BOOK ALREADY PUBLISHED UNDER LIB. AVAILABLE IN PHR BOOKSTORES AND SELECTED NBS. AVAILABLE ONLINE THRU LAZADA AND SHOPEE :)
A/N: May mae-encounter kayong video advertisement sa ibang mga chapters ng storya na ito. Huwag po sana kayong magalit sa ads na makikita niyo. Sana ay hindi kalabisan ang ilang segundong panonood ng mga video ads na inyong makikita. Malaking tulong po sa akin kung papanoorin niyo ang mga ito :)
ThunderZone.
Na-seenzone na ako ng crush ko. It hurts you know. Nag-hi lang ako, simpleng hello 'di niya nagawa.
Na-friendzone na ako ng classmate ko. Linsiyak na animal yon. Friends daw kami pero kung maka-holding hands sa akin akala ko boyfriend ko na.
Na-Gayzone na ako ng boyfriend ko. Parehas din pala kami ng gusto (lalaki) kaya naman pala alam na alam niya ang brand ng lipstick ko.
At kung ang lahat ng zone na kinapailaliman ko ay sasabihin ko simula ng mamulat ako tungkol sa salitang 'love'. Aba baka abutin tayo ng siyam-siyam bago 'ko matapos.
Lahat tayo may kinakatakutan, katulad ko takot ako sa kidlat at kulog.
Sa english, Thunder and Lightning.
Sa greek... aba malay ko di naman ako griyego.
Kidding aside.
Ako nga pala si Riane.
Ang babaeng muling nabiktima ng isang zone.
Thunder zone.
Huwag na kayong magtaka kung hindi niyo pa naririnig ang zone na 'yan.
Dahil ako lang ang nagbansag niyan. Galing sa pangalan niya.
Bagay na bagay sa kanya hindi ba?
Dahil para siyang kulog.
Kinatatakutan ng tenga kong marinig.
Dahil sa nagiging epekto nito sa puso ko.
Ilang beses na akong na-fall.
Sabi nga nila sa sobrang bilis kong ma-fall daig ko pa ang pagkaing sine-serve sa isang fast food chain.
Tipong nginitian lang ako, crush ko na.
Tipong inakbayan lang ako, gusto ko na.
Tipong niligawan lang ako, mahal ko na.
Lahat sila sinasabi sa akin na hindi pa ako nai-in love then ano ang mga naranasan ko sa past boyfriends ko?
Sagot naman nila iba ang love sa in love. At sa kaso kong, slow talaga minsan. Malabong makuha ko ang ibig nilang sabihin.
But when I met him.
Thunder Hendrex Monteciara.
Nasabi ko na lang sa sarili ko na siguro nga tama sila, hindi pa ako nai-in love.
Ngayon pa lang, ngayon pa lang na nakilala ko siya.
Marahil na-fall ako sa iba pero 'yung tipong makakaahon pa. Pero sa kanya, parang nasa bingit ako ng bangin. Hindi ako makaalis at unti-unti akong nahuhulog.
At sa unang pagkakataon, natakot ako. Natakot akong mahulog. Dahil alam ko na hindi niya 'ko masasalo dahil may iba na siyang buhat-buhat.
And that's the start of me being in a Thunder Zone.
Sa isang zone, na mahihirapan akong makamove-on.
"Tipong mahal ko siya.
Tipong natakot akong mahulog sa kanya.
But then he said he would catch me.
And so I did.
Little did I know, I am just a distraction.
An escape to his reality."
TBC
KINDLY READ THIS! ONLY FIVE CHAPTERS WILL BE POSTED HERE IN WATTPAD FOR THIS STORY. NO WORRIES, YOU CAN STILL READ IT UNDER A NEW ONLINE READING PLATFORM NAMED DREAME. KUNG AYAW PO NINYONG MABITIN AT AYAW RING MAGBASA SA IBANG ONLINE PLATFORM THEN I SUGGEST HUWAG NA PO KAYONG TUMULOY SA PAGBABASA SA SUSUNOD NA CHAPTER. THANK YOU!
Written by: Princess_Jenpaumevi
Warning: Grammatical Errors| Feel free to correct me| Typo errors are also present in this story|
Plagiarism is a crime.
No Softcopies.
All rights reserved.
|Vote|Comment|Share|
BINABASA MO ANG
Thunderzone PUBLISHED UNDER LIB
ChickLitPUBLISHED UNDER LIB PHR Available in NBS Bookstores and thru online stores via shopee and lazada for as low as 199 pesos. Lahat na ata ng zone mapa-friendzone, seenzone, baklazone etc. napagdaanan na ni Riane-- na binansagan ng mga kaibigan niya bil...