Chapter 002~ Evil Mode ~

28 2 0
                                    

A/N: Eurydice Verdandi on Multimedia :)  Enjoy Reading! :) 

~ H e r P o i n t of V i e w ~

"Wooh! Masaya to!"

Sinamaan ko ng tingin si Eurydice na sa kabila ng tama niya e nagawa pang painitin pa ang mainit ko nang ulo.

"Shut up, Bitch. This isn't how we define 'fun'. Let me remind you whose fault is this."

Tumawa lang siya sa sinabi ko.

"I love you besssy!"

Nakakalokong nagpuppy eyes pa si Eury matapos sabihin yon. Unfortunately, bestfriend ko ang bitch na yan. Kaya nga okay lang sa kanya na tawagin ko siyang bitch. Because for her, that is my endearment. Pero shet lang parang gusto kong masuka sa pagpacute niya.

"Whatever bitch"

I rolled my eyes at her then face the cowards.

Another batch of bastards came in. To be honest, mukhang mahihirapan ako dito. But I'm not saying that I won't win this shit.

Tinignan ko muli ang babaeng humila sa akin sa trouble na ito, which is partly, ginusto ko.

Sa lagay ni Eury, hindi na niya makakayang lumaban.

"Bakit pakiramdam ko minamaliit mo ko sa mga tingin mong iyan, Mistress Hem?

Hindi ko pinansin ang bahagyang pagkabigla na ipinakita ng mga lalaki matapos marinig ang tawag sa akin ni Eury. Buti naman at hindi kasing bobo itong mga ito ng lider ng naunang batch.

" Kasi maliit ka naman talaga." Ganti ko sa litanya ni Eurydice.

"Yabang mo po! Bow."

"Hoy kayo!" Napapitlag naman sila matapos kong tawagin. Alam kong kahit may ideya na sila kung sino ang kaharap nila ay hindi sila aatras.

Brotherhood's Oath.

Isa sa mga kabaklaang patakaran ng mga gangster.

Ang Kapatid ng isa ay Kapatid ng lahat.
Pag nangailangan ang isa tutulong ang lahat.

Mukhang magandang prinsipyo iyan ng mga gangsters kaya maraming naeengganyo na sumali.

Pero kasama sa prinsipyo nila na

Ang kalaban ng isa kalaban ng lahat..
Ang gustong patayin ng isa, gugustuhing patayin ng lahat.

At ang napatay ng isa, napatay ng lahat.

Vengeance MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon