CHAPTER 4

1.8K 45 0
                                    


Parang may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ni Wayne habang nakamasid siya sa labas ng glass walls ng opisina niya na nasa fifth floor ng main branch ng Indigo Bookstore.

Dahil sa dating trabaho niya bilang NBI agent na madalas napapadala sa mga mapanganib na misyon tuwing humahawak siya ng undercover jobs, marami sa mga nakakakilala sa kanya ang nababaghan kapag nalalaman kung ano na ang trabaho niya ngayon. Ang akala ng mga ito, tipong pang-macho din 'ika nga ang magiging trabaho niya matapos niyang umalis sa pagiging undercover agent. Tulad ng ginawa niya noong nasa States siya. Bail enforcement agent kasi siya roon o iyong mas kilala ng lahat bilang bounty hunter.

Kaya kapag nalalaman ng mga kasamahan niya dati sa NBI ang trabaho niya ngayon ay nababaghan ang mga ito. Napakalayo raw sa hitsura niya na isa na siyang bookstore owner ngayon. Since he stands six-feet-two inches tall, has broad shoulders, has a strong built and looks more like a trained fighter or a soldier rather than the bookstore owner that he is now.

Subalit ang hindi alam ng mga dating kasamahan niya, kung hindi siya naging NBI agent noon, malamang naging librarian siya. Dahil kahit noong bata pa siya ay mahilig na talaga siya sa mga libro. At alam iyon ni Uncle Emil kaya naman sa kanya nito ipinagkatiwala ang negosyong mahal na mahal nito. Batid diumano ni Uncle Emil na hinding-hindi niya papabayaan ang negosyo nito.

"Wayne? Narinig mo bang sinabi ko, Wayne?"

Nilingon ni Wayne ang kanyang inang si Mrs. Cory Domingo-Indigo. She was now a twice widowed sixty-five year old woman but a lot of people still mistake her for a forty-year old woman. Hindi kasi ito nagpapabaya sa sarili sa kabila ng edad nito. Maingat ito sa kinakain at regular na nag-e-ehersisyo. Isang ugali na ipinasa nito sa kanya at kay Xander.

Pero hindi niya makita ngayon ang karaniwang maaliwalas na anyo ng kanyang ina. Kulang na lang ng isang sentimetro ay magsasalubong na ang mga kilay ng mama niya. At dahil iyon sa balitang katatanggap lang nila kani-kanina.

Katatapos lang basahin ng abogado ni Xander ang huling testamento ng kapatid niya at ni Michelle. Wala nang mga magulang si Michelle at solong anak pa ito. Kaya ang tanging mga kapamilya ni Michelle na dumalo para sa pagbabasa ng huling testamento nito ay sina Chrisma at ang mga nakatatandang kapatid sa ama ni Chrisma na sina Nerissa at Talia. Matapos malaman nina Nerissa at Talia ang tungkol sa mga alahas at halagang iniwan ni Michelle para sa mga ito ay dali-dali na ring nagsi-alis ang mga ito. Ni hindi na nag-abala pang alamin kung ano ang mangayyari kina Matt at Rachel na pamangkin din naman ng mga ito.

Samantalang si Chrisma ay kasabay na umalis ng abogado. Atat na atat na ring maka-alis si Chrisma kanina pa. Pero hindi dahil hindi ito interesado sa mangyayari kina Matt at Rachel. Kung hindi dahil nais na ni Chrisma na makabalik na sa bahay nina Xander at Michelle.

Sa bahay kasi ng dalawang yumao pansamantalang nanunuluyan si Chrisma ngayon para bantayan ang mga pamangkin nila. Parang bagong panganak na ina si Chrisma na hindi maiwan ang mga anak sa pag-aalalang may mangyari sa mga iyon kung wala ito sa tabi ng mga iyon. Kung hindi pa nga niya sinundo ang dalaga kanina ay wala pa itong balak na dumalo sa pagbabasa ng huling testamento nina Xander at Michelle.

Kahit na sanay naman ang yaya ng mga bata na tanging ito lang ang nagbabantay sa mga bata dahil nagtatrabaho rin naman si Michelle noon, tila hindi pa rin kumbinsido si Chrisma na pwede nga nitong iwan saglit ang mga bata sa yaya. Something he never expected at all. Dahil si Chrisma ang huling babae sa mundo na inisip niyang posibleng magkaroon ng malakas na maternal instinct.

Kakatwa kung tutuusin na sa kanilang dalawa ni Chrisma ay ang dalaga ang mas hindi nagulat sa nalaman nila mula sa abogado nina Xander at Michelle tungkol sa kahihinatnan ng mga pamangkin nila ayon sa huling habilin mismo ng mag-asawa. In fact, Chrisma even looked like she already expected what the lawyer was telling them. Tila tanging sila lang ng mama niya ang labis na nagulat sa nilalaman ng testamento nina Xander at Michelle.

(COMPLETE)SILVER BELLES 1- CHRISMA IN OUR HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon