KN4: Mushroom Girl ♡

210 3 0
                                    

KN4: Mushroom Girl 


"Ate! tigilan mo nga ako! Wala pa kong boyfriend!" sabi ni Mitzi sa Ate niya. 

"Sige na cheyy! sabihin mo na sakin! Ate mo naman ako e. Dali na! Alam ko pogi yan! hahahaha" her sister said. medyo lasing na nga ito. hindi niya alam ung bakit bigla nalang siyang niyaya ng kapatid niyang mag inom. at sa kwarto pa talaga niya. 

"Pakialaman mo nalang lovelife mo! Dun ka sa mahal mo!" sa nakangiting kapatid niya unti unti itong napalitan ng lungkot.. 

Makikita mo sa mga mata nito na may pinagdadaanan nga ang kapatid niya, Ang ate niya. May nasabi ba kong mali? napatigil tuloy ang ate niya sa pag lalambing sa kanya. 

"Kung alam mo lang kung gaano kahirap ma in love sa bestfriend. *huff*" pagkasabi ng ate niya ay akmang aalis na ito ng kwarto ng kapatid niya.. Bestfriend na naman? hanggang ngayon ba in love pa rin siya sa bestfriend niya?  Pinigilan niya ang ate niya at pinaupo ulit sa tabi niya.. 

"Hanggang ngayon?" she ask her sister.

tumango naman ito..

"Bakit?" she ask again.

umiling lang ang ate niya habang nakasimangot.

"Ano ba kasi talagang meron sa inyo?" she ask again.

"I don't know.." sabi nito habang umiiling iling pa.

"Ano ka ba sa kanya?" she ask again!

"ewan ko. sino ba naman ako sa kanya dba?"

"Ano ba siya sayo?" she keeps on asking.

"mahal ko siya..."

"E anong magagawa mo?" hindi niya napansin na namumuo na pala ang luha ng ate niya. 

tuluyan na ngang umiyak ang kapatid niya. Pang ilang beses na niyang nakikitang umiiyak ang kapatid niya. At palaging ang bestfriend niya ang dahilan. 

"Yun na nga e! Wala akong magagawa kasi hindi ko naman hawak yung puso't isip niya!"

Wala nga naman tayong magagawa dahil hindi naman natin kontrolado ang puso at isip ng isang tao. pero..

"Ate.. kaya mo naman mag move on e. hindi lang naman siya yung lalake sa mundo. he don't deserve your love." pagtatahan ni Mitzi sa ate niya. 

"But I deserve him.. *sobs*" 

-- 

KathNiel University ♛Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon