Chapter 1

37K 669 4
                                    


"Ma'am naman po. Hindi po iyon mangyayari ma'am." Natatawa kong sabi kay Mrs Mendoza. "Not to be disrespectful but, he is not my type madam." I said and almost cringed.

Like no. Kahit gwapo ang anak niya, demonyo with matching diablo attitude naman. NEVERMIND. In fact hindi ko talaga siya tipo.

"Mabuti naman. Ano nga uli ang ikinamatay ng family mo? If you don't mind me asking."

I stared at her and sighed silently. Kailangan ko na namang kakalin sa utak ko ang mga nangyari.

"Oh. No anak. I'm sorry. Hayaan mo na."

"Ahm. Nako ma'am. Ayos lang ho. Six years old palang po ako noong namatay ang pamilya ko. Masacre po ang nangyari." I stopped the tears from building. I should not cry. "Kitang kita ko po ang mga nangyari. Buti na nga lang po at nasa cabinet ako nang nangyari 'yon, sinadya po ni mama na maglaro kami ng hide and seek. Alam niyang may mangyayari. Ang huling sinabi lang po niya, I would find the light but she wouldn't be there. That I have to be strong and keep my eyes closed until I finish counting up to one hundred." And tears escaped. Her eyes are in sorrow like mine so I looked away. "Dinala po ako sa bahay ampunan. Noong fifteen years old ako... nagpaka-independent na po 'ko. Working student po. Sa restaurant niyo po ako nagtrabaho bilang taga-hugas. Doon po ako nakilala ni Mr Mendoza at simula po noon, tinulungan na niya 'ko. Binigyan ng scholarship at ngayon nga pong college na 'ko... nag-offer siya na maging bodyguard ako ng anak niyo. Hindi na po ako tumanggi."

"Bakit ka sumali sa isang tae kwon do class?"

"Dahil gusto ko po na may depensa na 'ko at hindi na mauulit 'yon sa mga mahal ko. Gusto ko nga pong magpulis eh." Natawa ako ng mahina. "Pero 'wag nalang ho. Sabi naman po ng asawa niyo, ayos na po yung karunungan na alam ko."

Hindi ko syempre sasabihin sa kanya kung ano talaga 'ko. I just shouldn't. And the lies I have told her make me wanna cough.

"Teka nga, are you planning to revenge on what happened to your family?"

Napa-angat ako ng ulo sa tanong ni Mrs Mendoza saka ngumiti. "Hindi po. Wala po iyon sa utak ko. Nahuli na rin naman po yung mga gumawa no'n."

"Oh. By the way, what was the reason?"

"Business po."

"Okay... tama na. Ako naman ang magsasabi tungkol sa anak ko para naman may alam ka sa kanya."

Nakahinga ako ng matiwasay sa sinabi niya. That would be better. Hirap na hirap na 'ko sa interview niya.

"May mga nasabi na rin naman si Toffer sa'yo 'di ba?" She asked. Tumango naman ako. "Okay. I guess tanungin mo nalang ako kung may gusto ka pang malaman." Saka siya ngumiti.

"Opo ma'am. Tutal po next week pa ang pasukan. Makakapaghanda po ang anak niyo."

Nagpaalam na ko sa kanya. Kailangan pang maghanda ng alaga ko at pagod na talaga 'ko. Hindi malapit ang Pilipinas sa New York.

May sumalubong sa 'king isa sa mga katulong nila at naghatid sa kwartong tutuluyan ko.

I can't help but admire this modern mansion I am in. It is a four-storey house. Ang first floor, ay living room and the rest, kitchen and rooms ng mga maids nila. Sa second floor ang dining room at living room ulit but more spacious. Sinadya para sa mga bisita. Nandito ako ngayon dahil nandito rin ang office ni Mr Mendoza. We reached the third floor and I knew that it has all the rooms. Guest rooms, rooms ng mga anak nila, and the obvious master bedroom is surely behind that two big doors on the end of the hallway.

Sobrang curios ako kung ano ang nasa fourth floor. Nakakahilo na nakakamangha ang bahay nila. Ang swerte nila kung yaman ang usapan. Kaya gano'n din siguro yung isang 'yon. Buti pa si Zyche, napakasimple at maganda. Si Zac, I can say na may nakuha ring kagaguhan sa kapatid niyang panganay. Hindi ito ang first encounter ko sa kambal. Lagi sila kung bumisita sa Pilipinas; particularly sa Blue Shortcakes, sa hotel and restaurant nila sa Pilipinas.

The Beauty is an AmazonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon