Chapter 1.2 || Stars and Universe

1.3K 7 8
                                    

  Oo at lalong dumilim ang paningin ko dahil nga nakapikit ang aking mga mata. Isang tunog ng ‘click’ ang narinig ko at walang dampi ng labi o hawak ng kamay sa dibdib ko. Unti-unti ko nang binuksan ang aking mga mata at nakita ko ang kabuuan ng kwartong iyon. Isang switch ang binuksan ni Fire para sumindi ang mga maliliit na ilaw na nag-mistulang mga tunay na bituin sa silid niya. It was so beautiful and ravishing. Ngayon lang ako nakakita ng ganito sa buong buhay ko. Maliliit na liwanag at parang bigla ay nag-teleport kami sa universe.

      And there he was staring right in front of my very naked eye. At syempre nakaramdam ako ng hiya dahil napaka-assuming ko na hahalikan niya ako. I can see a smile beside of his lips and that is so totally sexy.

      “Akala mo hahalikan kita?” Tanong pa niya.

      Ouch. Assumer ka kasi! Sigaw ko sa utak ko.

      “Hindi ah!” My defensive response. “Akala ko kasi... ano e... ano...” Ano nga bang idadahilan ko?

      “Don’t bother to think for a reason kung palusot lang naman ang sasabihin at magkakasala ka pa dahil sa pagsisinungaling.”

      Tumalikod na siya sa’kin at nagpunta siya dun sa may sulok at may bago na naman siyang in-switch. Mas lalo pang nagliwanag ang silid dahil sa mga planeta na nakalutang sa may kisame niya na dahan-dahang umiikot sa araw.

      Ako, natulala at mas lalong namangha sa ganda.

      “So ikaw gumawa lahat ng ‘to?”

      “Oo. I love universe. I love being in space kaya eto and obsession ko.”

Naupo ako sa may kama at humiga para mas malaya kong mapagmasdan ang animo’y totoong universe na nakakulong sa kanyang kwarto. Tumabi sa’kin si Fire.

      “Maganda ba?”

      “Grabe. Ang ganda, sobra.” Oo nga sa sobrang ganda ako pa naunang humiga sa kama 'di ba? 

      “Glad you liked it. ‘Yung iba kasing babaeng dinadala ko dito ayaw ang ganitong eksena. Ang corny daw.”

      Ouch again. Akala ko isa na ‘kong espesyal na babae na kauna-unahang niyang dinala dito sa bahay niya. Isa na lang pala ako sa mga napakaraming nagpakasasa na sa pag-e-enjoy dito sa kanyang bahay.

      “I-ibig sabihin nagdala ka na ng ibang babae dito?” Tanong ko kahit alam ko na ang sagot. Para lang akong masokista na gustong-gustong sinasaktan ang sarili.

      “Oo. Kung hindi kami nag-iinuman ay nagse-sex kami. Minsan sabay din. Sex trip lang hanggang sa manawa kami hanggang sa pahinga at uulit na naman.”

      Gulp. Sana hindi na lang niya sinabi. Ouch. Ouch. Ouch.

      “Sex?”

      “Oo, SEX.” Madiin pa niyang ulit. “B-bakit, hindi ka pa ba nakipag-sex?” Ayan na naman ‘yung diin ng word na sex. Natatakot na tuloy ako.

      “The word sex never occurred in my mind ‘til five seconds ago.”

      “Virgin ka pa?” At nakakairita pa ang pagtawa niya. Pang-iinsulto ba ‘yun?

      “Oo.” Proud kong sagot kahit alam ko naman na ang isasagot niya. Sasabihin niyang: sabagay, sinong papatol sa’yo e ang baduy mo na manamit at ang jologs mo pa at manang na manang ka pa.

      Pero iba ang naging reaksyon niya. Nanahimik lang siya.

      “Ang swerte naman ng lalaking magmamahal sa’yo. Buong-buo ka niyang makukuha.” Malamig na sagot niya.

      Totoo ba ‘yung narinig ko? Para namang hinaplos ng malamig na kamay ang puso ko. Lalo ko tuloy siyang minamahal.

      At para ko na ring gustong sabihin sa kanya na, sana ikaw na lang ang magmahal sa’kin. Sana ikaw na lang.

      “Hindi din maswerte.” Angil ko.

      “Bakit mo naman nasabi?”

      “E tingnan mo nga ang itsura ko. Sino bang lalaking magkakagusto sa’kin e ang pangit-pangit ko at isa pa hindi ako ‘yung tipo ng babaeng hahabulin ng isang matinong lalaki. Hindi ko nga alam kung bakit mo ako inimbita dito sa bahay mo e.” Ang dami ko atang nasabi.

      “So that’s it. You want to clarify the reason why I’d invited you here. Okay,” naupo siya at ako nanatiling nakahiga.

      Lumakas na naman ang kabog ng dibdib ko nang idagan niya sa’kin ‘yung buong bigat ng katawan niya at kakaunting distansiya na naman ang pagitan naming dalawa. At kung i-imagine ko lang ang pwesto namin ay daig pa namin ‘yung nag-... hmmm.

      “Gusto mo bang malaman?” Oh shit ang bango talaga ng hininga niya.

      “O-oo.”

Lalo pa siyang lumapit at this time sure na ‘kong hahalikan na niya ‘ko. Unti-unti ko ng ipinikit ang mga mata ko at yinayakap ang sarili nang maramdaman kong tumama ‘yung tuhod ko sa alam mo na... sa ari niya. Napangiwi ako pero ngumiti lang siya sa’kin at lalo pa niyang inilapit ang mukha niya.

      Hihimatayin na ‘ko, I swear.

Little SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon