Zone 1

79.6K 1.2K 36
                                    

"Waaaaaaaaaaaah, ano ba talagang problema sa akin Liane?! Sabihin mo sa akin!" Umiiyak na saad ni Riane, more like pagwawala niya pero ang magaling niyang kapatid ay tuloy lang sa pagbabasa sa tabi niya.


"Maganda naman ako 'di ba?"


Tumango lang ito.


"Mabait naman ako 'di ba?"


Tumango lang ulit ito.


"Sexy naman ako 'di ba?"


Binato niya naman ito ng nahagip niyang unan ng hindi ito nagsalita. Inis naman nitong isinara ang libro at tinititigan siya ng masama. Kahit kailan bugnutin 'tong kapatid niya.To think na mas matanda siya.


"Ate! Ano ka ba?! Do you really want to hear the truth kung bakit ang mga nagiging relasyon mo hindi nagtatagal?" Napaiyak na naman siya ng sabihin nito ang salitang hindi nagtatagal. Fine, tama ito. Iilan lang sa mga boylet niya ang tumagal sa kanya. Mahaba na ang dalawang buwan.


Isinumpa yata siya at sa hindi niya malamang dahilan, sa sampu niyang naging boyfriend. Wala ni isa ang tumagal ng dalawang buwan!


"Una, masyado kang mapagbigay." Napatingin naman ako sa kapatid ko.


"Ano namang mali doon?"


"Anong mali?! Eh halos lahat ng naging boyfriend mo ikaw ang gumastos para sa kanila. 'Yun ang mali! Ibinibigay mo lahat! Kaya naman kapag may isa kang hindi naibigay, iniiwanan ka nila." Napaisip naman ako sa sinabi ni Liane.


Panahon na ba?


Para isuko niya ang bataan?


"Then, panahon na ba Liane?"


"Panahon ng ano?"


"Ng pagsuko ko ng bataan, eh yun lang--" Hindi niya naman naituloy ang sasabihin niya ng batukan siya ng katabi niya.


"Hoy! Ate mo pa rin ako ah, makabatok ka diyan." Saad niya habang hinihimas ang ulong hindi naman nasaktan.


"Magtigil ka nga Ate, hindi yun ang ibig kong sabihin. What I mean is matuto ka namang magtira para sa sarili mo at huwag mong ipakita na isa kang sugar mommy. Tuloy, tine-take advantage ka nila."


Siya naman ang bumatok sa mahaderang kapatid niya.


Tawagin daw ba siyang sugar mommy.


"FYI, 22 pa lang ako kaya huwag mo kong ma-sugar mommy diyan. " Umirap naman ang huli sa kanya.


"Then act like your age Ate, please lang. Aba! Alam na alam ng mga kapit-bahay sa tuwing brokenhearted ka."

Thunderzone PUBLISHED UNDER LIBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon