagnat ka ba? Kinukumbulsyon ka na ba?" Sabi ko at tumawa nanaman siya.

"Pupuntahan sana kita sa room mo tapos papaduguin ko yung pagmumukha mo. Tapos manghihiram sana ako ng mukha sa pusa. Hahaha." Tinitigan ko siya ng nakakalusaw, speaking of titig.

"Hoy, Bakit ka natulala kahapon nung nasa stage ako?" Tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako.

"Bakit, masama bang titigan ang mukha ng bestfriend kong gusto ko ng malusaw sa sobrang inis that time?" Sakit talaga ng mga rason niya. Grabe tagos eh.

Just an Ordinary FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon