CHAPTER 7

1.6K 40 0
                                    



"Bakit ba kanina ka pa sulyap ng sulyap sa akin? Uy, don't tell me, nagkaka-crush ka na rin sa akin, no?" tudyo ni Chrisma kay Wayne habang lulan sila ng sasakyan nito.

Kung wala lang siyang tiwala sa pagmamaneho nito, malamang kanina

pa siya napadasal ng sampung Hail Mary dahil sa takot na madisgrasya sila

sa dalas ng mga pagsulyap ni Wayne sa kanya.

Pabalik na sila sa bahay nina Xander. Nasa likod ng trunk ng kotse ni Wayne ang mga gamit niyang kinuha niya mula sa condo unit nila nina Lucibelle at Jing-jing. Maaari namang sa kotse na niya siya sumakay sa halip na iwan niya iyon sa condo building at pabalikan bukas sa driver nina Xander na si Mang Tonyo. Pero mas gusto kasi niya na makasama si Wayne sa sasakyan nito kaya niya isinuhestyon na sumabay na lang siya sa lalaki. Hindi naman tumutol si Wayne.

"You're really going to do it, aren't you?" tila nalilito at hindi makapaniwala na untag ni Wayne.

"Do what?"

"Put your life on hold for the sake of the children? Don't you love your band? Isn't music your passion? Paano mo naggawang basta isantabi na lang iyon?"

Bigla ay naliwanagan siya sa sanhi ng kalituhan ng lalaki. Sa isip nga pala kasi ng lalaki ay isa siyang babaeng walang ibang iniisip kung hindi ang sarili at ang mga bagay na mahalaga sa kanya tulad ng pagbabanda niya, mga luho sa buhay, pagsa-shopping at malamang kung ano-ano pang mga bagay na sa tingin nito ay pawang kababawan lang.

"Wayne, matanda na ako. Mas malawak na ang pang-unawa ko. Pero ang mga bata, maliit pa ang mundo nila. Kokonti pa lang ang mga naiintindihan nila. At nawala na sa kanila ang dalawa sa pinakamahalagang mga tao roon. Hindi ko maaatim na pabayaan sila at unahin ang sarili ko. Those children needs me, us. Sila na lang ang natitirang alaala nina Xander at Michelle sa atin. At pinagkatiwalaan nila tayo na mag-aruga at magmahal sa mga anak nila. Nakakahiya naman sa kanila kung pababayaan natin ang mga anak nila," paliwanag niya. "Saka baka multuhin pa nila tayo kung pababayaan natin sina Matt at Rachel. Ewan ko sa iyo pero aminado ako, takot ako sa multo."

Bahagyang napailing si Wayne pero ang mas pinagtuunan niya ng pansin ay ang munting ngiting saglit na sumilay sa mga labi nito nang sulyapan siya.

"Syanga pala, paano ang magiging set-up natin? Ilang beses kang bibisita sa bahay nina Xander? I know I'm awesome but I think they'd still need the steady influence of a father figure in their lives. Kaya tulad ng sinabi ko sa iyo kanina doon sa opisina mo, dapat ipakita mo rin na present ka sa buhay nila. Kailangan nilang makita ang pagmamahal at pagmamalasakit mo sa kanila. Hindi sapat na mga materyal na bagay lang ang ibibigay mo sa kanila," mariing wika niya rito.

"Alam ko. Kaya nga iniisip ko kung mas makakabuti na lumipat na rin ako sa bahay nina Xander para araw-araw ko ring nakakasama ang mga bata. Pero---"

"Talaga?! Ibig sabihin titira tayo sa iisang bahay?! Tama! Iyon nga ang dapat mong gawin! Makakabuti iyon para sa akin, I mean, sa mga bata," malawak ang ngisi at kulang na lang ay magkorteng puso ang mga matang maagap na aniya bago pa nito maisaboses kung anuman iyong 'pero' nito.

"I don't think it would set a good example to the kids, Chrisma. Babae ka, lalaki ako at wala naman tayong relasyon. Pangit tignan kung sa iisang bahay lang tayo titira. We have to set a good example to the kids, remember?"

"Sus! Hindi naman na eighteen-whatever ngayon. Two thousand fifteen na, uso na si Facebook, Instagram at Tweeter. Wala namang malisya ang pagsasama natin sa iisang bahay. Well, walang malisya siguro sa side mo, pero sa akin, hmm...medyo alanganin nga," aniya na biglang napangiwi nang maisip na magiging masagwa ngang tignan kung titira sila ni Wayne sa iisang bahay gayong wala pa silang relasyon.

(COMPLETE)SILVER BELLES 1- CHRISMA IN OUR HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon