Chapter 1

6.3K 78 0
                                    


"My god, Jing-jing! Ano'ng ginawa mo sa pagkain mo? Sininghot mo lang? Ang dami nun ah! Hindi ka pa rin ba busog?!" bulalas ni Chrisma na hindi mapigilang mamangha sa kapasidad ng tiyan ng kaibigan.

"Grabe ang tiyan mo, Jing-jing! Hinay-hinay ka lang, baka hindi ka na matunawan. Buti na lang talaga at hindi ka tabain. Kung hindi sa lakas mong kumain malamang sinlaki mo na ang elepante," iiling-iling na palatak ni Yang.

"Hindi na kayo nasanay sa lakas kong kumain. Sa ganun talaga eh, mabilis ang metabolism ko at hindi uso sa akin ang diet-diet na iyan. Takot kumapit sa akin ang mga fats," katuwiran ni Jing-jing. "Ano, kakainin mo pa ba iyan? Bawal magsayang ng pagkain, maraming nagugutom," muling tanong nito kay Chrisma.

"Para namang willing ka ngang i-share sa mga nagugutom ang pagkain mo. Malamang pa nga makipag-agawan ka pa sa kanila kapag isinama kita sa feeding programs ng Wish Foundation sa Pasko," napapailing na sagot na lang niya sa kaibigan.

Ang Wish Foundation na tinutukoy niya ay ang charitable organization kung saan ay isa siya sa mga volunteers. Dati ay ang Lola Lala niya ang namamahala roon. Pero nang mag-migrate na ito sa Australlia ay ipinaubaya na ng lola niya sa iba ang pamamahala roon. Bata pa lang siya ay madalas na siyang isinasama ng lola niya sa foundation tuwing may projects ito roon. Kaya naman ngayon ay isa na rin siya sa mga nagbo-volunteer sa foundation.

"Sinabi mo pa. Malamang hindi makarating sa pakakainin ninyong mga bata ang pagkain dahil sa sasakyan pa lang ay ubos na ni Jing-jing lahat ng pagkain," bungisngis ni Yang.

Natatawang iniabot ni Chrisma ang plato niya kay Jing-jing na as usual dedma lang sa panunukso nila ni Yang tungkol sa katakawan nito. Walang alinlangang kinuha ni Jing-jing ang plato niya at sinimulang kainin ang seafood pasta at garlic bread. Pati ang halos hindi pa nababawasang roast pork loin with mushroom gravy sa plato ni Yang ay sinusulyap-sulyapan na rin ni Jing-jing habang abala pa ito sa pagnguya. Tila balak na iyon naman ang isunod pagkatapos nito sa seafood pasta niya.

"Huwag mo nang balakin, Jing-jing, kakainin ko pa ito," maagap na ani Yang nang mapansin ang masamang tingin ni Jing-jing sa plato nito.

"Nasaan ba ang waiter, gusto ko pang um-order," ani Jing-jing.

Natatawang naiiling na luminga sa paligid si Chrisma at naghanap ng waiter. Paglingon niya sa kaliwa ay ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang masalubong ang kulay-alak na mga matang nakatuon ang tingin sa mukha niya. Awtomatiko ang pagsikdo ng puso niya at ang pagsilay ng matamis na ngiti sa mga labi.

Si Wayne Domingo, ang one and only Wayne Domingo ng buhay niya! Hindi siya maaaring magkamali. Si Wayne nga ang lalaking nakaupo sa mesa hindi kalayuan sa mesa nila. Kahit magka-amnesia siya, nasisiguro niyang hinding-hindi niya makakalimutan ang hitsura ng gwapo at makisig na lalaking limang taon nang lihim na itinitibok ng puso niya. Well, not exactly 'lihim' dahil alam ng madlang people ang tungkol sa pagnanasa, este, damdamin niya para sa brother-in-law ng pinsan niyang si Michelle.

Si Wayne Domingo ang lalaking hanggang ngayon ay nananatiling ideal man niya sa kabila ng pang-iisnab nito sa beauty niya. Ito ang ruler niya na hindi mapantayan ng sinumang manliligaw at mga naging nobyo niya nitong nakalipas na limang taon sa kabila ng pagiging allergic ng lalaki sa presensya niya.

For Wayne, she was nothing but an annoying pest he had to deal with because his brother and her closest cousin are married. But then all good love stories start out with the boy and girl hating each other, don't they? Kaya balewala sa kanya ang pagiging suplado at isnabero ni Wayne sa kanya nang magkakilala sila five years ago.

Paniwala pa nga niya noon ay itinadhana talaga na magkakilala ang pinsan niyang si Michelle at ang kapatid ni Wayne na si Xander dahil ang dalawa ang magiging tulay para magkatagpo, magkakilala at magkaibigan sila ni Wayne.

Hindi niya matatawag na love at first sight ang damdaming umusbong sa puso niya para kay Wayne noon. Mas bagay sabihing lust at first sight iyon. Dahil sa totoo lang, kahit yata female alien tutubuan ng pagnanasa sa hitsura at kakisigan ni Wayne Domingo. Malaki ang hawig ni Wayne kay David Beckham, sa mukha at pangangatawan. Those thick eyebrows, sharp cheekbones, strong jaws and dark as midnight eyes all helped to create the stunningly unforgettable face of one Wayne Domingo. Kung sakali ngang mangailangan si David Beckham ng double ay papasa si Wayne na maging double ng naturang athlete.

Matipuno rin ang katawan ni Wayne. Matitigas ang mga biceps at dibdib nito na hindi iilang beses na niyang natsansingan sa tuwing magkukunwari siyang natatapilok kaya kinakailangan niyang yumakap dito. Pero hindi iyong klase ng matipuno na halatang binabad sa gym kaya namumutok ang mga muscles sa dibdib at braso. Sapat na ehersisyo at martial arts training ang sanhi ng magandang pangangatawan ng lalaki.

Wayne gives off an air authority and self-confidence without being arrogant or conceited about it. Ito ang tipo ng lalaking gugustuhin mong dikitan sa gitna ng krisis, sakuna, delubyo, end of the world at attack of the zombies. Dahil nakatitiyak ka na kahit wala nang masusulingan ay makahahanap pa rin ito ng paraan para malagpasan ang anumang mapanganib na sitwasyon. At higit pa roon, titiyakin din nito na lahat ng taong nasa pangangalaga nito ay maililigtas nito kahit pa kapalit ng sariling kaligtasan nito. Kaya nga hindi na kataka-taka na isa itong NBI agent nang unang makilala niya.

Gustong-gusto niya ang pagiging seryoso, misteryoso, matalinong kausap, mapagkakatiwalaan, matapang at matapat nito. Ang hindi lang niya gusto ay ang pagiging dedma at immuned nito sa beauty at pang-aakit niya. Lumalapit pa lang siya sa lalaki ay kusa na itong lumalayo na para bang ipinagbabawal ng batas na mag-share sila ng space at oxygen. At kapansin-pansin na sa kanya lang ganoon ang lalaki. Bagay na nao-obserbahan mismo ni Xander kaya sabi sa kanya ni Xander, kakaiba raw ang ikinikilos ng kuya nito pagdating sa kanya. Kaya huwag raw siyang susuko sa panunungkit sa puso ng kuya nito dahil kutob nito, kaya tila naiilang si Wayne sa kanya ay dahil batid ni Wayne na siya ang tuldok sa pagiging binata nito.

Bagay na tila nagkaroon nga ng katotohanan noong araw ng binyag ng kambal na anak nina Michelle at Xander five years ago. Nang araw na iyon kasi sila unang nagkausap ng masinsinan ni Wayne. For once, hindi sila nagsagutan ng binata. Hindi ito nag-walk out matapos mapikon sa mga biro niya. He even managed to smile, chuckle at her jokes and make her laugh with his droll sense of humor. Natitiyak ni Chrisma na simula na iyon ng magandang relasyon sa pagitan nila ni

Wayne. Kaya hindi na siya nagulat nang sumunod na mga araw, imbes na dedmahin lang ang mga tawag at pangungulit niya rito, pinaunlakan ng binata ang mga tawag at paanyaya niya. Hindi niya naman matatawag na date ang paglabas-labas nila noon dahil lagi nilang kabuntot sina Michelle at Xander.

Biro ni Xander, ideya raw ni Wayne ang group dates nila dahil nangangamba si Wayne sa kalinisan ng intensyon niya. Binatang Filipino raw ang kuya nito, konserbatibo kaya hanggang group dates na lang muna sila. Saka na raw niya pwedeng masolo si Wayne kapag napatunayan na niyang seryoso siya sa binata. Gayunpaman, kahit kadalasan MH or Malaking Hadlang sina Xander at Michelle sa pagsosolo nila ni Wayne, wala pa ring pagsidlan ang kaligayahan niya nang mga panahong iyon. Unti-unti niyang nakikilala nang husto si Wayne at gayundin naman ito sa kanya.

But Chrisma's hopes and dreams of a happily ever after with Wayne were dashed just a few months after the baptismal of Michelle and Xander's twins. Dahil natuklasan nila na may anak pala sa dati nitong nobya si Wayne. Wayne found out that his ex-girlfriend Jemma, had his kid without telling him. Hiwalay na raw kasi ang dalawa nang malaman ng babae na buntis ito. At nang hindi sinasadyang makarating sa kaalaman ni Wayne ang tungkol sa anak nito dahil sa pagbabalita ng isang common friend ng dating magkasintahan, hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Wayne. Kinompronta ng binata si Jemma. Matapos umamin ni Jemma na nagka-anak nga ito at si Wayne ang ama, nagkabalikan ang dalawa. At hindi tinantanan ni Wayne si Jemma hanggat hindi napapapayag ang babae na magpakasal kay Wayne.

American citizen si Jemma bagamat isa rin itong Filipina. Sa kagustuhan ni Wayne na makapiling ang mag-ina nito dahil walang balak na tumira dito sa Pilipinas si Jemma, iniwan ni Wayne ang dating trabaho nito sa NBI at mas piniling sa States na tumira. And that ended all of Chrisma's romantic illusions about her own happy ending with Wayne.

That was five years ago. But now, Wayne is back.


(COMPLETE)SILVER BELLES 1- CHRISMA IN OUR HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon