Keanne's Pov
For my daughter..
Pinagmamasdan ko ang anak kong matulog. Kamukha nya ang tatay nya. Napangiti ako kasi kahit sinasaktan ako ng asawa nandyan pa rin ang anak ko, ang nagpapalakas sakin. Kahit papano may pinagkukunan pa rin ako ng lakas. Hinaplos ko ang pisnge nyang malambot. Mahal na mahal kita anak.. .
Pero di ko alam bakit galit na galit ang anak ko sa ama nya. Di ko sya pinalaki ganito, pinalaki ko syang may takot sa diyos.
Pero agad ko naman itong pinangaralan kanina wag magtanim ng sama na loob lalo na sa tatay nya.Tumayo na ko para matulog na sa kwarto ko. Hiwalay ako matulog sa asaw ko kasi ayaw nyang nakikita ang mukha naiirita sya sakin. Kinumutan ko na ang anak ko at hinalikan sa noo.
"Goodnight anak." Tsaka ako lumabas. Nagulat ako ng biglang hatakin ako at sinandal sa wall.
Tinitigan ko sya at ganun din sya. Pinikit nya ang mata nya mariin.
Ang pula ng labi nya. Siguro kanina pa sya nag aantay dito."Let's talk." Mariin nyang sabi
"S-saan?" Nauutal ko saad, Natatakot ako sempre pero di maitago sakin ang kasiyahan ngayon lang kasi ako kinausap nito.Binitiwan na nya ako at tumalikod.
"Follow me." Malamig nyang saad. Nag simula na syang maglakad at sumunod na ko sakanya.Ng makarating kami sa library ng bahay ay umupo na kami. Mag katapat lang kami sya sa mahabang upuan ako sa single lang. Yumuko lang ako kasi ayoko munana syang pangunahan sa sasabihin nya sakin bakq magalit pa ito sakin. Kaya tumahimik na lang ako.
"It's all about Kleanne." MAlamig na sabi nya kaya naman napaangat ako ng tingin sakanya at ikinataka ko pero di pa rin ako nagsasalita.
"Gusto kong bumawi sa lahat pagkukulang ko sa anak ko. Pero di ibig sabihin nun pinapatawad na kita sa mga ginawa mo sakin, pag babayarin mo pa rin ang lahat. It's for my daughter kaya wag kang magassume na okey na ang lahat." Malamig pa rin na sabi nya. Shock. Saya. Lungkot. Sakit. Shock, First time aminin nya na anak nya ang anak namin. Saya, kasi magiging responsible na sya sa anak namin. Lungkot, kasi para sa anak lang namin. Sakit, Bakit di nya pa rin ako pinapatawad at di ako kasama sa pagbawi nya. Halo halo ang nararamdaman ko ngayon. Pero nanaig ang sakit sa puso ko. Bigla nalang sumikip ang dibdib ko. Di ako makahinga ng maayos. Sinapo ko ang dibdib ko dahil para mawala ito, agad din naman nawala.
"Bakit ka umiiyak? Ang sabi ko di ka kasama dun sa plano ko." Supladong saad nya. At napairap nalang sya. Ngumiti naman ako.
"S-salamat.. Salamat at tinanggap mo na ang anak mo... Ayos lang kung di ako kasama sa plano mong bumawi pero masaya ako para sa anak ko kaya naiyak ako." Nangiti kong sabi. Tinatago ko lang ang sakit nanararamdaman ko para wala sya isumbat.
Inirapan nanaman nya ako.
"Umalis kana. Nasisira ang araw ko" NAiinis na sabi nya.Kaya naman agad-agad akong lumabas ng library na opisina na nya.
Pagkalabas ko. Automatiko naman tumulo ang luha ko na kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko. Naninikip naman ang dibdib ko. Kaylangan kong makabalik na sa kwarto ko para inumin ang gamot ko.

BINABASA MO ANG
Why, Do I Cry?
RomanceMahal ko sya pero bakit ako umiiyak? I'm not good enough? Bakit masakit kapag pakiramdam ko lumalapit ka pero Di moko mahal? O magiging mahal mo lang ako kasi mawala na ko? Ng malapit pa ko, Todo layo ka! Pero nung ako na ang lumayo, Ikaw naman an...