May kakaibang nangyayari sa'kin ngayon.
Gumagana na 'tong utak ko (Yehey. Party. Haha. Huhu). At oo, tulog pa ako. Alam ko. Nakapikit pa rin ako eh. Oo, pagod ako. Hindi ko alam kung bakit. Siguro, dahil first time ko gamitin ang utak ko? Nakakapagod pala 'yun?
Heto pa ang malupit. Naririnig ko ang paghinga ko. Parang si Darth Vader lang sa Star Wars. Teka, sino 'yun? Ano yung Star Wars? Hindi ko alam. Pero bigla na lang pumasok sa isip ko.
May naririnig din akong kakaiba.
*Tooot--- teeet--- tooot*
Baka nagbabarilan na sa Star Wars. Baka may naglalaro ng maliit na doorbell. Bagal. Kabagot.
O baka naman nababaliw na 'ko.
Siguro nga. Kinakausap ko sarili ko ngayon gamit ang isip ko. Naka-save lahat ng iniisip ko ngayon dito sa "Mind Recorder" ko para mabalik-balikan ko 'tong araw na 'to. Tikas.
Nakakapagod din palang mag-isip 'pag wala kang masyadong maisip kundi Star Wars.
Magpapahinga na lang ulit ako. Hindi ko na pipilitin dahil B.O.B.O. ako ngayon. Pero masaya ako dahil nakakapag-isip na 'ko.
BINABASA MO ANG
Nagising Ako
General Fiction"Malabo pa ang paningin Pero matalas na ang pandinig May gusto akong sabihin 'Di ko lang maibuka ang bibig Ngunit sa kabila ng lahat ng 'to'y ramdam ko. Ramdam ko ang higpit ng hawak niya sa kanang kamay ko. Ramdam kong inaalay niya sa'kin ang kanya...