IHCP-1. AS USUAL

228 23 6
                                    

a/n: She made the simple yet cute cover ;). WDYT?

IHCP-1. AS USUAL

When i entered the CENTRO GAITTE ACADEMY, hours seemed on rush. Ang bilis! Parang cascade lang! Akalain mo, third year na ako? Two years to go, College na'ko.

'saan kaya magandang mag-aral ng kolehiyo? Sa U.P ba? Sa Adamson? Sa La Salle? Sa Ateneo? Sa Harvard? Sa OXford? Tss. Ngayon palang, na ee-stress na'ko. Teka nga lang Scarlet, bakit ba ang advance mo ha?! Eh THIRD YEAR ka pa nga lang. Third year. Isaksak mo yan sa kukuti mo! May isang taon ka pa para ibandera ng iyong kagandahan! Please lang!'

"Scarlet! Bilisan mo na dyan, naiinip na ang Daddy mo!" Kung saan-saang lupalop na ng mundo lumilipad ang utak ko nang marinig ko ang boses ni Mommy.

I have decided to slap my face to take it back to reality. Tiningnan ko ang orasan sa tabi ng salamin ko, only to find out... "MA-LALATE NA NAMAN AKO!"

Buti nalang nakaligo na ako. Dali-dali akong nagbihis at hindi ko na nagawang suklayin ang kulot kung buhok. Oo,kulot ako pero hindi salot. Wala na akong pakialam kung papanget ako nito.

Kumain ako ng kaunting-kaunti lang. Limang hotdogs, lima ring sauges at isang pinggan ng kanin. O diba? Kaunti lang raw e. But dont get me wrong, hindi ako obese.

After few minutes, tuluyan na akong umalis.

********

Sa School...

"Good Morning Maam, i'm sorry i'm late again at baka mauulit ulit!" Masigla kong sabi sa may pintuan ng class room namin at nag 'salut' pa. Pero kung iniisip nyung nagalit si Maam, sorry mali kayo! In fact, nagtawanan pa nga silang lahat at mukhang na-energize ko pa. Hindi sa nagmamayabang pero ganun talaga pag malakas ang karisma. Patawarin nyo ako pero yun talaga ang totoo.

Natapos na ang 1st subject, 2nd, 3rd...

And finally, dumating na ang isa sa pinakahinihintay kong oras...

RECESS!

Pero hindi snacks ang habol ko, kundi si Daniel. Oo, as in si Daniel John Ford Padilla. Isa kasi to sa mga moments na malaya ko s'yang sulyapan. And that crazy little thing could make my day complete na. Geee. Basta, kinikilig ako.

Nasa canteen kami at syempre hinanap ko si Daniel.

"Hey, Scarlet! Sino na naman hinahanap mo diyan?!"-Leila (May bf na.Sosyal sa aming lahat)

"Ano ka ba naman Leila, isn't it usual? Palagi naman yang ganyan pag nandito tayo sa canteen. Since 1st yr. pa."-Bethy (Booklover.Mali.Booksucker. NBSB like me)

"Tama.Kaya masanay ka na Girl. Pgdating dito sa canteen,my sariling mundo yan."-Kian (Beki.Mataray pero mabait)

Dinedma ko lang sila. Seryoso kaya ako sa ginagawa ko. Pero ang totoo kahit usual na itong ginagawa ko, hindi pa rin nila alam na si Daniel ang ultimate crush ko and no one knows in this campus na long-time-childhood-playmate n'ya ako. Syempre hindi ko naman sinabi e. My friends didn't forced me to tell them kung sino man ang apple of the eye ko. Bahala na nga raw ako sa buhay ko e, kaya nga mahal na mahal ko'tong mga kaibigan ko. Sila yung tipong, understanding at hindi namimilit. Ang cool lang diba?

Maya-maya pa, dumating na si Daniel kasama ang nagagwapuhan n'yang mga kasama. Pero wala akong pakialam sa mga damuho. Si Daniel lang ang may puwang sa puso ko. Syempre pa, nagkagulo na sa canteen. CAMPUS HEART THROBS! Alam nyo na. At si Daniel ko ang pinaka-sa-kanilang-lahat. Pinaka-gwapo, pinaka-maliksi, pinaka-hot, pinaka-name it. Basta lahat lahat nalang! Ganun naman talaga pag-crush na crush mo diba?

Inayos ko yung sarili ko. Hindi dahil sira ito kundi dahil hindi ako pweding magpa-obvious sa mga kasama ko kahit alam ko namang hindi nils ako pinapansin. Kasi nga, may sarili raw akong mundo dito sa canteen. Kaya, hindi ako pweding guluhin. Tama ang mga yan. Moment ko to e.

Tumingin ako sa table nina Daniel ng kaswal lang as i sipped my drink in, pero ang totoo kinikilig ako lalo na't nakita ko syang nakangiti. Killer smile lang kaya yun. 'Ikaw kaya sa kalagayan ko, hindi kaba kikiligin?' In my case, hindi naman sya nakatingin sa akin. Pero, okay lang kikiligin pa rin ako! 'Wala naman sigurong magrereklamo!

Matagal ko rin yung ginawa. Pero yun talaga ang kaya ng powers ko-ang titigan sya.

KRIIIIIiiiiNG!!!

'AY! DANIELKO!'

Nagulat ako sa pero sa kaloob-looban ko lang. Buti nalang hindi ko navoice out yun. Naku kung nagkataon, patay ako sa mga kasama ko. Kakaiinis naman.

********

Chemistry class namin...

Naghintay na naman ako...

Mga isa at kalahating oras...

5-4-3-2-1.

"LUNCH TIME NA!" Sigaw ko bago pa ang lunch-signal. Nagsitayuan ang lahat at lumabas ng room. Nga pala minsan, ako rin tong alarm clock ng klase. Conscious ako sa time e. As usual, hindi naman ako pinagalitan ng teacher namin. Kahit kasi sa terror, ang lakas ng karisma ko. Oo, totoo.Mabait naman kasi ako at hindi sa nagmamayabang, matalino rin- sabi nila. O sya' bahala na kayo, basta ito na naman ang moment ko with Daniel...

Here i go!

_____--------------_____________--------------___________-------------_______________-----------------

a/n:

(Tadaa! And that concludes the first chapter. Thank u for reading guys :) )

Always humble,

TheAuthor

I'm His Childhood Playmate (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon