Nagmahal (Oneshot)
Bakit may mga taong magmamahal na nga lang, sa maling tao pa? At ang tanong, bakit pati ako? Nagmahal ako sa isang lalaking tanga, babaero at higit sa lahat..
Manloloko.Bata pa lang ako nung simula ko syang mahalin. Nung magsimula ang puso ko na magmahal sa isang lalaking mahilig sa babae. Kahit natuturn off ako sa kagaya nya, hindi ko parin sya magawang hindi mahalin. Lalo na ng, naging isa ako sa mga babae nya...
Nung naging kami, sobrang saya ko.
Nung naging sweet sya sakin, sobrang saya ko. Halos makalimutan ko na at di makita ang ibang tao kapag kasama ko sya. Pero ako, habang kinakalimutan ko ang lahat, maging siya hindi ko narin nakita. Masyado yata akong nabulag sa pagmamahal ko para sa kanya.
Hindi ko nakita na habang nakatingin ako sa kanya, nakatingin naman siya,
sa ibang babae.Hindi ko aakalain na panandalian lamang pala ang lahat. Ang kasayahan ko, mapapalitan ng... sakit.
Labing-limang taong gulang pa lamang ako nung mahuli ko siyang may kahalikan na ibang babae. Menor de edad pa lamang ako nun at siya ay labing-walong taon gulang na.
Hindi ko maibibigay ang mga pangangailangan niya na kayang ibigay ng babaeng kahalikan niya nun.Pakiramdam ko nun, sobrang tanga ko para hindi maisip na kaya niyang magbago at hindi na tumingin sa iba pang babae. Hindi ko naisip na ang isang babaero ay mananatili parin na isang, babaero.
Pero kahit ganoon, nagtangatangahan ako. Nagtanga-tangahan ako at sinabi ko sa kanya na okay lamang lahat sa akin at okay lang kahit pagsabay-sabayin nya kami ng mga babae nya basta manatili sya sa tabi ko.
Pagkatapos noon, naging maayos ang lahat sa atin. Bumalik kami sa dati. Pero ang pinagkaibahan na nga lang, nakikita ko na ang lahat.
Hindi na ako bulag. Harap-harapan na e.Minsan nga, nagpunta ko sa condo nya. Nahuli ko syang nakapatong sa isang babae.nagpapakasaya at sumisigaw ng walang katapusan.
Hindi nya 'ko nakita na pumasok sa condo nya dahil masyado syang busy sa babae nya. Dahan-dahan akong umalis sa condo niya at umiyak ng umiyak. Nasasaktan na ako at pakiramdam ko ,ang bigat bigat ng loob ko. Para ring may tumutusok sa puso ko na kung ano.Pero alam ko sa sarili ko na wala akong karapatan na masaktan dahil ginusto ko ito. Ginusto kong masaktan ng ganito. Pero kung ang kapalit lang naman ng sakit na ito ay ang kasayahan ko, kaya kong tiisin lahat. nagmahal ako e. Nagmahal ako sa isang babaero. Pero may isang tanong ako sa sarili ko ngayon.
Masaya pa ba 'ko ? Kaya ko pa bang maging masaya?
Masaya sa isang taong paulit-ulit akong sinasaktan pero paulit-ulit kong minamahal.Mga araw at linggo ang dumaan, hindi ko siya kinausap, tinawagan o tinext man lamang. Iniwasan ko siya sa kadahilanang sobra na kong nasasaktan.
Sa mga dumaang araw na iyon, ni anino niya wala akong nakita. Ni hindi nya ko tinext o tinawagan. kahit isang text mula sa kanya wala akong natanggap. Nakakatawa lang na sobra na kong nasaktan pero heto parin ako't nag-aantay na kausapin niya ko't alamin kung bakit hindi ko siya kinocontact.
Hindi ko alam kung manhid ba sya, o sadyang wala lang talaga siyang pakialam sa girlfriend niya. Sabagay, sino ba naman ako? Isa lamang naman ako sa mga nakahanay na mga babae nya.
Sumunod na araw , hindi na ako nakatiis at pinuntahan ko na siya sa condo niya.hindi ko na siya naabutan roon at sinabi ng taga-linis ng condo niya ay umalis daw at hindi sinabi kung saan siya nagpunta. Nagkakutob na ko nun at naisip ko na agad na siya ay nasa isang clubhouse. Sa clubhouse kung saan siya ay madalas magpunta.
Dumiretso na'ko dun at sumalubong sakin ang malakas na tugtugan at mabahong amoy ng alak at sigarilyo. Sumalubong rin sakin ang mga taong halata mo na sanay na sanay kung pumunta sa ganung klaseng lugar.
Pero ang mas naka-agaw sakin ng pansin ay ang isang lalaking nakatalikod sa akin at nag-iisa sa may counter at nagpapakalango sa alak.
Lumapit ako sa kanya ng kaunti at nalaman ko na ang lalaking iyon, ay ang minahal ko."brix..."
Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin at ngumiti. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Niyakap ko siya pabalik.
Tanga ba'ko kung patatawarin ko siya sa lahat ng kasalanan niya? Kung kakalimutan ko ang lahat ng sakit na naramdaman ko,maramdaman ko lamang ang sayang idinudulot sa akin ng lalaking ito.
"im sorry.let's end this."
Parang gumuho ang buong mundo ko ng marinig ko ang binulong niya sa may tenga ko. Masakit magpakatanga. Pero mas masakit pala talaga pag ito na. Pag dumiretso na sa punto na ito. Sa punto kung saan parang namatay na rin ako. Sa pagmamahal ba o sa sakit? Hindi ko alam.
Tinanong ko siya kung joke ba ang lahat ng iyon at kung nananaginip ba 'ko. At sana kung maaari, gisingin nya nalang ako.
"sorry. Hindi ko na kaya. Magbreak na tayo. Wala nang patutunguhan ang relasyon na 'to. " mga salitang nakapagpasakit sa damdamin ko. Oo nga't wala ng patutunguhan. Pero dito sa walang patutunguhan na ito, dito lamang ako sumasaya.
Tinanong ko siya kung minahal nya ba ko. Pero sa sumunod nyang sagot ako nagsisi. Nagsisi ako at hiniling na sana hindi ko na lamang siya tinanong.
"hindi. Hindi kita minahal. Itinuring lang kita, bilang isa sa mga babae ko at wala nang hihigit pa ron."
Bakit ganun? Wala naman akong ginawang kasalanan sa kahit na sino. Nagmahal lang naman ako. Pero bakit parang ang nangyayari sa'kin ngayon, ay isang karma.
Siguro dahil nagmahal ako ng maaga? Baka nga. Kaya siguro ako nasaktan ng maaga.at ngayon, labing-walong taong gulang na ko ngayon. At naaalala ko pang nagmahal ako.
BINABASA MO ANG
Nagmahal (One Shot)
Cerita Pendekhinawakan ko ang title ng pagiging girlfriend niya, kahit masakit na. At ng siya na ang humiling na pakawalan ko siya, ang sakit pala?