Chapter 1.1 || The Door

1.3K 9 15
                                    

 Pagbaba ko ng taxi sa harapan ng bahay nila sa may Ferndale Homes sa Quezon City ay para na rin akong nakakita ng isang totoong palasyo gaya sa mga fairytale. Malaki ang bahay na may malaki din tarangkahan (gate) at napapalibutan ng nakakurbang mga bakal na lalong nagpapasosyal sa buong kabahayan. Bigla naman ata akong nahiya at mukhang naiisipan ko ng mag back out. Pero bahagi ng katawan ko gusto nang pindutin ang doorbell at hintayin lumabas ang sandamakmak na mga katulong.

      Tutuloy pa ba ‘ko? Sa itsura ko kasi mukhang nag-alangan na ako. Nakasuot ako ng isang maluwang na pantalon at lousy cut na blouse na pa-ekis pa ang strap sa likod. Bongga ‘di ba? Pakuwa’y hiniram ko rin ang sandals na Tita Odette na may 3 inches na takong. Baduy ba akong tingnan? Sabi ni Tita Odette bagay ko naman daw. Pero sabi naman ng utak ko pinagmukha ko lang daw tanga ang sarili ko. Pero ‘di bale na at least ay magkaibigan kami ng love of my life ko.

      Anyway, nag-doorbell na rin pala ko nang hindi ko man lang namamalayan. Seems like my subconscious mind did it itself. Ilang sandali pa ay naririnig ko na ang paggasgas ng bakal na hawakan sa gate at ilang sandali pa ay nabukas na nga ito.

      “Fire?” Nagulat pa ‘ko dahil ang buong akala ko ay katulong ang magbubukas sa’kin. Alam kaya niya na ako ang dumating? Meron kaya silang CCTV camera dito?

      At syempre number one rule ng mga babae ang magpa-cute kaya naman I flip my hair back to my ear at ngumiti ulit ako.

      “Pasok ka Casey.” Niluwangan niya ang pinto para tuluyan akong makapasok. Lalo pa ‘kong namangha ng mapagmasdan ko ang kabuuan ng bahay. Malaki nga ito at may malawak na hardin at sa bandang dulo ay sa palagay ko iyon ang nagsisilbing parking lot nila ng kanilang mga mamahaling sasakyan. Sumunod lang ako sa kanya papasok ng kanilang bahay at pagpasok ko pa sa loob ay tila nadismaya ako dahil wala man lang kagamit-gamit bukod sa glossy woods na interior design ng bahay pati na ang exterior label nito. Parang wala mang babaeng nakatira dito.

      “Mukhang ang lungkot naman ng bahay na ‘to.” Wika ko nang paupuin niya ako sa may sofa.

      “Ganyan-ganyan din ang sinabi ni Mama nang una siyang makapunta dito.”

      “Mama? Hindi ba’t magkasama kayo sa bahay? I mean, dito?”

      “Nope.” Atsaka siya naupo sa sofa sa katapat ko.

      “Hah? Ah, Daddy mo ang kasama mo sa bahay na ‘to?” I suppose.

      “Not either. I live by myself. Dinadalaw lang ako ni Mama dito kapag may free time siya. I guess hindi mo pa siguro alam ang nangyari kay Dad. Matagal na siyang namatay dahil sa sakit niya sa puso.”

      Habang nagsasalita siya wala akong nagawa kundi titigan ang mga mata niya na sobra sa pagkakulay kalawang. Kalawang? Kulay-kape ang ibig kong sabihin. Napaka-brown kasi ng mga ito at masyado kung maaninagan ng liwanag. Tila ba isa siyang mabangis na hayop sa isang Paraiso na kay sarap alagaan pati ang kanyang puso.

      “Bakit ka naman nakatira mag-isa dito? Hindi ka ba nalulungkot?”

      “Hindi naman. Nakikita mo naman siguro ‘di ba nag-e-enjoy ako sa eskwela sa mga activites na ginagawa ko? Kaya ayos lang sa'kin tumira dito mag-isa.”

      “Oo. Pero mahirap mabuhay ng mag-isa. Paano kapag nagkasakit ka? Sinong maglilinis ng mga kalat mo dito sa bahay at—“

      “May cleaner ako at emergency button sa phone ko.” Mabilis niyang sagot. Hindi na nga ako pinatapos sa litanya ko.

      “Ahh.” Kaya ‘yun na lang nasabi ko. “Ang yaman mo pala talaga ‘no?”

      “Oo.” Sa pagsagot niya ng oo  parang nakaramdam ako ng lungkot sa tinig niya. “Halika ililibot kita sa buong bahay.”

      Tumayo siya at iniabot niya ang kamay niya sa’kin at tinanggap ko naman iyon. Ang lambot ng kamay niya talaga. Sa tuwing maaalala ko isang linggo ata akong hindi naghugas ng kamay ng una kong mahawakan ang kamay niya sa Prom. At eto ngayon ulit ang chance ko. Grabe ang kuryente na nagdadala ng kilig sa bawat himaymay ng katawan at puso ko dahil magkahawak-kamay pa kami habang ipinapakita niya sa’kin ang bawat silid at bawat gamit niya sa bahay niya.

      Pero isang bagay ang hindi nag-occur sa isipan ko habang nalilibang ako sa paglilibot sa mansyon ni Fire Buendia, ang dahilan kung bakit ako pa e sa dinami-dami ng mga babaeng nariyan sa tabi-tabi na handang magpalapa sa bangis ng karisma niya. Am I that special para ako ang dalhin niya dito sa bahay niya? Ayoko muna mag-assume, haha.

      Bigla tuloy akong kinabahan. Kahit pagbali-baliktarin mo man ang mundo ay lalaki pa rin siya at babae ako at etong pribadong lugar na ito... hindi ko maiwasang maisip ang bagay na iyon.

      Huli naming tinungo ay ang kwarto niya. May ipapakita daw siya sa’kin. Impit lang akong ngumiti at alam ko napansin na iyon ni Fire. Pero sumunod pa rin ako kahit na isang libong kabayo na ang nagkakarerahan sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba.

      Madilim ang kwarto niya nang pasukin namin. Masyadong makapal ang tela ng kurtina kaya hindi makapasok ang liwanag ng araw at kakaunting silip lang ng ilaw ang nagbibigay buhay sa malawak na silid niya.

      “Sara mo ‘yung pinto...” wika niya sa pinakamalamig na tono ng boses niya.

      “Huh?” Doon ko na yinakap ang sarili ko. Takot na talaga ako. Oo at gusto ko siya pero hindi pa ito ang oras para ibigay ko ang sarili ko sa kanya. “Fire... a-ano bang g-gagawin natin?” Nangangatog na ang binti ko. Papalapit siya pero papa-atras ako hanggang sa maramdaman kong sumara na ang pinto dahil sinandalan ko. Nalunok ako habang isang sentimetro na lang ang layo namin sa isa’t-isa. At ipinikit ko na lang ang aking mga mata.

Little SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon